† Dead 7 - Split Decision

2.7K 56 2
                                    

[Rogel's P.O.V.]

Place: Canteen | Date: November 27, 2012 | Time: 08:09pm

Nasa loob na kami ng canteen. Medyo mabango pa 'yung loob, nakakagutom 'yung amoy. Naalala kong simula kagabi, hindi pala kami nakakain.

"Guys, kain muna tayo ano?" aya ko sa kanila. Pumunta ako sa hilera ng mga sandwiches at carbohydrates at dumakot ng limang hotdof sandwich.

"Tara, nagugutom na din ako eh." sagot ni Angela sa'kin at lumapit na din sa hilera ng mga sandwich. nagsipagsunuran na din ang iba pa naming kasama at ngumasab na kami na para bang wala ng bukas--wala na naman talagang bukas.

PAG! PAG! PAG! PAG!

Nagulat kaming lahat ng mayroong malakas na kabog sa pintuan. Nagiiwan ito ng markang paumbok sa bawat hampas nito. Bigla kaming nagulat, at siyampre, kinabahan.

Hindi ko na kayang mabuhay pa. Para bang wala na kaming pag-asang lumaban pa. Ito na ata ang katapusan namin.

"Anong gagawin natin? Mukhang nakaligtas yung humiwalay sa atin aba." reklamo ni Jiemaica. "Nakakaiyaaaaak!" impit niya, tila ba nanghihinayang.

"Bahala na si Batman." sagot ko. "Kailangan labng naman nating lumaban."

"Ano ka ba, paano tayo lalaban kung wala man lang tayong kaalalam-alam sa mga nilalang na 'yan at wala naman tayong sandata't armas." pagbabara sa'kin ni Jiemaica.

"'Di bale na. Come what may na lang!"

Malapit ng mabutas ang pinto. Malapit na kaming kaining lahat. Wala na kaming takas. Nagkakatinginan na lang kami. Nang biglang...

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon