Prologue

163 4 4
                                    

Characters:

Ruth Angelica Sanders
Maccoy Parker
Nathan Campbell
Catherine Yang
John Anthony Sanchez
Francesca Morgan
Princess July Cabardo
Ruth's Family
Maccoy's Family
Others ^_^v

-

Well, ako nga pala si Ruth Angelica Sanders, 16 years old.. Maraming pangarap sa buhay, matalino, sweet, maputi, at syempre sabi nga ng proud parents ko, MAGANDA AKO.. hehe walang kukontra ^_^v..

Anyway NBSB ako, alam niyo kung bakit? Kasi nga bata pa po raw ako, ika nga ng parents ko.. Hindi muna pwede magka nobyo (_ _) hahaixt sabi naman ng lokaret kong bestfriend, pihikan daw ako.. Ano ba yeeen para namang may perfect guy sa mundong to 'noh..

Tama na nga tungkol sa sarili ko.. ^_^ Ang daldal ko na tuloy, nahawa na ata ako sa bestfriend ko..haha

-


PROLOGUE


Naalimpungatan ako at naramdaman ko na parang may nakadagan sa akin.. Pagbaling ng ulo ko sa kaliwa at pagdilat ng mga mata ko...

"Aaahhhhhhhh!!!!" Sabay tulak sa lalaking nakadagan sa akin, sabay hatak ng kumot pataas hanggang sa leeg ko gamit ang dalawang kamay ko.. Pagdilat ko kasi nakita ko lang naman ang mukha ni Maccoy na ilang inches lang ang layo sa mukha ko, nakayakap pa sya sa akin at nakadantay ang isang paa.. Tapos naka boxer shorts lang sya.. Sino ba namang di magugulat nun diba?? diba??

Dahil halos kalahati lang naman ng katawan nya ang nasa kama ko, kasi naman pang isahan lang 'to at tsaka medyo napalakas ata yung tulak ko, nalaglag tuloy sya sa kama.. buti na lang mababa lang 'tong kama ko...

"Aray naman! Kitang natutulog yung tao eh.." nakaupo sya sa sahig at hinihimas yung balikat nya.. yun siguro yung tumama sa sahig pagbagsak nya...

"Eh k-kasi naman, may sarili ka namang kama, bakit dito ka pa sa kama ko sumisiksik?!!" pasigaw kong sabi sa kanya habang tinuturo kung san nakapwesto yung kama nya.. Isang kwarto lang kasi ang tinutuluyan namin, apartment..At makapal na kurtina lang ang pinakapader namin.. para kahit papano may privacy kami..

"Sensya naman nag sleep walk talaga ako.. Malay ko bang naglakad ako papunta dyan sa kama mo, eh tulog nga diba?? Feeling mo naman gusto kong tabihan ka.." padabog na lumakad si Maccoy papunta sa kama niya.

-

(A/N: dedicated sa bestfriend ko.. U know who you are.. Ms. Gella, CPA)

M.U. (Sangho ihae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon