Episode 10 (4/4) -FINALE

143 7 0
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                          
EPISODE 10 (4/4)

MEW

Sa awarding ceremony, nagbunyi ang buong AU community sa championship title na nakuha ng aming team ngayong Season 83.

Nakuha ni P’Korn ang finals MVP at sigurado na ang pagkakabilang niya sa national team. Ito na rin ang final season niya sa AU. Nakakalungkot man subalit mag e-exit si Kuya na bitbit ang kampeonato. Napakasaya ko para sa kaniya.
 
“P’, congrats.” masayang bati ko kay P’Korn

Bigla niya akong niyakap.

“Salamat, Nong. Para sa inyo ito nina Mommy at Daddy.” wika nito na halos naluluha pa dahil sa sobrang saya.

“Masaya ako para sa'yo, P’. Matutupad na rin pangarap mo na makapaglaro para sa national team. Ako talaga ang number one fan mo.”

Hinawakan ni Kuya ang ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok.

Mayamaya ay lumapit sa amin si Tom.

“Congrats, P’Korn.” bati nito kay P’Korn.

“Salamat, Nong Tom.” si Kuya at tinapik pa siya nito sa balikat.

Unang taon namin ito sa collegiate level at ito rin ang una naming championship title. Mas iba ang pakiramdam ngayon kumpara noong nasa high school pa kami. Ang panalong ito ay para sa buong AU community at sa mga taong naniniwala sa aming kakayahan.

“Congrats, boys!” masayang bati sa amin ni Coach Tai.

“Salamat, coach.” sabay naming tugon sa kaniya.

Pagkatapos ng awarding ceremony ay lumapit sa amin si Ohm para batiin kami. Sa kabila ng kanilang pagkatalo, kita ko pa rin sa kaniyang mukha ang saya sa naging resulta ng laban. Kahit nagka-error siya sa huli niyang spike, pansin kong di siya nalungkot. Alam ko sa sarili ko na binigay niya ang kaniyang best para sa kanilang team.

“Congrats!” nakangiti niyang bati sa amin.

“Salamat, Ohm.” nakangiti ring tugon namin sa kaniya.

“Tom, sorry kanina huh.” aniya na ang tinutukoy ay ang huling palo nito na tumama sa mukha ni Tom.

“It’s okay! Ako nga dapat magpasalamat sa'yo eh dahil doon nasabi ko lahat.” nakangiting sagot ni Tom tapos sabay tingin sa akin.

“Woahh!” panunukso nina Gab at AJ.

Alam kong biglang namula ang pisngi ko ngayon dahil naramdaman ko ang biglang pag-init nito.

Tawanan na lamang kami dahil sa sinabi nito.

TOM

Dahil sa aming panalo maghahanda ng isang victory party ang management ng AU volleyball team. Isang victory party na gaganapin sa beach sa susunod na araw.

Pero bago ang party na ‘yon, isa munang victory dinner ang pagsasaluhan naming lahat.

“P’ Korn, salamat kanina.” sabi ko na ang nais kong tukuyin ay ang pagsabi nito sa akin kanina na habulin si Mew.

“Wala ‘yon! Basta ingatan mo ang kapatid ko.” wika ni P’Korn.

“Oo, P’. Promise ko ‘yon” masayang tugon ko.

Hindi ko inaasahan na matatanggap niya ako ng ganoon kadali. Ito na yata ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Ang na-reveal ang tunay na estado namin ni Mew. Matagal kong pinangarap ang lahat ng ito. Akala ko hanggang pangarap lang ang lahat. Subalit hindi ko akalain na sa huling set ng finals mailalabas ko ang tunay kong damdamin para sa kaniya. At thank you sa huling spike ni Ohm.

SET The Series (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon