04. You'll Be Safe Here

1.7K 57 9
                                    

 -;-;-;-;-;-

04. You'll Be Safe Here

-;-;-;-;-;-

"When no one understands, I'll believe

You'll be safe, you'll be safe, you'll be safe here

Put your heart in my hands

You'll be safe here..."

[Daniel]

Bumalikwas ako sa kama.

Hindi talaga ako makatulog dahil hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina kasama ng estudyante ko.

Bigla nalang ako nakaramdam ng awa para sa kanya.

Akala ng lahat astigin siya at matapang pero ang totoo niyan, takot siyang iwanan at talikuran ng Papa niya.

Akala ng lahat malakas siya, pero sa loob-loob niya mahina siya.

Akala ng lahat ayos lang siya pero sa totoo lang, she's falling apart.

Bumangon ako mula sa kama ko at kinuha ang laptop ko na nakatago sa closet ko. Binuksan ko iyon. Buti nalang 24/7 bukas ang internet dito sa condo ko.

                                                 Google

                                             Philippines

                                        Kathryn Bernardo

                             Google Search I'm Feeling lucky

Web Images More Search Tools

About 7,820,000 results (0.30 seconds)

Alam ko na parang stalker na ang dating ko nito. Alam kong mali pero sobrang curious na talaga ako sa mga pangyayari. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magresearch tungkol sa kanya at sa kung ano man ang nangyari sa pamilya niya.

At mukha ngang sikat pa siya dahil madaming lumabas na resulta. Hindi naman ako nagtaka dahil mayaman siya. May sarili nga rin siyang Wikipedia page pero hindi iyon ang binuksan ko dahil hindi naman talaga reliable ang mga information doon dahil naeedit siya.

Kaya ibang sites nalang binuksan ko.

Puro tungkol sa kanya at sa papa niya ang mga articles, bihira lang ma-mention ang tungkol sa aksidente. Nakalagay lang sa articles na car accident ito, kailan at kung saan naganap pero kung paano, walang masyadong detalye.

Maya-maya, nakaramdam na ako ng antok.

Sinarado ko na ang laptop ko at itinago ulit ito sa closet. Bumalik na ako sa kama ko at nakatulog habang iniisip ko pa rin kung paano namatay ang mama niya.

                                                            -;-;-;-;-;-

Pumasok na rin ako sa Homeroom kinabukasan. As expected, wala siya dahil masakit ang ulo nun dala ng isang malaking hang-over. Na-postponed nanaman ang pamimili ng class officers dahil hindi nakumpleto ang mga estudyante ko.

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon