Chapter 15

11 3 0
                                    

"Paano 'pag pumunta nga siya?"

Papunta kami ngayon ni Martha sa bahay nila Ally. Magkikita kaming magkakaibigan, pwera kay Ynna. Hindi yata siya pinayagan ng Mama niya.

Sa amin matutulog mamaya si Martha dahil fiesta na sa amin bukas. Hindi ko na ininvite ang iba kong mga kaibigan dahil alam ko naman na hindi sila papayagan. Sinabi ko kay Martha na gusto ni Billy na pumunta bukas sa bahay. Ito na rin siguro 'yung time para makilala nila Ally at Jane si Billy. Si Selene at Martha pa lang kasi ang nakaka alam about dito. Hindi ko naman kasi sila masyadong nakaka chat.

"Ayaw niya nga akong payagan. Hindi niya man alam na aalis ako ngayon." Sumbong ko kay Martha. "Wow, jowa?" Biro naman niya. Maya maya pa, nag chat na si Billy sa akin. Paalis na kami nung nag chat siya kaya hindi na niya ako mapipigilan.

From: Billy
Good morning, love

Nag send ako ng picture sa kanya na paalis ako. Kaagad naman siyang nag seen do'n.

From: Billy
Aalis ka!?

To: Billy
Good morning!

Oo hehe.

From: Billy
Ay? Pinayagan ba kita!?

Tumawa si Martha dahil nakikita pala niya ang conversation namin ni Billy. Hinayaan ko na lang si Billy dahil wala naman akong gagawing mali, e!

"Hello po, Tita!" Bati namin sa Mama ni Ally na nag bukas ng pinto. Nandito na si Jane. "Sa'n si Selene?" Tanong namin ni Martha kay Ally habang kayakap namin si Jane. "Papunta pa lang daw." Sagot ni Ally. "Tignan mo ang gago. Scammer talaga!" Reklamo ko. Sabi kasi niya nandito na siya.  Dalawang buwan din kaming hindi nagkikita. Last time akong pumunta dito, hindi pa ako injured.

Pumasok na kami sa kwarto ni Ally at nag kwentuhan kami habang hinihintay ang late naming kaibigan na si Selene. Nag kwentuhan sila about their skin care, new routine. Walang about sa lovelife dahil mukhang ako lang ang meron. Mamaya ko na siguro sasabihin sa kanila.

From: Billy
Kumain ka na nyan?

To: Billy
Hindi pa. Ikaw?

From: Billy
Nagkakape muna, love.

"Hoy gago! Akala ko bang nandito ka na!? Tignan mo nauna pa kaming dumating ni Elle sayo!" Akala ko kung sinong kaaway ni Martha. Dumating na pala si Selene. Sinalubong namin siya ng yakap.

Nag kwentuhan muna ulit kami at syempre, tawanan. Hinayaan muna ako ni Billy na hindi mag chat sa kanya. Chinachat ko pa rin naman siya paminsan kapag wala kaming topic ng mga kaibigan ko. "Hi, Chloe!" Sumigaw na naman ang kaibigan kong parang may kaaway lagi. Dumating 'yung cute na pamangkin ni Ally.  "Sigla ni Martha." Pansin sa kanya ni Ally. "Oo nga, hindi nawawalan ng energy!"  Sabi ko.

Pinapunta ko si Chloe sa tabi ko para mag selfie kami. She kissed me on my cheek and napicturan ko 'yon. I sent it to Billy, titignan ko kung anong reaction niya.

From: Billy
Ay sana all. Halika dito, love. Kiss din kita.

To: Billy
Bleh hehehe.

From: Billy

Bleh HAHAHA.

I just laughed at his reaction. Siya kaya, kailan ko makakasama? Bukas ba?

Later on, tinawag na kami ng Mama ni Ally para kumain na. Lumabas na kami sa kwarto. We ate and as usual, maingay pa rin kami.

"Guys, wait! Parang may sasabihin yata si Elle sa atin." Gusto na ni Ally na sabihin ko ang about sa amin ni Billy. Tinignan ako ni Martha dahil alam naman niyang sa kanya ko lang malayang nasasabi 'yon.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon