Episode 8 (3/4)

116 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                          
                            
EPISODE 8 (3/4)

THIRD PERSON

Nagsimula na ang laban para sa semi-finals. Unang naglaban ang South Eastern University at Bangkok University.

Unang set pa lang, palitan ang parehong koponan ng scores. Ngunit nanaig ang SEU sa pangunguna ni Ohm…… 25 – 20.

Nakabawi naman ang Bangkok University sa ikalawang set. Naipanalo nila ang second set sa score na 25 – 21.

Ngunit sa ikatlo at ikaapat na set ay parehong nakuha na ng SE University. Panalo sila sa loob lamang ng apat na set. Si Ohm ang star player. Nakapagtala ito ng 27 points at waiting na sila para sa championship match. Ang sinong mananalo sa labanang Western University at Assumption University ay siyang makakalaban ng SEU para sa championship. Mayroong twice to beat advantage ang WU laban sa AU.

TOM

Bago nagsimula ang aming laban, kinausap muna ako ni Ohm.

“Hindi ko 'ata nakita si Mew ah.” sabi niya habang palingon-lingon ang kaniyang mata.

“Umm…ilang games na siyang wala at saka di na rin siya pumapasok.” nanghihina kong sagot dito.

“Huh! Anong nangyari sa kaniya?” nagulat siya sa sinabi ko.

“Umuwi siya sa province nila. Wala na kaming balita sa kaniya at ang huling sabi niya, aalis na siya ng team.”

“Meaning hindi na siya maglalaro?”

“Umm!”

“Pero di pa naman siya tinanggal sa team, di ba?”

“Oo naman! Lahat kami ay umaasa na babalik siya.”

“Kaya nga. Gusto ko pa naman sana na makita siya……. I mean makalaban siya sa finals.”

Ngumiti ako ng bahagya.

“Congrats pala sa inyo.” pagkuwa’y bati ko sa kaniya dahil sa kanilang panalo.

“Salamat…galingan ninyo. Dapat tayo ang magkikita sa finals. Mas gustuhin ko na matalo sa team ninyo kaysa sa WU.” nakangiting tugon ni Ohm.

“Thank you…see you on finals.”

Iyon lamang ang sinabi at umalis na si Ohm. Papalabas siya ng court subalit walang tigil ang hiyawan ng mga tao para sa kaniya. No wonder, talaga ngang sikat siya at hinahangaan.

Bukod sa napakagaling niyang maglaro, mabait din siya at hindi mayabang. Bagay na nagustuhan ng mga tao sa kaniya.

Hindi ko maiwasan, sobrang distracted ako ngayon ngunit pinipilit kong maging okay. Kailangan kong mag focus para sa aming laban ngayon.

Nang lumingon ako kina Gab at AJ ay napansin ko ang kanilang closeness. Tuloy naisip kong nagkakamabutihan na silang dalawa. Lihim naman akong natuwa habang tinitingnan ko sila pareho.

“Ahem! Mayroon ba akong dapat malaman?” tanong ko nang lumapit ako sa mga ito.

Hindi sila sumagot at sa halip ay isang kakaibang ngiti ang kanilang tinugon sa akin. Hmmm…parang nakuha ko na ang ibig tukuyin ng mga nasabing ngiti.

“Silence means yes…so kayo na nga.”

“Awww…hindi pa naman niya kinaklaro 'yong status nila ni Jane eh.” sagot ni AJ.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon