CHAPTER SEVEN
…
A/N: This chapter is dedicated to Mary Joy Loquias. Thank you so much Mary/Meda for supporting, motivating and cheering me up as always. Enjoy!Zoeia's POV
"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" Pilit kong winawaksi ang aking braso nang hilahin ako ni Drex slash Yvrhus slash Kulungo sa rooftop ng Batangas State University na pinapasukan namin. Walang sino man ang narito maliban sa aming dalawa. Uuwi na sana ako nang bigla niya akong hilahin patungo rito.
"Mag-usap nga kasi tayo!" Sa tono ng kanyang pananalita ay mapaghahalataan mong galit na ito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Bakit hindi mo na lang ako tantanan?! Iniwan mo na ako, Drex! Bakit bumalik ka pa?!" balik-singhal ko rito.
"Hindi ako bumalik dahil hindi naman talaga ako umalis. Pinagtagpo na tayo ng tadhana, Zoeia dahil alam nitong may patutunguhan pa rin 'yong relasyon natin dati."
"Wala. Tayong. Relasyon. Dati!" Isa-isa kong banggit upang diinan ang paalala rito at umiwas naman ang kanyang tingin sa akin.
*FLASHBACK
A year and months ago, masaya akong nag-log in sa Facebook at nanatiling nag-i-scroll up and down. Suddenly, one message popped up and I didn't hesitate to clicked it.
Pangalan na Drex Miranda ang nag-chat. He just greeted me a 'good morning'. In-stalk ko siya at ang naka-bio sa kanya ay 'Miranda Brotherhood' lamang. Friends na pala kami. I pressed his profile picture pero sure akong hindi siya iyon. Poser ata 'to eh?
Nag-reply ako sa mensahe niya at sinundan iyon ng tugon nang sinundan nang sinundan hanggang sa magtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin. Araw man o gabi. I had a lot of questions to him including kung bakit wala akong makitang pictures niya sa Fb? Ngunit nag-explain ito na siya ay isang boy role player o BRP. Bawal raw na i-send ang original photo nito nang nag-request ako sa tunay niyang mukha. Ngunit siya ay 17 years old pa before at 16 pa ako no'n. I asked him also if what is his real name but he refused to tell me. So ayon, chat-chat lang talaga kami. Nagbo-voice clip rin ito na agad ko namang tinutugunan. Bawal rin daw ang pagsi-send ng real voice pero pinilit ko siya, sinabi kong wala namang makakaalam kung hindi nito ipagsabi. Mabait siya, maalaga, maalalahanin at palabiro. Hinihingi niya phone number ko pero hindi ko binigay sapagkat takot akong tumawag siya at baka mahuli pa ako nina Mama at Papa.
At nasa Cebu pa kami no'n nakatira nang makilala ko siya.
Naging malapit kami sa isa't isa, nasanay na ako at hindi maiwasang mahulog na nga dito even though, I just only met him online, hanggang lumipas ang dalawang buwan at umamin si Drex. Mahal na niya raw ako.
Ilang buwan pa ang lumipas at para na ngang kami, oo, parang kami dahil walang kami at hindi naging kami. Hindi niya ako niligawan nor asking me once.
May mga oras na hindi siya nakapag-reply and he become cold to me. I don't know why but I think he didn't found my worth. Sometimes, matagal siyang nagri-reply at minsan mas nakipagkulitan pa siya sa comment section over me.
"Nagseselos na ako minsan pero ano ang magagawa ng nararamdaman ko? Still I don't have any rights because we don't have us," mahinang bulong ko habang nakahiga sa aking kama at tutok na tutok sa kanyang pangalan na nasa screen ng aking telepono.
Ilang buwan pa ang lumipas at palaging ganoon ang set up. Hindi ko na maramdamang andiyan pa siya.
"Gusto ko nang sukuan ka pero nanatili pa rin akong positibo na baka isang araw ay magiging akin ka na. Mananatili ako hangga't kaya ko pa kahit nakakatanga na," dagdag ko pa at malalim na bumuntong hininga."Label is very important than confirming your both feelings. Yes, you have a mutual understanding but has no label, it will just still ended up of nothing." Haisst, bakit ba ako hugot nang hugot dito?
BINABASA MO ANG
HUWAG KANG LILINGON
HorrorIsang pamamahay ang nababalot ng kababalagahan na siyang konektado sa padre de pamilya ng mga naninirahan dito. Isang hindi pangkaraniwang nilalang ang nagpaparamdam sa mga anak ng mag-asawang Felix Castallano at Martha Castallano na sina Raoen Cast...