CHAPTER FIVE

13 2 3
                                    

CHAPTER FIVE


A/N: This chapter is dedicated to Joneth Cabajes. Thank you for being my bestfriend in RPW, dinala mo rin ako sa RW but I failed as an internet friend of yours. Sorry, Jong.

Zoeia's POV

"Pa, Ma, bakit ganoon? Pati ba naman sa paaralan ay naroon si Yumi? Ano ba talaga ang kailangan niya sa amin, sa akin? Natatakot na ako! Kung gusto nitong mamatay ako sa takot, bakit pinapatagal niya pa?!" bungad ko kaagad sa aking mga magulang na nasa sala nang makauwi kami ni Raoen.

Nagtatakang tiningnan ako ni Raoen ngunit hindi ko ito pinansin at diretsang tinitigan ang mga magulang na kasalukuyang hindi makitaan ng anumang ekspresiyon.

What the hell!

"Ang dami ko nang problema! Kailan ba 'to malulutas?!" Padabog akong umupo ng hagdanan at saka huminga ng malalim. Jusko!

"Tumahimik ka! Hindi lang ikaw ang may problema, Zoeia—"

"Oo, parehas tayong may mga problema pero itong pinoproblema ko ngayon ay ang mga bagay na konektado sa inyo! Paano ako tatahimik gayung pati kami ng kapatid ko ay minumulto ng nakaraan ninyo, Papa! Na dapat ay tapos na pero kami ang nagdurusa?!" Putol at bulyaw ko, wala na akong respeto pero bahala na. Hindi ko na kayang itago ang inis at pagtitimpi. "Bakit ba kasi lahat ng ito ay nangyayari?! Bakit ba kasi kailangan muna nating manatili ng isang taon dito?! At bakit biglang nagparamdam si Yumi sa paaralan sa akin?! Bakit ako?! Bakit kami ni Raoen ang kailangan makaranas nito?! Bakit hindi na lang kayo?!" Turo ko dito at hindi maiwasang maiyak.

Lalapitan na sana ako ni Papa upang gawaran ng sampal ngunit natigil ito at nanatili ang kanyang kanang kamay sa ere nang, "Sige! Ituloy mo! Kasalanan mo ito kung bakit nangyayari 'to!" Hindi niya ako matingnan ng maayos ngunit kita sa kanyang pagmumukha ang inis.

"Tama na iyan, Felix! Hindi malulutas ang problemang ito kung pareho kayong galit!" singhal ni mama.

Nilingon ko si Raoen na nanatiling tahimik at pinagmamasdan kami. Halos maiyak na ang kapatid ko, maya-maya pa ay tumakbo ito papalabas ng bahay.

"Raoen!" tawag ko rito at agaran namang lumingon sina Mama at Papa sa kapatid kong tumatakbo.

Wala kaming kapitbahay kaya wala itong ibang matatakbuhan. Makahoy at madilim na sa labas dahil 6:30 na nang umuwi kami rito galing paaralan.  Malayo ang bahay sa iba pang mga bahay dahil kami lamang mag-isa ang naninirahan sa makahoy na lugar na ito.

Jusko, ang kapatid ko! Mabilis na sinundan naming tatlo si Raoen ngunit hindi namin ito nakita.

Siguradong nagulat ito sa naganap kani-kanina lamang dahil iyon ay ang unang pagtatalo namin ni Papa na nasaksihan niya, kaya ito tumakbo papalayo.

"Raoen!" galit na tawag ni Papa rito.

"Raoen! Magpakita ka na! Bumalik ka na hanggat may oras pa! Pakiusap lang, anak!" nangingiyak nang pakiusap ni mama ngunit hindi bumalik si Raoen.

Sobrang lakas na ng kabog ng aking dibdib. Nag-aalala na ako para sa kapatid ko.

"Raoen!" si Papa, "Kumuha ka ng flashlight, Martha at sumunod sa akin," dagdag nito at pumuntang likod ng bahay. Si mama naman ay pumasok agad sa loob upang kumuha ng flashlight.

Nasa labas lamang ako, lingon nang lingon upang hanapin ang kapatid ko.

May namataan akong papalapit sa akin, hindi ko maaninag ang eksaktong katayuan nito ngunit kulay puti ang kanyang suot. Kulay puti rin ang suot ni Raoen, baka si Raoen na ito!

"Raoen!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papalapit rito ngunit bigla akong natapilok.

Tatayo na sana ako nang may makitang mga paa, katulad na katulad ito kanina sa school.

HUWAG KANG LILINGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon