Sept 20: The Reality

3 0 0
                                    

Dear K,

Heto na yung araw na babalik na kami sa Manila. Kailangan ko nang magpaalam kahit ayaw ko pa. Kagabi habang pabalik ako ng hotel, niiyak pa din ako at nang nasa tapat na ko ng pinto ng room ng kaibigan ko, nasabi ko na lang.. "Pwede na ba akong umiyak?". Sobrang sakit talaga saken ang makita kang muli at magdamag lang akong umiyak. Namamaga ang mga mata ko habang papunta kami sa Homda bay, natutulala na lang. Di ko napapansin ang layo na pala ng naabot ko habang naglalakad sa palayo sa dagat. Tinawag ako ng kaibigan ko na wag daw ako lumayo at malalim na daw. Ayaw ko pa maniwala nung una pero lumapit sya, pinasuot saken yung goggles, at tumingin sa ilalim ng dagat. Nakakatakot, sobrang malalim na nga, isang hakbang ko na lang, mahuhulog na ko sa parang bangin sa ilalim ng dagat. Nawala na naman ako sa sarili, ayoko na maulit ang nangyari noon. Ayoko na, natatakot na ko sa pwedeng mangyari pa sa akin. Baka di ko na kayanin. I cant handle this kind of pain anymore, I really cant. It was so hard. Pero kailangan kong maghold on, di dapat ako magpatalo. And I am so thankful sa bago kong kaibigan na si Archie kasi minulat nya ko sa mga mangyayari kung sakaling pinagpatuloy ko ang paglalakad sa dagat. Oo di ko alam, di ko nakikita ang pwedeng mangyari, pero sya nakita nya na mahuhulog ako at masasaktan.

Di ko alam ang pakiramdam ko nuon, natatakot ako na di ko maintindihan. Gusto kong umiyak, sumigaw, pero ang OA eh. Walang makakaintindi saken, ang alam ko lang mahal pa rin kita at sobrang nasaktan ako.Sobrang nasaktan ako nang makita ka at maramdamang wala na talaga akong halaga sayo. Nung iwan mo ko sa taas. Sobrang sakit at aalis na ko na di rin tayo nagkaayos. Kailangan ko na talaga tanggapin na wala na at may iba na.na di na ako. .Susubukan ko at gagawin ko ang dapat at kailangan kong gawin para makalimutan ang lahat at kumilos na ng dapat kong gawin. Ang hirap K, sobra. Di ko akalaing mangyayari to. I have to face it, the reality. Alone. Bye Palawan, bye K.

Love letter of a Broken Hearted GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant