† Dead 8 - Exhaust

2.7K 55 2
                                    

[Ryan's P.O.V.]

Place: Canteen Exterior | Date: November 27, 2012 | Time: 08:29pm

Nakalabas na kami ng canteen. Mabuti naman.

Nakakatakot. Nakakakaba. Para kang mawawala sa katinuan.

Pero.. Bakit parang kulang kami? Parang kanina lang madami kami na halos di na kami magkasya sa canteen ah.

Kulang kami ng tatlo?

Kanina binilang pa ni Annie kung ilan kami d'on, 17 kami. Pero ngayon 14 na lang ang nakalabas sa canteen. Hindi kaya...?

Masyadong mataas ang bintana, hindi na namin marinig kung anong nangyayari sa itaas.

"Nasan na kaya sila? Sana naman ligtas sila." sabi ni Ronalyn. Ipinahid niya ang kanyang kamay sa kanyang pantalon.

"Bakit pa kasi tayo umalis doon sa may 1st year building e." sabi ni Jiemaica, nagkakamot ng ulo at nagpadyak ng paa.

"Okay na yan. Kasi matatrap tayo doon. Dapat gumalaw din naman tayo." sabi ko sa kanya.

"At maubos kamo?" sabi naman ni Annie. "Dapat inaalam muna natin 'yung consequences ng mga gagawin natin bago tayo kumilos. Mahirap sumali sa isang guiyera na wala kang bala't panangga."

"Hinde. Kung magtutulungan tayo at pursigidong mabuhay pa edi hindi tayo mamamatay!" sagot ko. "Kayo lang naman ang walang tiwala sa mga kakayanan natin bilang isang grupo eh."

Naglakad na kami papalayo. Hindi pamilyar ang pinagbagsakan namin.

Medyo nakakatakot ang simoy ng hangin sa lugar na to. Parang kakaiba.

Pero di bale. Marami pa naman akong kasama dito. At kaya namin 'tong lampasan.

University Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon