Lance's POV
I hate myself for saying those words. Ako yung may gusto nito pero bakit ako yung nasasaktan? Ilang hakbang pa ang ginawa ko para layuan siya pero hindi rin ako nakatiis. I want to go back to her and take back what I said earlier but when I turn my back she's no longer there. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid pero wala na siya. Nakaalis na siya dito. Tumakbo ako papunta sa may elevator. Nababaliw na yata ako. Ako ang nakipaghiwalay pero hindi ko matanggap na talagang wala na kami. I want to take back what I said. I need to tell her I still love her but I just want to wait for the right time for me to completely heal. Nagmadali ako para magpunta sa may exit nang bigla akong harangin ni Steph.
"Lance we need to talk."
"Steph I don't have time now. Let's talk later."
"No. I need to talk to you right now about your proposal. Is it still valid?"
Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi to saakin ngayon.
"Yes. It's still valid. Why?"
"I'll accept it. Diba gusto mong maging business partners tayo? Pumapayag na ako."
"Bakit ngayon mo naisipan yan? Ang tagal kong hinintay na sabihin mo yan sa akin."
I know her capabilities and her talent. That's why I want her to be my business partner. Wala naman akong nakikitang problema noon dahil alam kong magiging maganda ang takbo ng business namin dahil magkasundo kaming dalawa. Pero ngayon parang nagkaroon ako ng kaunting alinlangan dahil sa komplikadong relasyon namin. Idagdag pa na alam kong may nararamdaman na siya para sa akin at hindi ko ito kayang suklian.
"I-I don't have the courage back then. Sa tingin ko kasi hindi pa ako handa sa ganyang kalaking responsibilidad. Pero ngayon nakikita ko na ang mga bagay na gusto ko. I want this Lance. And I'm sure about my decision."
Nakikita ko sakanya na talagang seryoso siya. Pero hindi ko muna ito inintindi. Mas importante saakin ngayon na mahabol si Kate.
"Okay I got it. But let's talk about this later. I need to go now." Sabi ko saka ako nagmadaling lumabas ng Mezzo Corp. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses ni Mike sa likod ko.
"Sir you have a meeting with the board of directors in less than five minutes."
Oh shit! I almost forgot about it.
"Cancel it." Utos ko sakanya.
"Pero Sir last week pa dapat ang meeting na ito. I'm afraid they will not let this pass this time." Paliwanag niya.
Tsk. Damn it! Bakit ba palagi na lang may hadlang sa mga bagay na gusto kong gawin?
"Alright. I get it."
I am so disappointed in myself. I am so stupid because I hurt the person I love. But maybe I'll just let it stay this way. Siguro sa ngayon ito ang mas makabubuti para sa aming dalawa.
Kate's POV
"Annie anong nangyari?"
Agad akong umalis sa Mezzo Corp nang matanggap ko ang text ni Annie. May matinding problema ang kompanya namin.
"Hindi pa namin alam lahat Kate. Nagpatawag na si Sir Kiel ng emergency meeting. Sana naman ay maging ayos na ang lahat." Sagot niya sa akin.
"Uy teh napano ka? Umiyak ka ba?"
Napansin ni Charlie ang namumula kong mata. Iniwas ko ang tingin ko sakanila.
"Wala to. Huwag niyo kong intindihin." Sabi ko. Mas importante sa ngayon ang kalagayan ng kompanya kesa sa kalagayan ng puso ko.

BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Cerita PendekSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...