Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04
EPISODE 10 (2/4)MEW
Game 2 na ng finals. Kailangan naming maipanalo ang laban ngayon para magkakaroon ng do or die game sa darating na miyerkules. Alam kong mahirap na kalaban ang SEU ngunit susubukan naming makabawi ngayon.
Kinausap muna ako ni Ohm bago nagsimula ang aming laro.
“Mew, puwede ba huwag kang magpaapekto sa nangyari sa atin?” anito na ang ibig tukuyin ay ang ginawang pagtanggi ko sa kaniya.
“Sorry, Ohm.” malungkot kong sabi.
“Ano ka ba? Okay lang ako. Tanggap ko naman eh. Kaya kung puwede ba ibalik mo ‘yong laro mo mamaya. Gusto ko makita ‘yong dating Mew na maglaro ng volleyball.” nakangiting sabi niya. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng kahit anong lungkot o pagkailang.
“Okay! Basta friends pa rin tayo, di ba?”
“Umm! Puwede ba kitang mayakap kahit sa huling pagkakataon?”
Tumango lamang ako bilang tugon dito.
Niyakap ako ni Ohm. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapulupot ng kaniyang mga braso.
“Mew, salamat.” pagkuwa’y bulong niya.
Kahit ilihim man niya ang totoo, alam kong nasaktan ko siya. Nagi-guilty din ako sa ginawa ko sa kaniya. Kung puwede nga lang turuan ang puso, siguro tinuruan ko na itong magustuhan siya.
TOM
Nakita ko ang ginawang pagyakap ni Ohm kay Mew. Hindi ko napigilan ang aking sarili na magselos. Masakit pa rin hanggang ngayon ang pagmasdan ko silang dalawa.
“Hindi mo ba siya kakausapin?” tanong ni Gab mula sa aking likuran.
“Gusto ko siyang kausapin pero parang hindi ko kaya.”
“Akala ko ba tanggap mo na ang lahat.”
“Pinipilit kong tanggapin pero ang hirap eh. Sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan ako.”
“Ai’Tom, maging masaya na lang tayo para kay Mew.”
“Sinusubukan ko.”
Gaya nang sabi ni Mama, kailangan kong maging masaya para sa kaniya. Alam kong hindi iyon madaling gawin subalit pagsisikapan ko.
Palabas na ako ng locker room nang makasalubong ko si Mew. Ikinagulat ko iyon at napatigil ako bigla.
“Puwede ba tayong mag-usap, Tom?” tanong niya habang tinititigan ako nito sa aking mga mata.
“Ummm. Tungkol saan?” agap ngunit mahina kong tugon.
“Galit ka ba sa akin?”
Natigilan ako ng bahagya dahil sa kaniyang tanong.
“Ahmm…hindi naman. Bakit mo pala natanong ‘yan?”
“Kasi simula noong game 1 hindi mo ako kinakausap. Kaya feeling ko galit ka sa akin kaya mo ako iniiwasan.”
Napalunok ako ng bahagya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“Errrr…siguro, Mew, mas maganda ‘yong ganito tayo para wala tayong masaktan na iba. Saka ayaw kong maging sagabal sa inyo ni Ohm.”
“Anong ibig mong sabihin?” may pagtataka sa kaniyang tinig.
“Alam mo ang ibig kong sabihin. Saka mas gusto ko ‘yong tahimik na buhay. Kaya mas okay ‘yong ganito tayo.”
BINABASA MO ANG
SET The Series (BL)
Teen FictionTitle: SET The Series (BL) Genre: Youth, friendship, school and romance Episodes: 10 episodes (every episode has 4 sub episodes) plus special episode. Writer: Moonlight04 Sypnosis: Simula high school ay magkaibigan na sina Mew, Tom at Gab na kapwa...