Chapter 38

335 9 0
                                    

YRRAH

"Have you heard the news?" Tanong ni Kuya pagkakita niya sa akin.

"Yes" matamlay kong sabi at naupo sa tabi niya. Kasalukuyan itong nasa sala at nanonood ng tv.

"Faye just cancelled her engagement with Xian" sabi ko habang nakatingin sa palabas na pinapanood ni Kuya.

"Good news yun. But what's with the long face Yrrah?" Takang tanong ni Kuya na hindi ko sinagot.  Ang inaasahan siguro niyang reaksyon ko ay masaya.

Xian didn't notify me about this matter. Wala siyang sinabi sa akin about Faye cancelling their engagement. Kay Jade ko nga lang nalaman ang balita kaninang umaga at wala akong natanggap na tawag kay Xian mula kanina.

What if naisipan pala ni Xian na gusto pala niya si Faye? What if kung hindi siya tunatawag kasi nakikipagbalikan siya kay Faye?

Hindi ako sanay na wala akong natatanggap na tawag or text man lang kay Xian simula ng umuwi ako dito sa Hong Kong. At ngayon na cancel na pala ang engagement nila at ngayon lang din siya hindi nagparandam sa akin.

Hindi ba dapat ay kay Xian ko unang malalaman ang tungkol sa balita? Hindi ba at dapat si Xian ang isa sa masaya na makakawala na siya kay Faye at malaya na kaming dalawa na magsasama? Pero bakit ganito at wala man lang siyang parandam sa akin? What's with him?

Kinagabihan ay maaga akong nagbihis. Kadarating lang ni Kyrie kanina at nag aya itong mag bar. Dahil isang sikat na artista ay sa isang private bar dito sa Hong Kong kami pupunta ngayon.

I'm now wearing a black evening silk dress na litaw ang makinis kong likod.

"You look so glamorous Yrrah" ani Kyrie pagkakita niya sa akin. Magkasama sila ni Jared at sinundo talaga nila ako dito sa bahay.

"You too Ky, you look fabulous!" Sabi ko at niyakap siya. Its been months since the last time we saw each other.

"By the Yrrah, where is your boyfriend? Akala ko kasama mo na siya" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kyrie. Pinaalala na naman niya si Xian.

"Akala ko din makakasama ko na siya" mapait kong sabi habang naglalakad na kami papasok sa bar at diretso kami sa isang private room.

"Why? What happened?" Curious na tanong nito. At dahil kilala ko naman si Kyrie ay sinabi ko ang nangyari ngayong araw, tungkol sa hindi pag contact sa akin ni Xian.

"Maybe he's busy, don't assume anything negative Yrrah. Trust him" ani Kyrie sa akin.

Of course I want to trust him. Ang hirap kasi na ganitong malayo siya. Ayoko naman na kontakin ang mga kaibigan niya dahil baka isipin nila na ang OA ko naman masyado.

Pagdating namin sa private room ay kaagad na sinerve ang mga mamahaling alak. While Jared and Kyrie is now kissing each other. Jared is dating Kyrie since last year pa at ilan lang kaming nakaka alam tungkol sa kanilang relasyon. At iyon ang malaking sikreto na nalalaman ko kay Jared, he is dating Kyrie Alonzo! Isang sikat na Hollywood star.

And because I know how much they missed each other ay ako na mismo ang umexit ang nagpunta sa baba para makisayaw sa mga taong puro mga wild na sa dance floor.

Ingay, usok at ang mga nagsasayawang mga tao ang sumalubong sa akin pagbaba ko. Others are making out without minding people around them.

Hawak ko ang isang bote ng beer habang naglalakad ako papunta sa dance floor. And people are staring at me while I'm walking. Maybe they can recognize me? Or maybe they are just  fascinated by my presence.

Pagdating ko sa dance floor ay dalawang lalaki ang nakangiting lumapit sa akin. Dalawang chinito, maybe they are Chinese.

"Hello, are you alone?" Tanong ng isa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"We can accompany you if you want" malanding sabi naman ng isa.

"No thanks, I'm with my boyfriend" sabi ko sa kanila. Pero halatang hindi sila naniwala sa sinabi ko at mas lumapit pa sa akin.

"Your boyfriend is crazy to leave his beautiful girlfriend alone" anang isa at sinubukan akong hawakan pero kaagad akong umiwas at iniwan sila. I'm not in a mood to talk to anyone.

Akala ko ay makakalayo na ako ng tuluyan sa dalawang lalaki, nagulat na lang ako ng hinawakan ako sa braso ng isa at pilit akong inilapit sa kanila.

"What the hell!" Sabi ko.

I was about to kick his balls, when someone suddenly punch the guys face, dahilan kaya napahiga sa sahig ang lalaking nakahawak sa akin kanina.

Pagtingin ko ay si Evans Alonzo  ang nakita ko, habang sa likod niya ay sina Lance at Scott. And beside me is Xian Laxamana who is now holding my  waist.

"Xian" gulat kong banggit sa pangalan niya. Anong ginagawa niya dito? At kasama pa niya ang tatlong ito.

"We will talk later" bulong ni Xian sa akin at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

"You mess with the wrong girl" ani Evans habang hawak niya ang kamao niya na ipinansuntok sa lalaki.

Dahil halatang walang binatbat ang dalawang mukhang Chinese na mga lalaki ay kaagad na umalis ang mga ito at kaagad na umalis at iniwan kami.

"I am just looking for my cousin, fortunately we found you" ani Evans sa akin.

"Sigurado kaba na nandito ang pinsan mo?" Scott asked Evans.

"Her sister told me about this place. Let's just look around"

"Maiwan muna namin kayo. Mukhang may kailangan kang pakalmahin" sabi naman ni Lance habang nakangising nakatingin sa akin at kay Xian.

Pagkalayo ng tatlo ay kaagad na kinuha ni Xian ang hawak kong bote ng beer at siya mismo ang uminom doon.

"Xian"

"Maiinit ang ulo ko. Let me drink this one and we will talk" kinakabahan ako sa tono ng boses ni Xian. Galit ba siya sa akin? Pero bakit? Ano naman ang ginawa ko?

Pagkatapos niyang mainom ang beer ay kaagad niya akong dinala sa sulok ng bar kung saan tago at wala masyadong tao. He suddenly pinned me in the wall and look me in the eyes.

"I hate to see you in this kind of place Yrrah" malamig na sabi ni Xian sa akin.

"But I'm not alone. I'm with my friends"

"While wearing this seductive dress?"

Seductive?

"I don't know what are you thinking, but im not seducing anyone. I'm just here to have fun" sabi ko kanya na naiiyak.

I missed him so much. At ngayon na nandito siya sa harap ko ay sesermunan lang niya ako dahil sa suot ko? After he failed to call or text me the whole day?

"Sorry" bigla nitong sabi at hinawakan ang pisngi ko, habang ang noo naman niya ay ipinatong sa noo ko.

"I'm just so mad to see those guys looking at you with their sinful eyes and I hate it" mahina niyang sabi sa akin. Tila nanghihina na naman ako dahil sa mata niyang nakatingin sa akin, habang ang puso ko ay pabilis na naman ng pabilis ang tibok nito dahil sa papalapit niyang labi na kaagad ko namang sinalubong.

We kissed each other hungrily. Parehas naming habol ang mga hininga namin dahil sa halik. I miss him so much.

"I don't like your dress" ani Xian habang inaalis ang suot na itim na  jacket at ipinasuot sa akin.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"I told you, ako mismo ang pupunta dito para sayo. Ayokong maghintay ng matagal kung kailan ka babalik sa Pilipinas"

"How about those three?"

"They are looking for Kyrie Alonzo"

"I'm with Kyrie, bakit nila hinahanap?" Taka kong tanong. Anong kailangan ng tatlong yun kay Kyrie? Fans ba sila?

"I'll tell you later, let's go. I want you alone. Bahala silang maghanap" ani Xian habang nakaakbay sa akin at daan palabas ng Bar ang nilalakaran namin.

He wants me alone? Napangiti ako. Ano kaya ang nasa isip ni Xian?

**

Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon