You belong With Me [Chapter 5: Goodbye, Cyrus]

2.4K 25 0
                                    

Best friend ko. BEST FRIEND lang ko. Haaayyyy. Sabi ko naman kasi wag na akong ipakilala. Nakatikim lang ulit ako ng panlalait mula sa mga barbie friends niya.

"Siya yun, Nads? Hindi pala talaga kaselos-selos"

"I know, right?"

Tapos nagtawanan sila. Humanda kayo barbie and friends! May araw din kayo sa akin. Ganyan sila kapag wala si Cyrus kapag nandyan naman.

"Yes hon, we know her na. She's really nice and pretty. Right, guys?"

"Yeah, totally!"

Totally niyo mukha niyo! May araw din talaga sila! Magpakasaya na sila! Eh di syempre umalis na ako doon. Ano pa bang gagawin ko doon? Lalaitin lang nila ako ng lalaitin. Pagkaalis ko nga eh tinawanan pa ako. Yung Cyrus kasi na yun eh pumunta sa table nila Mama! Pinaalis lang ako ng loko para i-entertain yung mga plastic niyang BWISITa.Ewan ko ba diyan kay Nadine. Mabait naman yan nung Grade 6 pa kami. Bigla na lang nagbago.

"Oh? Anong nangyari?"

"Uwi na ako. Sakit ng ulo ko. Una na ako Ma."

Tumango naman si Mama. tapos sabi ni Dad uminom daw ako ng gamot. Tumango lang ako tapos nagsimula ng maglakad palabas. Mukhang pangarap na lang talaga ang lahat. Siguro kailangan ko ng kalimutan si Cyrus. Ay mali. Yung nararamdaman ko pala sa kanya. Best friend. That's what I'll be for the rest of my life. His best friend. Kasi naman ang daya! Hindi na nga ako ang first girlfriend niya. Hindi pa ako ang first love niya. Tapos siya lagi ang first ko. Pero mukhang yung first boyfriend ko kahit gusto ko man na siya eh hindi maaring mangyari. Pangarap na lang talag siguro ang lahat.

May naririnig akong tumatakbo. paglingon ko si Cyrus. Lumapit siya sa akin tapos bigla niya akong niyakap sabay sabi na...

"Regalo ko?"

Amp. Nainis ako kaya tinulak ko siya palayo sa akin. Naramdaman niya kaya yung heartbeat ko? Ang bilis kasi ng pagtibok ng puso ko. Akala ko pa naman magtatapat na siya katulad ng nangyayari sa mga pinapanuod ko. Tamang-tama kasi ang timing, yung place. Kahit kalsada pa ito, wala naman kasing tao kaya perfect.

"Wala akong regalo. Bumalik ka nga doon!" Wala talaga akong regalo. Meron naman sila Mama kaya yun na rin ang regalo ko. Eh ayaw niya daw ng ganoon gusto niya may sarili akong regalo para sa kanya. Siya daw kasi ganun sa akin. Hiniling ko ba? At saka stufftoy lang lagi ang nireregalo niya sa akin. Sawang-sawa na nga ako eh. Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya na sarili na lang niya ang iregalo niya. Tss. Nag-inarte na naman siya. Kung anu-ano na naman ang sinabi. Hindi talaga siya napapagod sa pagsasalita.

"Basta kailangan next year may gift ka na. Cge, pahinga ka na. Bye, Sabine Krystal Marquez!"

Goodbye, Cyrus.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon