Sacrifice of him/her

15 0 0
                                    

Mayroong mag-asawa na naninirahan sa isang kubo sa gitna ng bukid, sina Rose at Renzo. Simple lamang ang kanilang buhay roon. Hindi sila naghanganad ng magandang buhay na puno naman ng kasamaan. Silang dalawa lamang sapagkat hindi sila nagkaroon ng anak. Hindi sila nakapagpatingin sa doctor dahil na rin sa kakulangan sa pera kaya’t kanilang tinganggapp na lamang na hindi na sila magkaka-anak pa kahit kalian. Sa kanilang kubo ay mayroong silang imbakan ng sinulid at tela. Mahilig manahi si Rose at kahanga-hanga ang kanyang husaybukol sa gawaing ito ngunit dahil kahirapan ay hindi niya ito natatahi dahil wala siyang sariling makina. Nakagagawa lamang siya ng ibang damit at mga punda at naibebenta ang mga ito kapag siya’y bumababa sa bayan. Ang kabuhayan naman ni Renzo ay pangangaso at pangangahoy. Hindi pa sumisikat ang araw umaalis na kaagad si Renzo upang makapaghuli na ng mga hayop at pagkatapos maipagbenta ang mga nahuli ay diretso agad siya sa mga kasamahan nya upang mangahoy. Kasapi siya sa grupo ng mga nag-aangkat ng torso sa syudad at ito ang ay ginagawang mga kagamitan. Legal ang trabaho nilang ito at kanilang pinaghirapan upang aprubahan ng gobyerno. Walang uniporme sila Renzo at hindi problema kung ano ang kanilang kasuotan. Luma na ang kanyang pantaloon at taon na ang mabibilang nang huling mapalitan ang kanyang sapatos at tila ba ito’y nagugutom dahil sa sira na nitong suwelas. Sa araw na iyon ay mas maagang umalis si Renzo kaysa sa kanyang nakasanayan. Mabilis siyang nangaso at tila ba walang kahirap-hirap na nakahuli siya ng mga hayop upang maipag benta. Agad naman siyang dumiretso sa kanyang trabaho ngunit hindi para mangahoy kundi para kunin ang kanyang suweldo pati na rin ang bayad sa kabuuang serbisyo niya sa mga ito. Nakakuha siya ng Isanglibong Piso, idagdag pa ang kaniyang napagbilhan ng mga hayop na Isangdaan at limampung piso at isama na rin ang kanyang naipon na Tatlongdaan at limampung piso. Anibersaryo nilang mag asawa ngayon at nais niyang regaluhan ang kaniyang asawa ng makina para sa pananahi nito. Siya’y umalis sa kanyang trabaho at kanyang napagdesisyunan niya na tutulungan na lamang niya ang kaniyang asawa sa pananahi at paglalako nito upang sila’y lagi ng magkasama. Maaga namang nag ayos si Rose ng kanilang kubo dahil siya’y pupunta pa sa bayan at kaniyang ipagbibili ang kaniyang mga natahi na punda at mga damit. Ngunit kulang pa rin ito para makabili ng bagong sapatos para sa kaniyang asawa. Kaniyang napag-isipan na ibenta na lamang ang mga tela at sinulid sa mga sastre sa bayan total naman ay wala siyang makina. Magkakaroon naman ulit ng panibagaong dating ngunit sa susunod na anim buwan pa lamang. Siya’y naaawa na sa kanyang asawa na araw-araw nagtatrabaho at pinagtiya-tiyagaan na lamang ang tatlong taon at kalahati nang sapatos. Matapos niyang maipagbili ang mga ito, siya’y dumiretso na sa bilihan ng sapatos at tumingin ng pinakamatibay upang pang-matagalang gamitan ng kaniyang asawa. Dalawang daan at limampu ang presyo nito at kumita siya ng tatlongdaang piso. Binili niya kaagad ang sapatos at ang natira sa kanyang ssalapi ay pinambili ng kasangkapan sa pagluluto pa sa kanilang hapunan. Pagdating niya sa kanilang kubo ay di niya inaasahang makita ang asawa dahil mas maaga ang uwi nito ngayon kaysa ibang araw ngunit ang nakatawag ng kanyang pansin ay lamesang may takip na telang pula at ito’y nasa likod ng kanyang asawa. Agad siyang nilapitan ng asawa at niyakap at binate siya para sa kanilang Anibersaryo at ipinakita abg regalo nito. Laking  gulat na lamang niya na isa itong makina. At ang mas nakapagpagulat sa kanya ay ang sinabi nitong ito’y tumigil na sa pagtatrabaho at tutulungan na lamang siya sa pananahi.Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Rose pagkainis, pagkagulatt at kasiyahan. Hindi na lamang siya nakapag salita at iniabot niya ang regalo niya sa asawa. Nabigla din ang asawa na napalitan ng kasiyahan na napalitan din kaagad ng pagtataka. Napatingin na lamang si Renzo sa pinaglalagyan ng mga punda, sinulid at tela at saka niya lang naunawaan kung bakit ganoon ang reaksyon ng kaniyang asawa. Dumiretso si Rose ng kusina na walang salita at naghanda na ng kanilang hapunan. Nang sila’y kakain na, sabay napangiti ang mag-asawa at sinabi ni Rose kay Renzo na “Salamat ngunit hindi ko pa iyon magagamit, Mahal kita aking asawa.” Sinagoy naman siya ng kanyang asawa at sinabing  “Mahal din kita, maliganyang anibersaryo sayo nguni madalang ko atang atang maisusuot ang iyong regalo.” Kumain sila ng maligaya at hindi alintana ang problemang kahaharapin kinabukasan.

-the end hope you like it :) vote and comment po 

any suggestions and opinions is fine with me :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Materyal sa Pagmamahal (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon