Chapter 20

2.8K 37 3
                                    

Gabrielle Allison Leviste

Pagka-gising ko pa lang ay naghanda na ako kaagad ng aking susuotin para sa aming date ni Lucas. Hindi ko nga alam kung bakit bigla-bigla niyang naisipan ang bagay na iyon, pero ayos lang naman, isang taon rin naming hindi nagawa ang bagay na ito.

Matapos kong maligo ay napabaling ako sa dalawang baby crib na nasa kwarto, mahimbing na natutulog ang kambal, nakakatuwa silang pagmasdan, manang-mana ang kanilang mukha sa ama.

Kinuha ko na ang simpleng kulay tan na off shoulder fitted dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba at isinuot ito.

Naupo na ako sa upuan sa tapat ng aking vanity mirror at naglagay ng kaunting make up. Tinuyo ko na rin ang aking buhok at isinuklay ito. Nilagyan ko ng tig-isang black na hair clip ang mag kabilang side ng aking buhok kaya mas kitang-kita ang suot kong earrings.

Tumayo na ako sa upuan at kinuha ang simpleng itim na heels, hindi ito kataasan dahil hindi naman ako gaanong mahilig sa matataas na heels.

Matapos kong isuot ang low heels ay napabaling ako sa aking kambal na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa kanilang baby crib.

Iiwan ko muna sila kay Mommy, nabanggit ko rin kasi sa kanya na may date kami ni Lucas, mabuti nalang at suportado nila ako ni Daddy pagdating kay Lucas.

Nag-lagay na ako ng diapers, gatas, mineral water, baby wipes, lampin, at alcohol sa ibabaw ng maliit na mesa ko para hindi na mahirapan si Mommy kakahanap ng mga gamit ng kambal.

Nakakalungkot pa rin na hindi pa kami nagkaka-ayos nila Kuya, Sana ay maging maayos na kami. Hindi rin kasi talaga komportable sa pakiramdam kung hindi kami nagpapansinan sa loob ng bahay.

"Bye, Aquila And Caelum, aalis muna si Mommy. Behave lang kay Lola okay? I love you both." sabi ko at hinalikan sila pareho sa kanilang noo.

Iniayos ko ng sakbit ang aking mini shoulder bag bago umalis ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ay nandoon na si Mommy.

"Mommy, aalis na po muna ako, kayo na po muna ang bahala sa kambal." sabi ko kay Mommy at humalik sa pisngi niya. Tumango naman ito sa akin at bumulong, "Atsaka na ulit ang panibagong baby ha? Kasal muna baby girl." nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni Mommy.

"Mommy!" napataas ang boses ko dahil sa hiya, natatawang pumasok naman si Mommy sa kwarto namin ng kambal.

Napangiti naman ako bago tuluyang bumaba ng hagdan. Tahimik sa sala at sa kusina, siguro ay si Mommy at sila Manang lang ang nandito sa bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang lumabas ng bahay, mukhang iniiwasan ako nila Kuya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin kong pag-approach sa kanila lalo na't hindi ako makahanap ng tiyempo.

Narinig ko naman na ang busina ng isang sasakyan, paniguradong si Lucas na iyon. Lumabas na ako ng gate at sinalubong siya.

Nakangiting yumakap naman siya sa akin at humalik sa aking noo. "I missed you, love." malambing sabi niya. "I missed you more." sagot ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang yakap namin sa isa't isa.

Bumitaw na ako sa yakap naming dalawa at napansin ko ang suot niya polo long sleeves, ka-match ito ng dress na suot ko. "Para namang nakaplano itong outfit natin ngayon." natatawang sabi ko sa kanya.

Natatawang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya bago hinawakan ang ulo ko upang hindi mauntog. Sinara niya na ang pinto at sumakay na rin siya sa kotse.

"Ganoon daw talaga kapag destined." nakangising sabi niya sa akin at nagsimulang magmaneho.

"Corny mo." sabi ko at napangiti. Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, yung ganito siya kung magbiro at magsalita, yung pag-iingat niya sa akin at mga halik.

"You know what, I started planning our wedding, I hired Georgia Strenua as our wedding coordinator and of course for your wedding gown designer, your best friend Ciara." Sabi ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya.

"Really? I love it, Thank you, love." sabi ko at napangiti ng malawak.

"Where are we going anyway?" Tanong ko sa kanya.

"It's a secret and a surprise." sabi niya sa akin at ngumisi.

Hindi naging tahimik ang biyahe namin dahil panay ang pagsabi ni Lucas ng I love you's sa akin, At siyempre hindi ko maiwasan ang kiligin sa mga romantikong sinasabi niya.

Sa sobrang haba rin ng biyahe namin ay nakatulog ako, hindi ko naman napigilan ang antok ko dahil tulad noong mga nakaraang araw ay palagi akong inaantok at palaging natutulog.

"Hey, baby, we're here." nagising ako ng marinig ang napakalambing na boses ni Lucas. nang imulat ko ang aking mata at saktong paglapat ng labi niya sa akin labi. Nagulat man ako ngunit malugod ko itong tinugunan.

Napalingon ako sa paligid. The place looks familiar. Nagtatakang lumingon ako sa kanya.

"This is the place where I proposed to you. And now, I want to spend my time with you, in this memorable place of us." madamdaming saad niya. Pinigilan ko naman ang nagbabadyang tumulong luha, at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm so happy, akala ko hindi na kita makakasama ng ganito, mayayakap at mahahalikan. Akala ko hindi ko na maririnig pa ang tatlong salita na palagi kong gustong marinig mula diyan sa labi mo. Sobrang saya ko kasi bumalik ka na sa akin." sabi ko sa kanya.

"Don't cry, Let's enjoy this day, 'kay?" sabi niya sa akin. Hinawakan ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo.

Naunang siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto, Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Kitang-kita ko mula sa malayo ang napalaking yate kung saan siya nag-proposed noon. Inalalayan niya ako papasok sa yate, ramdam ko ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam.

Nakangiti kaming pareho ng pumasok sa isang kwarto. napaka-ganda ng pagkaka-ayos ng kwartong iyon, halatang pinaghandaan ito ni Lucas. Nagkalat ang mga talulot ng rosas sa paligid, mayroong mga lampara sa gitna ng mesa maging ang mga pagkain ay nakahanda ng maganda. Wala na akong masasabi pa sa sobrang effort na ginawa para sa akin ni Lucas.

Hindi ko akalain na ngayon na naalala na niya ako ay pagrande ng pagrande ang mga surpresa niya para sa akin.

"You like it?" tanong niya sa akin.

"I'm actually speechless. I love it, Lucas, Thank you for this. Your surprises never disappoint me. I love you." sabi ko sa kanya.

"I love you more, love. No need to thank me. I love doing surprises for you." sabi niya at inalalayan niya akong umupo.

"I know that these are you favorite foods, Let's dig in. I know you're hungry." sabi niya sa akin. Nagsimula naman kaming kumain. Minsan pa'y sinusubuan niya ako ng pagkain. Hindi ko maiwasang mamula sa mga simpleng ginagawa niya. His simple gestures makes my heart go wild.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020 


Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon