Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 6 (3/4)MEW
Magkasabay kaming pumasok ngayon ni Tom. Hanggang ngayon, ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging halikan nilang dalawa ni Peach kagabi. Hindi ko tuloy kayang tumingin ng diretso sa kaniya ngayon.
“Mew, okay ka lang?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang masyado akong tahimik.
“Umm!” matipid kong sagot.
“Kanina ka pa kasi walang imik. May masakit pa rin ba sa'yo?”
“W-Wala. Okay na ang pakiramdam ko.”
“Basta pag di ka okay sabihin mo agad sakin huh.”
“Okay.”
Nagpatuloy kami sa aming biyahe papuntang unibersidad.
“Welcome back, Mew!” masayang bati sa akin ng aming teammates.
Ngumiti lamang ako bilang tugon ko sa kanila.
Agad na lumapit sa akin si P’Korn at pagkuwa’y hinimas niya ang ulo ko.
“Musta ka na?” pagkuwa’y tanong nito.
“Okay lang, P’.”
“Basta ingatan mo lagi ang sarili mo. Pag mayroong hindi okay sa'yo sabihin mo agad sa akin.” sabi ni P’Korn.
“Salamat sa lahat, P’. Niligtas mo ang buhay ko, Kung hindi dahil sa'yo, malamang wala na ako ngayon.” pahayag ko.
“Walang anuman. Lahat gagawin ko para sa'yo.”
“Salamat, P’.”
Mayamaya ay dumating naman si AJ. Nang makita niya ako ay patakbo siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap.
“Mew, bumalik ka na.” masayang wika niya.
“Umm!”
“Yes! Sobrang saya ko ngayon kasi kasama na kita ulit.”
“Sobrang miss ako?”
“Oo naman! Ikaw lang kaya ang best friend ko.” nakangiting sagot niya.
Sumunod namang dumating si Gab. Masaya rin siyang makita ako ngayon. Sa katunayan binilhan pa niya ako ng paborito kong pagkain.
Pagkataos niyon ay dumiretso agad kami ng gym dahil mayroon kaming training ngayon. Pero gaya ng napagkasunduan, hindi muna ako sasali ngayon sa aming insayo. Manonood lang ako sa kanila.
TOM
Nasa locker room kami ngayon ni Gab para magpalit ng damit dahil mag-uumpisa na ang aming training. Bukas na kasi gaganapin ang isa sa panghuling dalawang laban namin.
“Gab, napansin mo rin ba na masyadong mabait si P’Korn kay Mew?”
“Oo, napansin ng lahat ‘yon na sobrang special ni Mew kay P’Korn.”
“Sa tingin mo Gab, may gusto ba si P’Korn kay Mew?”
“Huh! Bakit mo naman naisip 'yan?”
“Kasi, wala pa akong nakikitang girlfriend ni P’Korn at sa ating lahat, kay Mew siya masyadong malapit. Naisip ko tuloy, may gusto siya kay Mew.”
“Aww! Hindi ko alam. At kung may gusto man siya kay Mew, labas na tayo roon.”
“Anong labas? Kaibigan natin si Mew. Dapat alam natin ang tungkol sa kaniya.”
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Novela JuvenilTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...