''Oh, mga apo, dahil MGCQ na, nakakuha na ako ng special permit para maka-travel. Pupunta muna ako sa Mama mo sa America Judah hah, tapos ang mga katulong natin dito ipapa-leave ko muna para naman makapag-pahinga sila. Ayos lang ba sa inyo na kayong dalawa lang muna rito?'' sabi ni Lolly kay Judah nang madatnan nila itong nasa kalagitnaan ng video call at ang Mommy ni Judah.
Si Rocky naman ay naiwang nakatayo lang sa may bandang hindi nahahagilap ng camera.
''Iiwan niyo ako rito, Lolly?'' kunwari'y nagdabog ito nang naglalambing sa matanda.
''If I know anak, gustong gusto mo rin namang masolo ang bebeloves mo diyan.'' pangungutya ng Mommy ni Judah rito kaya bahagya siyang napatawa sa sinabi nito.
''Maaa!''
''I love you Judah ko! Oh' siya sige na, tulungan niyo na si Lolly mo para hindi iyan male-late sa flight niya.'' sabi ng Mommy nito. ''Ma, tell Rocky na 'wag pababayaan si Judah. And Judah, don't be naughty hah. Mag condom kayo.''
Mas lalo siyang natatawa sa mga pinagbibilin ng ina ni Judah. Akala siguro nito wala siya sa paligid. Medyo umiinit tuloy ang katawan niya kapag iniisip niya ang mga mangyayari mamaya.
''Ma, naman! Ang bastos niyo talaga.''
''Love you Judah! Babye na!'' saka nito in-off ang video call. Si Lolly naman ay nakahanda na sa kanyang mala-madam na outfit.
''Lolly, are you sure na kaya mong mag travel hah? Ito po ang facemask i-doble niyo yang facemask niyo, tapos itong faceshield isuot niyo rin, ito pa po mag-gloves din kayo.'' kitang kita niya sa mga pag-aalala ni Judah sa Lola na sobrang mahal na mahal niya ito. Hindi niya rin masisisi kung bakit kahit labag sa loob ng matanda nung una pero madali rin nitong natututunang tanggapin at mahalin ang naging desisyon ng apo.
'''Mag-cashless transaction din po kayo hah para iwas hawak ng mga cash. Tapos Lolly, ito po ang cute alcohol spray bottle ko, ito na po ang gamitin niyo para pantay sa outfit niyo.''
''Maraming salamat Apo.'' maluha-luhang banggit nito sabay yakap kay Judah.
''Lolly naman eh, wag niyo na nga akong paiyakin.'' kahit umiiyak na rin ito. ''Ito po, in-order ko pa ito kay Beshie, gamitin niyo po iyan hah para hindi kayo malapitan ng Corona.'' isang portable air purifier ang isinuot nito kay Lolly.
''Salamat Judah!'' muling nitong niyakap at hinalikan ang apo. ''Rocky, ikaw na munang bahala sa Judah namin hah. Alagaan mong mabuti at wag mong sasaktan habang wala ako.''
''Hinding-hindi po, Lolly.'' saka kinindatan niya pa si Judah. Nang mahuli niyang nakatingin ito sa kanya at busy si Lolly, binasa niya ng laway ang ibabang labi gamit ang dila at tumingin rito na parang nang-aakit.
''Bastos!''
Nang makaalis sina Lolly at ang driver nito patungong airport, nagsi-alisan na rin ang dalawang kasambahay at hardinero pauwi sa kani-kanilang mga lugar tulad ng paalam ng mga ito kay Lolly.
''Paano ba iyan, tayong dalawa na lang ang narito buko?'' nginitian niya ito ng nakakaloko.
''Buko? anong Buko?''
"Buhay ko.'' tumawa si Judah ng malakas. ''Anong nakakatawa?''
''Ang corny mo Rocky!''
''Bahala ka nga.'' nagkunwari siyang nagtatampo. Naglakad siya patungong kusina kasi may naisip siyang lutuin para sa kabiyak.
Naramdaman niyang sinusundan siya nito pero hindi siya lumingon. Walang imik at nagpatuloy sa mga hinahanda para sa lulutuin.
''Uy, Rocky. Sorry na.'' pinilit niyang hindi ito pansinin kasi gusto niyang lambingin siya nito.
Inabot ni Judah ang wine bottle sa mga counter table at sinalin sa wine glass ang konting laman nito.
''Truth or dare?'' hindi niya pa rin ito pinansin. ''Okay, dare.'' ito mismo ang sumagot.
Pinaikot nito ang bote at saka tumama ang bandang bunganga sa direksyon niya.
''Dare. Wag kang gagalaw hah? 1 minute...'' hindi niya ito pinansin at saka humarap sa lababo para hugasan ang mga gulay na hiniwa ngunit bigla siyang natigilan kasi yumakap ito sa kanya mula sa likod.
''Rocky? Sorry hah. Nagbibiro lang naman ako eh. Sa totoo lang kinikilig ako dun sa buko.'' sincere nitong sabi. Pilit niyang pinakiramdaman at deep inside kilig na kilig na siya sa ginagawa nito. ''Mahal na mahal kita buko.''
Kumalas siya sa yakap nito at humarap, saka pinalupot pabalik sa kanyang beywang ang mga braso nito.
''It's a prank!'' biglang sabi niya rito na abot-tenga ang mga ngiti.
''Gago ka talaga!'' kakalas sana ito mula sa pagkakayakap sa kanya kaso pinigilan niya ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang beywang kaya mas lalong dumikit ang kanilang mga katawan.
''Joke lang, ito naman. I love you too buko! 'Wag mo kong iiwan hah?'' hinalikan niya ito sa noo.
''Hinding hindi buko. Ikaw rin hah, habulin ka pa naman. Baka mamaya makakita ka lang ng 'mas' sa akin, balewala na ako.''
''Habulin ng ano? Habulin ng aso ka' mo. At saka anong 'mas' sayo? Wala nang mas sa yo Judah. Ikaw lang sapat na.''
''Ay sus! pa-fall si koya! Teka, anong lulutuin mo? Masarap ba iyan?''
''Aling masarap? Yung lulutuin ko o ito?'' ngumuso siya sa kanyang pundilyo.
''Bastos talaga!''
Tinawanan niya na lang ang naging reaksyon nito at saka nagpatuloy sa ginagawang pagluluto.
''Ano 'to Rocky?'' biglang nanlaki ang mga mata niya sa pinakita ni Judah galing sa loob ng bulsa niya na nadukot pala nito kanina habang nakayakap sa kanya.
''Akin na nga iyan!'' hinablot niya ito mula sa kamay ni Judah.
''Uy ikaw hah, may balak kang masama noh?'' natatawa nitong sabi.
''Bakit? Ayaw mo ba nito? Itatapon ko na lang, wag na lang nating gamitin mamaya.'' aakmang itatapon niya ang condom sa basurahan.
''Wag!'' pigil nito.
''Cover o uncover?'' ngumiti siya ng nakakaloko.
''Pwedeng both?''
PS. Ang susunod na kabanata ay Rated SPG. Patnubay at Gabay ang kailangan sa mga batang mambabasa.
Itutuloy...
Kabanata 4: Kutob at Hinala (1/2)
Thank you everyone for reading! Please don't forget to hit that Star to Vote and leave your comments so I can thank you personally!
See you in the next chapter!
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...