Kabanata 2

1.3K 30 10
                                    



Kabanata 2

Dela Fuente

Kanina pa ako nakahiga sa kama. My mind couldn't accept what my Lola said.

Parang ayaw ko nang lumabas sa kuwartong 'to. Kung puwede lang na may lumabas na genie para ipag-wish ako, hihilingin ko talagang mapunta ulit ako sa Maynila! O puwede ring bigla na lang akong lamunin ng kinahihigaan ko!

Napagdesisyunan kong tumayo na upang buksan ang laman ng bag at luggage ko kahit na nasa isipan ko pa rin ang huling sinabi ni Lola.

Tulad ng sabi ko kanina sa isip ko, hindi ako puwedeng maging pabigat dito lalo na ngayong hindi naman pala kay Lola Dominga ang bahay na ito.

Napapikit at napamura na lang ako sa inis nang makitang hindi nakatupi iyong mga damit ko. 

Napakarami ko pa namang dala! At baka mas marami pa sana akong nadala kung hindi ako nagmadali sa paglagay ng mga 'yon. Si Papa kasi, mapilit!

Naalala ko kahapon... lagay lang ako nang lagay ng mga damit sa lalagyanan dahil pinagmamadali ako ni Papa. Ako naman, walang ibang pagpipilian kundi ang sumunod na lang kahit na... may sariling pag-iisip naman na 'ko.

Iyon ang pinagkaabalahan ko sa loob ng isang oras, ang mga damit ko. Matapos kong magtupi at mailagay iyon sa cabinet, napagdesisyunan kong maligo dahil nalalagkitan na ako sa sarili ko. And the fact that I fell asleep on the bus, too! Baka kung saan-saan na pala ako nadikit, ang likot ko pa yatang matulog.

I just spend half an hour taking a bath. Napa-fustrate naman ako dahil hindi ako makapili kung ano ba'ng susuotin ko. At sa huli, black sando at maong shorts na lang ang isinuot ko.

Komportable naman ako sa suot ko. And if they are bothered by how I dress, it is because of their mindset. Hindi dapat tayo ang maga-adjust para sa kagustuhan nila.

Muli kong binuksan ang cabinet at pinailalim ang sketchpad ko sa mga damit. I have a lot of designs there; random sketches and floorplans. Samantalang ang kaunting art materials ko sa ay inilagay ko sa may sulok at tinakpan ng kung anong nakita ko sa lapag para hindi makita ng iba. 

Mahirap na at baka pakialaman pa ng iba! Galawin na nila ang lahat, 'wag lang ang sketchpad at art materials.

Hindi ko dinala lahat ng kagamitan ko dahil bakasyon lang naman daw ako rito sabi ni Papa. At saka... magsisilbi ko lang na practice ang mga 'yon para sa future plates sa tuwing may creative juices na papasok sa isip ko. Mahirap na at madalas pa naman aking nauubusan kapag nasa harapan ko na ang aking gagawin! Madalas pa ay title block.

Inihiga ko ang aking katawan sa kama. Ramdam ko ang pagod sa kaloob-looban ko ngunit hindi ako makatulog dahil na rin sa kagustuhan kong maglibot dito. Isang beses pa lang kaya ako nakapunta rito at hindi ko na maalala pa kung saan 'yon. At... ayaw ko nang alalahanin pa.

Napapaisip na lang ako sa mangyayari sa mga susunod na araw. Papayagan kaya akong magtrabaho? Tang ina, gusto ko lang naman makatulong.

Nabaling naman ang atensiyon ko sa pinto nang makita kong pumihit ang doorknob nito.

Palihim naman akong natawa. 

Hindi sila makapapasok dito dahil ni-lock ko iyon bago ako maligo kanina.

Suddenly, my eyes widened and the smile on my face immediately vanished when I saw it opened.

"Gago?" mahinang mura ko nang nakita kong pumasok ang lalaking sumundo sa akin kanina.

Puta, paano nakapasok 'yon? Teleport ka, girl?

"Paano ka nakapasok?" tanong na akala ko ay sa utak ko lang nasabi pero kusang lumabas sa bibig ko. 

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon