Chapter 1

112 7 4
                                    

I'll give her war.

KATHRYN

Sheez. Ngayon na pala iaanounce yung top 10 ngayong 3rd quarter.

Hindi ako pwedeng malamangan ng impaktang Julia Barretto-ng yon.

Kailangan top 1 parin ako.

Papalapit ako nang papalapit ngayon sa Bulletin Board namin. Doon kasi pinopost ni Ms. Cruz ang Class Standings.

Ayan na. Ayan na. Andito na ko ngayon sa harap ng Bulletin Board. Medyo marami-rami naring kaklase ko yung nadito.

Pumikit muna ako bago tumingin.

Isa

Dalawa

Tatlo

DILAT.

Oustanding Students For The Third Grading Period:

Third Year - Platinum

1st- Bernardo, Kathryn Chandria
2nd- Barretto, Julia Francesca
3rd- Padilla, Daniel John
4th- Montes, Julia
5th- Kabe, Katsumi
6th- Gothico, Seth
7th- Salvador, Janella
8th- Giri, Lester
9th- Padilla, JC
10th- Soberano, Liza

Napangiti ako. I'm still and will only be the top 1.

Hindi niya talaga ako kaya. Napahalakhak ako ng mahina.

Maya-maya lang ang dumating din dito si Julia B. Akala niya ha?!

"Oh Julia. Nag-aaksaya ka lang ng panahon mong pumunta dito. Alam naman nating dalawa na hinding-hindi mo'ko matatalo eh." Sabi ko.

Ngumiwi siya. Sumilip siya sa bulletin board.

Nakita ang konting pagkadismaya niya sa nakita.

"Oh? Tama ka naman. Nag-aksaya lang ako ng panahon tingnan ang pangalan mo dito. Hindi naman kapani-paniwala. Mas matalino parin ako sa'yo." Napa-irap siya.

Tumawa ako ng sarcastic bago nagsalita.

"Mas Matalino ka? Eh sino nga ulit yung top 1? Ikaw ba?" Nang-aasar na sabi ko.

Ang yabang ng lahi niya ha? Eh kitang-kita naman kung sino yung mas matalino.

"Ah ganon ba? Sige tingnan naten sa 4th quarter kung may ipagyayabang ka pa. Atsaka kung hindi man ako ang mas matalino, mas maganda naman ako sa'yo." Sabi niya.

Ako naman yung napa-irap.

"Huwag ka nang umasa, Barretto. Ito ang tandaan mo. Mas matalino, mas maganda, mas mayaman, at di hamak na mas may ipagyayabang ako kaysa sa'yo. Atsaka goodluck nalang pala para sa next quarter. Huwag lang puro salita Julia. Patunayan mo." I said my final words then I walked out.

Akala ng babaitang yon ah!

Pakayabang! Kala mo kung sino. Tsk.

Ang lakas ng loob niyang kalabanin ang isang Kathryn Chandria Bernardo, ha?

Magta-time na pala. Kailangan ko ng pumasok sa room.

Napabuntong hininga ako.

Nai-istress yung beauty ko! Umagang-umaga bad trip ako sa pagmumukha niya.

Dating the Casanova (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon