Chapter 1

167 12 1
                                    

LEFT

"I hope that someday, when you achieved your dreams, we are still together. I'm praying for your success."

Sambit ni Zage habang marahan niyang sinusuklay ang aking buhok ng kaniyang mga daliri. Napangiti nalang ako at niyakap siya ng mahigpit.

"No, we will achieve our dreams together. Just hold on, okay?"

He hugged me back and heave a sigh. I wonder what is bothering his mind lately. Parang hindi na rin siya gaanong komportable sa tuwing nababanggit ko ang aking mga plano para sa future naming dalawa.

We are both college student but we are studying from different universities. Si Zage ay nag-iisang anak ng mag-asawang Zarina at Giovanni Castillejo. His mom was a head doctor, while his father is a well-known business man. Marami silang negosyo, ngunit ang kilala talaga ay ang "𝑛𝑜𝑠𝑡𝑎𝑙𝑔𝑖𝑒 𝑒𝑡 ℎ𝑖𝑒𝑟" na restaurant nila. They even own a high-end hotels.

He came from a wealthy family, habang ako?

I'm Eris Fuentabella, nakatira ako sa isang maliit na bahay kasama ang Tito Leon at Lola Ginny ko. Both of my parents died from a car accident. Parehong nagta-trabaho ang mga magulang ko sa bangko. My dad was promoted pati na rin ang mama ko. Akala ko makakapag-celebrate kami noon pagka-uwi nila Mama. Ngunit nagkamali ako.

Naaalala ko pa ang mga nangyari noon, at hanggang ngayon hindi pa rin ito mawaglit sa aking isipan.

"E-eris... Wala na ang mga m-magulang mo..."

Iyon ang mga katagang sumalubong sa akin nang magising ako mula sa aking pagkakaidlip.

"Lola naman! Hahaha. Hindi ito ang oras para magbiro ka ng ganyan. Hindi magandang b-biro yan, La..."

I tried to act normal, but I know that deep inside I was shaking because of the nervousness that I'm feeling.

"M-ma! Mama! Ano itong nabalitaan ko?! W-wala na raw sila Era-"

Napahinto si Tito Leon nang makitang nasa likuran ako ni Lola. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatyuan. Hinayaan ko mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pinalis ko ang mga luhang namuo sa aking mga mata.

"Uy beh? Ayos ka lang ba? Mukhang naluluha ka ahh."

Ngumiti lamang ako kay Janelle at inaya ko na siyang lumabas ng classroom. Habang naglalakad kami sa corridor ay nakangiti ang ibang estudyante sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanila pabalik at iyong iba naman ay tinawag pa ang pangalan ko. I'm the Governor of the Student Supreme Council, that's why halos karamihan sa mga estudyante ay kakilala ko.

"Ate Eris!"

My lips formed a smile when an elementary students approached me. Isang chubby na batang babae ang agad na tumakbo sa aking kinatatayuan at nagpakarga sa akin.

"Naku Lili, ayaw mo ba magpakarga kay Ate Janelle?"

Napatawa naman si Janelle habang inaayos ang buhok ni Lili.

"Ngayon po sayo ako magpapakarga, bukas naman ay kay Ate Janelle. Para fair po."

"Sige na nga, para naman ma-feel ko na may kapatid akong babae."

Janelle smiled as she caressed Lili's chubby cheeks.

"Stop it Lili. Madudumihan ang uniform ni Ate Eris."

Napangiti naman ako at ibinaling ang aking titig sa isang batang maputi at singkit ang mga mata. Halatang nanggaling ito sa marangyang pamilya.

Nag-pout si Lili at sinenyasan akong ibaba na siya. Halata ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

Engineer Series : Engineer Zage CastillejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon