Chapter 5 - Seloso

196 7 8
                                    

 

Jet’s POV

 

 

Ilang araw na nakalipas, lagi nang kasama ni Zam tong kumag na Ace na to e. Tapos sa tuwing mapapatingin ako sa kanila sa klase, nakatingin yung lalake sa kanya. Naiinis ako, bakit kasi si Zam pa kailangan magassist sa kanya eh. Pwede namang sa ibang tao na lang.. Bakit kay Zam pa?

Tapos ito namang babaeng to, kala mo close na close, halakhak ng halakhak, kala mo naman may nakakatawa lagi. Nakakabwisit.

Natapos yung klaseng bwisit parin ako, sasabunutan ko na talaga tong babaeng to e. Ayain ko nga mag-ice cream para malayo layo naman siya dun sa kumag na yon.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila, "Zam tara ice cream?" aya ko

“Jet, sorry sasamahan ko pa kasi si Ace sa Art Club Office, papamember kasi siya. Nga pala hindi pala ulit ako sasabay. Pakisabi na lang ulit kila Fia. Tara Ace?” sabay ngiti at aya dun sa kumag.

"sige pre, una na kami." paalam nung Ace at tinapik ako sa balikat.

Tumango lang ako. Pero sa loob loob ko, Ulol. Di tayo close. Hmmp. Makaalis na nga dito...

Teka nga, bago pa lang yung lalake na yun di ba? Bakit parang ang close na nilang dalawa? May pabuhat-buhat pa ng gamit ni Zam yung newbee na yun. Tapos kung makapagkwentuhan pa, wagas! Para silang matagal na hindi nagkitang magkaibigan. Nakakainis, makaalis na nga dito!!

Pagkarating ko ng foodhaus, nandun na sila Fia kasama yung mga boyfriend nila…

“o, asan si Zam?” tanong ni Fia. Palingon-lingon pa siya sa likod ko para tignan kung naka sunod si Zam sa akin.

“wala, obvious ba…” sagot ko at padabog na humila ng upuan saka umupo.

“oh, problema mo?” tanong naman ni Fudge.

“wala!” iwas kong sagot.


Teka, bakit ba naiinis ako? Tss…


“anong wala? E halos magdikit na nga yang mga kilay mo sa kakakunot noo mo oh…" tanong naman nitong si Gie.

“tsaka bakit hindi mo kasama si Zam? Saan nagpunta?” sunod namang tanong ni Khai.

“hindi daw sasabay satin! Naglakwatsa!” sagot ko na lang. Bakit ba ang dami nilang tanong? Nakakairita kaya.

“Sweet, si Zam yun di ba?” napalingon kaming lahat sa tinuro ni Bon.

Nakita ko na naman silang dalawa! Ngayon naman pareho silang nagtatawanan? Ano bang nakakatawa? Inis! Hindi pa ba pagod si Zam sa kakatawa? Malock jaw sana siya diyan! Bahala sila! Tinanggal ko na yung tingin sa kanila at napasipa sa paanan ng table.

“oh?” gulat na sabi nung walo. Napabaling yung tingin nila sa’kin.

“kumain na nga tayo…” sabi ko na lang.

“kaya naman pala…” napatingin kaming lahat kay Fia.

“kaya naman pala ano?” tanong naman namin sa kanya.

“kaya naman pala ganyan yang si Jet…” nakangising sagot ni Fia.

Napatingin sila sa’kin, “ano na naman?” tanong ko.

“nagseselos ka no?” tanong ni Fia.

“aaaaaaaaaahhhhhhhh.” At napangisi naman silang lahat.

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon