Episode 10 (3/4) - FINALE

128 4 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 10 (3/4)

TOM

Simula nang malaman ko ang totoo, hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni Mew. Sinubukan kong tawagan siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya ito sinasagot. Sumubok din akong puntahan siya sa kanilang condo ngunit di rin niya ako hinarap.

Alam kong galit siya sa akin. Ngunit gayunpaman, masaya pa rin ako at puno ng pag-asa ang aking puso na magiging okay kami.

Ngayon ang game 3 ng finals. Maaga akong nagising at naghanda. Hindi na gaya ng dati, ngayon kapansin-pansin ang excitement at happiness sa aking mukha.

"Mukhang ang saya natin huh." minsang sabi ni Mama nang mapansin niya ang kakaibang aura ko ngayon.

"Yes, Ma! Napakasaya ko ngayon." masaya kong tugon kay Mama.

"At bakit naman? Puwede bang malaman ni Mama kung bakit happy ang prinsipe ko?"

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka ngumiti.

"Ma, napakasaya ko ngayon kasi nalaman kong gusto rin pala ako ni Mew since high school pa kami." kuwento ko kay Mama.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Single si Mew, Ma. Hindi naging sila ni Ohm. Tinanggihan niya sina Peach, AJ at Ohm dahil sa akin. Nalaman ko, Ma, na mahal niya rin ako. Sinabi rin sa akin ni AJ ang lahat."

"Talaga, son?"

"Yes, Ma."

"Kung ganoon, matagal na palang gusto ninyo ang isa't isa. Kayo ang nakatadhana ni Mew. Napakasaya ko para sa inyong dalawa. Boto ako kay Mew para sa'yo." masayang wika ni Mama.

"Salamat, Ma." at agad akong napayakap kay Mama.

"Nag-usap na ba kayo?"

"Hindi pa, Ma. Galit pa siya sa akin hanggang ngayon."

"Kausapin mo siya. Tapos pag naging okay na kayo, dalhin mo siya rito. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Namimiss ko na rin siya."

"Oo Ma! Hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapatawad."

Ngumiti lamang si Mama dahil sa sinabi ko.

AJ

Nauna kaming dumating nina Gab at Tom sa arena. Isang oras na lang magsisimula na ang game 3. Halos puno na rin ito ng mga manonood. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating sina P'Korn at Mew.

May mga ibang fans ang lumalapit sa amin para magpa picture. Agad din naman namin silang pinagbigyan.

"Hi! Di ba ikaw si AJ?" tanong ng isang lalaki paglapit sa akin.

"Ummm" agad kong tugon tapos sabay tango.

"I'm Nuer." pagpapakilala ng lalaki at sabay abot ng kaniyang kamay.

"H-Hello!" nauutal at mahina kong tugon sa nasabing lalaki.

"Isang school lang tayo. Galing ako sa Faculty of Medicine. Puwede bang humingi ng number mo?"

Nagulat ako sa tanong ni Nuer. Ilang sandali lang ay biglang dumating si Gab at agad akong inakbayan.

"Excuse me! Hindi na kasi puwede eh. May boyfriend na siya at ako ang boyfriend niya. Kaya sensiya na...hindi na kasi siya available. Taken na siya." sabi ni Gab at sabay na nagsalpukan ang kaniyang mga kilay.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon