** Dedicated to GIRLako :) salamat sa pagcomment at pagsuporta :)
Chapter 38.2 - HIS REALIZATIONS
SUAREZ' POV
"Gusto kong kumain ng fries, ng mcfloat, ng fries, ng mcfloat, ng fries--" kanina pa siya ganyan habang nasa kotse kami
"Lagi lang bumabagsak ang sinasabi mo sa fries at float."
"HAHA masyado bang halatang paborito ko yun?"
"Hindi man. Sobra lang."
Papunta na kami ngayon sa Mcdo. Gutom na raw siya kaya naman kumain muna daw kami.
"Ikaw anung gusto mo? Gusto mo din ng fries at float?"
"Kung ano gusto mo, yun nalang din."
"Ayiiiih! Tama yan babe, dapat lagi tayong pareho. Haha"
Nandito na kami sa Mcdo at agad agad siyang lumabas sa kotse. Parang wala siyang kasama kasi naman agad siyang pumasok at nagpunta sa counter. Bakit kaya hindi niya nalang ako hinayaang mag order ng kakainin namin? Ipinagpapalit niya ako sa fries at float? Kung ipa tanggal ko kaya yung fries at float sa Mcdo? tss. :|
Pag pasok ko sa Mcdo. Ayun nasa may counter na siya at nakakainis sa lahat ay ang makitang may mga lalaki nanamang nakapaligid sa kanya. May magnet ba tong babae na to para dikitan ng mga lalaki? Tss. Siguro ngumiti nanaman to.
"Babe." sabi ko sabay akbay sa kanya, yung mga lalaki agad naman umiwas na ng tingin sa kanya
"Tagal mo naman, tignan mo nga nakaorder na ko. ^___^" inaayos na nga ang order niya. Ang bilis naman yata?
"Bakit ang bilis?"
"Ginamitan ko ng charm, kaya pinauna nila ako dito. ^___^" tss. Sabi na nga ba. >_<
"Diba sinabi ko ng bawal kang ngumiti sa iba?"
"Ito naman, wag ka na magselos. On a purpose naman yun. ^____^"
"Here's your order Ma'am."
"Babe, dalhin mo na dali. Gutom na ako." inaalipin yata ako nito?
"Heto na nga." at naghanap na siya ng place namin at agad naman kami nakaupo
Hindi siya makausap habang kumakain dahil enjoy na enjoy siya sa paborito niya. Kanina lang malungkot siya at umiyak, ngayon panay nanaman ang ngiti. Pero mas okay na ang ganito, mas natutuwa pa akong makita ang mga ngiti niya.
"Tititigan mo nalang ba ako?" sabi niya habang nakatingin sa akin at hawak ang float niya. Teka, nakatitig ba ako sa kanya? ( - -)
BINABASA MO ANG
Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)
Romance(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. This girl decided to spy on her future fiance. Will LOVE soon spark? Or HATRED? Or just FRIENDSHIP? BO...