Kabanata 1

15 0 0
                                    


"Okay ba 'to? Oh eto na lang?" ihinarap ko ang phone ko kay Abby para makita niya 'yong pinapakita ko.

"Kelan ka pa nahilig sa vintage na relo?" tanong niya.

"It's not for me. It's for Chad, actually." umirap siya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin.

"C'mon, Loui." nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga bago pa sumagot.

"Alam mo ikaw, bigay ka ng bigay ng kung ano ano pero ikaw hindi ka mabigyan." dagdag pa niya.

Sa bawat araw na dumadaan, wala talagang araw na hindi siya kumokontra sa amin ni Chad. Mabuti na lang at sanay na ako sa pagiging nega niya dahil kung hindi, baka nasapok ko na 'to sa mukha!

"It's for his birthday! Pwede ba na tulungan mo na lang ako?" napakamot siya ng ulo.

Alam kong kahit anong kontra pa ang gawin niya, tutulungan niya pa rin ako. Ganoon siya ka supportive kahit labag sa loob niya.

"Oh, wala kayong klase?" si Joy. Inilapag niya ang tray na hawak niya at umupo sa tabi ko.

"Ako meron, kaya bahala ka sa relo mo. Tse!" madaling umalis si Abby bago pa man ako makasagot.

That brat!

"What was that all about?" bahagyang tawa ni Joy habang kumakain.

"Pinapapili ko ng ireregalo ko kay Chad. Alam mo naman, hindi niya bet." sagot ko.

"Hanggang ngayon, huh."

Chad is my long time boyfriend. Nagkakilala kami noong 1st year college ako at nawawala sa dami ng building. I was lost that day dahil wala akong kakilala and it happens na he was there to help me and then we just clicked. Typical love story, ika nga. At ngayon, 3rd year college na ako at siya naman ay graduating student na.

Natapos ang mga klase ko ngayong araw at natapos din ang workshop namin sa photography. Sa totoo lang, mas na eenjoy ko pa ang club na to kesa sa academics. Noong bata pa lang kasi ako, mahilig na talaga ako kumuha ng litrato. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na sumali sa club na to.

"Sir August, mag sstart na ba kayo?" tanong ko.

Nandito ako ngayon sa pool area kung saan nag ttraining ang mga member ng swimming team. Sa totoo lang, bawal pumasok ang estudyante dito kung hindi naman kailangan. Ipinagbawal nila ito simula nang dumagsa ang mga babae para manood tuwing practice. Nag iingay kasi sila at kumukuha ng litrato ng mga player kaya hindi sila makapag focus sa training.

In short, dinadagsa sila ng mga babae dahil sa mga manyakis nilang pag iisip!

Mabuti na lang, ka close ko ang coach nila kaya nakakapasok ako kung kailan ko gusto. Miyembro din kasi dito ang boyfriend ko kaya mas napalapit ako kay Sir August.

"Nasa locker area pa sila. Hinahanap mo ba si Chad?" tanong niya sa akin. Usually kase, pumupunta ako dito kapag hinahanap ko siya at trip ko manood ng training nila.

"Mag shoshoot lang po sana ako ng konti para sa club. We're working on a project." sagot ko. Tumango siya.

"Ah ganoon ba? Oh sige take your time. Mamaya pa naman kami mag sisimula."

Tinawag siya ng isa sa mga miyembro at nagsimula na akong mag shoot. Nilibot ko ang buong area habang hawak ang camera ko. Sinulit ko ang bawat shot na makukuha ko dahil mamaya hindi na pwede kapag may tao na.

Umupo ako sa gilid ng pool at yumuko habang hawak ang camera. Naka focus akong nag vivideo at kumukuha ng anggulo nang biglang tumalsik sa akin ang tubig ng pool.

The Bullet in my ChestWhere stories live. Discover now