" Seriously Klia? Tigilan mo na nga yang kakainom mo. Akala ko ba crush mo lang yon?" pagsaway sakin ni Riva habang si Ares naman ay hinahagod ang likod nya dahil kanina pa ito nagpupuyos sa galit sa akin.
" Klia,tama na nga yan. Para ka namang tanga wala namang namagitan sainyo" dagdag naman ni Ares kung kaya naman agad kong kinuha ang isang bote at tinuro ang dulo nito sa mukha nya.
" Manahimik ka Ares. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko" saad ko bago uminom uli ng panibago
" Tangina, lasing pa nga" rinig ko namang bulong nito na hindi ko nalang pinansin.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa restaurant na yon, pumunta agad ako sa isang convenience store at bumili ng maraming alak bago dumiretso sa condo ni Ares. Sakto namang andon din pala si Riva kaya parehas silang nakakita sa galit kong mukha. Nang maikwento ko sa kanila lahat ng nangyari, naghysterical naman agad tong si Riva at pinangaralan ako. Kesyo hindi daw kasi ako nakikinig kaya ganito ang naging balik sakin.
Si Thomas ang humabol sakin palabas ng restaurant at nagalok pa na ihahatid ako pero agad akong tumanggi. Wala din naman kasi syang dalang kotse at kay Easton ang ginamit namin papunta doon kaya paano nya ko ihahatid? Hiningi nya nalang ang number ko at humingi ng pasensya sa lahat ng nangyari.
" Ares patigilin mo yang bestfriend mo ha, pag ako nabwisit sasabunutan ko yan palabas ng condo" pagbabanta ni Riva bago umalis at dumiretso sa kwarto ni Ares. Napabuntong hininga naman ang boyfriend niyang gunggong bago kinuha ang bote sa akin at nilayo ito.
" Klia, dito ka nalang din matulog. Ako na bahalang magsabi sa parents mo" mahinahong saad nito. Natulala naman ako sa mukha nya at hindi ko namalayang may namumuo na palang luha sa mga mata ko.
" Klia tangina naman bat ka umiiyak?!" Gulat na bulyaw nito pagkaharap sa akin. Kung wala siguro akong dinadamdam ngayon, tinawanan ko na ang mukha nya. Pero dahil nagluluksa ang puso kong sinaktan ng crush kong malupet, hindi ko magawang tumawa.
" Wala lang. Naiingit kasi ako sainyo ni Riva" sagot ko bago pinunasan ang luhang tumulo. Ganito talaga ata epekto ng alak sa akin dahil hindi naman ako malakas uminom.
" Inggit ka kase kame may lovelife ikaw wala?" pasmadong saad ni Ares na agad kong nilapitan at hinila sa patilya na agad naman nyang ikinahiyaw.
" Napaka brutal mo talaga kahit kailan, Oaklee!" Sigaw nito habang hawak hawak ang hinila ko.
" Bwisit ka kase napaka pasmado ng bibig mo"
" Eh bakit ka ba kasi naiinggit?"
" Ang saya nyo kasi. Tangina mo kase Ares di mo ko kinrushback nung highschool e" saad ko bago tinakpan ang mukha ko at umiyak ng malakas.
" Hoy babae, hindi kita inaano ha! Tumahimik ka nga jan! Nangonsensya ka pa" saad nito bago lumapit sakin at akmang pupunasan ang mukha ko pero tinulak ko sya
" Pare-parehas kayong mga lalaki! Paasaa! Mga walanghiya! Bat ba laging iba gusto nyo pag gusto ko kayo?!" Pagsigaw ko pang muli at natataranta naman nitong tinakpan ang bibig ko
" Sorry na. Eh si Riva kasi talaga gusto ko dati e! Hinahanapan na nga kita ng boyfriend para naman di ako makonsensya kung bakit ka single ngayon. Ganun ka ba kabaliw sakin dati kaya ganyan ka ngayon?" sunod sunod na saad nito na agad ko namang sinipa sa tuhod. Gagong to ah!
" Pwede ba Ares wag kang feeling. Hindi ka ganon kagwapo para pagluksaan ko ng mahabang panahon" sagot ko bago tumayo at tinalikuran sya.
" Matutulog nako. Jan ka sa sofa tabi kami ni Riva" ani ko at bago pa man ito makasagot ay sinarado ko na ang pinto.