Chapter 1

21 5 0
                                    

11 years after.......

Z's

"Kelan tayo babalik ng pilipinas?" Tanong ni Diego sakin habang nag mamaneho.

Pansamantala akong natigil sa pagtipa sa aking cellphone dahil sa tanong niya, bahagya ko siyang nilingon ngunit binalik din agad ang atensyon sa aking telepono.

"Bakit gusto mong bumalik doon?" Tanong ko ng di sya tinitignan.

Kung ako lamang ang masusunod ay wala nakong balak bumalik sa lugar.

"Well, I'm just asking, though. Mas maganda rin siguro kung makapasyal doon ang kambal kahit isang beses lamang."

"The twin's are living fine here, so wala ng dahilan para umuwi pa doon." I said coldly.

Sinubukan kong ipagpatuloy ang ginagawa ko ngunit nawala na ang aking konsentrasyon. Kung kaya't tinago kona ito sa aking handbag at pinagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib.

"Wait I forgot to ask, love." He said so I turned my gaze to him. "How's your work?"

I smiled at him. "It's fine, not that tiring unlike yesterday."

He nodded then smiled back, Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho. Tumatanda na nga kami ngunit wala paring kupas ang gwapo niyang mukha. Well we are not that old. He's just thirty five and I'm thirty. Sa lumipas na mga taon ay wala akong naging karamay kung hindi si Diego lamang at pinagpapasalamat ko iyon. He stayed beside me through my worst.

"Hey don't look at me like that." He said with a mocking smile.

Kumunot ang noo ko. "And why?"

"You're intimidating me." He said with a smirk on his lips.

Ngumiwi ako at inilipat ang paningin sa bintana ng sasakyan. Sa ngayon wala nakong ibang iniisip kundi ang mga cute na bata na naghihintay sa akin. I missed them already kahit kasama ko lang sila kaninang umaga.

Tahimik lang ako buong byahe kahit panay tanong sa akin ni Diego. This is me now, ni hindi ko alam kung meron bang nagbago o sadyang ganito lang talaga ako sa paglipas ng mga taon.

I've been so cold towards everyone, even with my Mom. Tanging si Diego at ang kambal lang ang nakakausap ko ng matino.

"Hey, love. We're here." Diego said so I nodded.

I unbuckled my seatbelt. He opened the car's door for me.

"Nandito kanina si Tita Angie." Sabi niya habang sinasabayan akong maglakad papasok sa bahay.

Nawala ang tuwa sa aking dibdib dahil doon. Hindi ako sumagot.

"Don't worry Zhekinah gusto lang niya kayong kamustahin." Halata sa boses ni Diego na gusto niya akong pakalmahin kung kaya ay tumango ako.

Hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig ni Mommy sa pag punta dito, sa pagkakaalam ko ay malaki ang disgusto niya sa pinili kong buhay. Nagalit siya sa akin dahil hindi daw Ito ang pinili niyang buhay para sa akin, She also hated the twins so how come?

Nang makapasok kami sa loob ay unti unting nawala ang bigat sa dibdib ko lalo na nang Makita ko ang sampung taong gulang kong mga anak sa sala habang nanonood. I smiled while watching them.

"Kuya Claude, can you pass me the juice, please?" My daughter said to his brother not letting go her eyes on the television.

"Calamity, you got your own hands so get it on your own." Seryosong namang sabi ng anak kong lalaki sa kakambal niya.

"But kuya, can't you see my foot hurts so I can't stand." halata sa boses ni Calamity na nag iinarte lamang siya.

But then I smiled when his twin, Claude stood up to get a glass of juice for her.

After the Unwanted MistakeWhere stories live. Discover now