Chapter 16

9 3 0
                                    

"Ma?"

Kinakabahan akong sabihin kay Mama 'yung about kay Billy. Ayoko pang sabihin pero habang tumatagal, narerealize ko na deserve ni Billy na ipakilala ko na siya. Besides, matagal na niya gustong pumunta dito. I am so sure with Billy kaya kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Ano?" Sagot niya habang kumakain kami. "Paano kung may magka gusto sa akin?" Nagulat siya sa sinabi ko. "Ayie, sino? Si Marco?" Jusko! Inaakala pala ni Mama na gusto ako ni Marco! Nag hula pa siya ng mga pangalan pero hindi niya binanggit si Billy. "Hindi! 'Yung bunsong anak ni Tita Elly."

Tinignan ako kaagad ni Mama, hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. "Si Billy?" She knows Billy? "Oo, Ma. Gusto niya ngang pumunta dito nung fiesta kaso uminom sila ng maaga. Pinag mano niya pa ako dun sa nanligaw sayo nung dumaan kami do'n." Paliwanag ko.

"Pareho sila ng apelyido ni Papa mo. Middle initial niya Mendoza e." Pumasok sa isip ko na baka mag kamag anak kami pero hindi naman sinabi ni Mama 'yon e. "Kachat mo?" Mom changed our topic. "Yes." Sabi ko. Tumayo na ako at nag hugas na ng plato.

Nakatayo ako sa lababo at biglang lumapit sa akin si Mama. "Nanliligaw ba siya sayo?' Mukhang kinikilig si Mama. Naging masaya na ako dahil nasabi ko na kay Mama. "Gusto nga niyang pumunta dito, e." Sabi ko sa kanya. "Okay, hayaan mo siyang pumunta." Lalo akong naging masaya nang marinig ko kay Mama 'yon. Yay! Finally, Billy got what he deserve.

Kaagad akong pumasok sa kwarto para ichat siya na kilala na siya ng Mama ko. Sinabi ko rin kina Martha at Kitty, I'm sure na magiging masaya rin sila para kay Billy. Sila rin naman ang lalong nagpupush sa akin para ipakilala na si Billy

To: Billy
Love, sinabi na kita kay Mama.

From: Billy
Hala?

Nagulat siya sa sinabi ko. Sinabi ko sa kanya kung anong reaction ni Mama. I made him so happy now! At least, wala na akong tinatago kay Mama.

Nagdaan ang mga araw na masaya kami. We're happy before, pero mas iba 'yung pakiramdam ngayon. Siguro dahil alam na ni Mama niya na nililigawan niya ako at alam na rin ng Mama ko na gusto ako ni Billy. Hindi ko pa rin alam kung nililigawan niya nga ba ako. Wala naman kasi siyang sinabi e. Maybe Martha was right na 'yung lalaking willing manligaw ay manliligaw with or without a girl's permission.

"Elle, kailan ka pa nagustohan ni Billy?" Palagi na akong tinatanong ni Mama about kay Billy. "Nung libing daw po ng Lolo niya." Sagot ko. Kaagad kong sinabi kay Billy 'yon para matuwa siya na nag tatanong yung Mama ko about sa kanya.

From: Billy
Luh HAHAHA. Hindi na nyan titigil si Tita, love. Kilala na kase niya ako e.

Love, ano palang sabi ng Mama mo if ever pupunta ako dyan?

To: Billy
Sabi niya hayaan kitang pumunta dito.

Totoo naman na sinabi ni Mama 'yon. Hindi naman ako maglalakas ng loob na sabihin 'yon kay Billy kung ayaw ni Mama sa kanya.

Nag ml na siya at nag send na ako ng mga pictures ko sa kanya. Ang dami na niyang naipon na pictures ko. 'Yung dalawa, ginawa pa niyang avatar sa ml account niya. Marami na rin akong naipon na pictues niya. I always save his pictures, may album pa siya sa gallery ko.

From: Billy
Good morning, love.

Kain ka na po, mwuah <3

To: Billy
Good morning <3

Kumain na ako pagkatapos ko siyang replyan. Kami lang dalawa ni Mama ang kumain dahil nasa trabaho si Papa. Humiga na ulit ako nang matapos kami. Nag cellphone na ulit ako.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon