Chapter 17

11 3 0
                                    

"Ang agang tumatanggap ng manliligaw ng anak mo. Sinabi ko na lang na kamag anak mo 'yon."

Iyon ang mga salitang bumungad sa akin paggising ko. Sinabi na ni Mama kay Papa ang pangyayari kahapon.

Gusto kong tanungin si Tita Elly tungkol dito. Ayaw kasi ni Billy na manigurado, kaagad na lang siyang bumitaw. Alam kong nabigla siya pero I didn't mean that. Tama si Martha, mas magiging masakit lang kung papatagalin ko pa.

Ang sakit gumising na walang chat ni Billy. Napanaginipan ko siya kagabi, akala ko totoong ipaglalaban niya talaga ako. Kaagad ko pa naman kinuha ang phone ko kanina dahil akala ko.. Akala ko paggising ko okay na, pero hindi. Gumising ako na may bigat na nararamdaman. Minu-minuto akong umiiyak bawat naaalala ko siya.

He was never mine pero ang laking parte sa buhay ko ang nawala nang hindi na kami mag usap. Naisip ko rin na sana, sana hindi ko na muna siya ipinakilala.

Alam kong pati dito sa bahay ay may problema dahil nga may dumating na manliligaw ko. Masyadong magulo si Mama para paniwalaan ko. Akala ko ayos lang sa kanya.

Ayokong tanggapin na bukas makalawa, sa susunod na linggo o buwan, sa iba na ipinaparamdam ni Billy ang pagmamahal niya at hindi na sa akin.

"Umiiyak ba, Elle? Bakit namamaga ang mga mata mo?" Kaagad akong yumuko at umiwas ng tingin kay Mama nang bumangon ako. "Hindi." I wanted to tell her na yes, I am crying. No one could take away this pain in my heart! No one.. Pero itinanggi ko na lang dahil hindi niya naman alam na mahal ko si Billy.

I seated on the sofa while looking at our Billy's pictures. "My love, ba't ang bilis mong sumuko? Love, promise me huwag ka munang hahanap ng iba, ah? I am so afraid na makita kang masaya na sa iba. Let me be happy before you find someone else. I trust you, love, I know you won't do that." Bulong ko. I wiped my tears nang makita kong papalapit si Mama. I also turned off my phone dahil baka makita niya na si Billy ang iniiyakan ko.

"Umiiyak ka nga! Iniiyakan mo ba si Billy, Adrielle!?" Galit na tanong sa akin ni Mama. "Hindi ah." Tanggi ko. "Oh anong iniiyak iyak mo dyan?" Gusto kong sabihin sa kanya na bawiin niya ang mga sinabi niyang kamag anak ko siya. Gusto kong ibalik niya si Billy. "Paano kase, isinumbong mo ako kay Papa." Gumawa na lang ako ng dahilan ko. Bahala na kung paniniwalaan niya ako.

"I am so sorry, anak. Kung sinabi ko sa Papa mo, ha? Ayokong maging unfair dahil pareho mo kaming magulang. Hindi pwedeng ako lang ang may alam. I hope you understand." Paliwanag ni Mama habang kumakain siya. Hindi niya ako mapilit na kumain, wala akong nararamdaman na gutom.

I am crying in front of my Mom. I can't stop my self sa kakaiyak. "Ma, pacheck up mo na ulit 'yung paa ko. Okay lang sa akin kung maooperahan ako." Gusto kong masaktan lalo. Gusto kong abusuhin ang katawan ko hanggang sa maging manhid na ako.

I also want to feel na mahal ako ng mga magulang ko. 'Yun na lang ang naiisip kong paraan para maramdaman kong mahal nila ako. Gusto kong alagaan ulit nila ako, tulad no'ng injured ako.

"Ate, nakita ko si Kuya Billy kanina. Sabi niya kahit daw ganyan ang nangyari sa inyo, maging masaya ka pa rin daw." Sabi ni Jazelle sa akin. Pumunta muna ako sa kanila para may makausap man lang ako sa personal. "Ang dali niyang sabihin na maging masaya ka. Bakit siya ba, tanggap na niya? Is he already happy?" Dagdag pa niya habang nakasandal ako sa balikat niya.

I don't know kung kailan ulit ako gigising nang masaya. Lumilipas ang mga araw na akala ko unti unting maghihilom ang sugat sa puso ko pero, lalong lang lumala.

Ginawa lahat ni Billy ang lahat ng mga kinakatakutan kong mangyari. Kung anong saya na ipinaramdam ni Billy sa akin noon, gano'n naman kasakit ngayon. Hindi na siya 'yung minahal ko. Dinagdagan niya ang mga sakit na nararamdaman ko. Muntik na akong patayin ng kalungkutan ko.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon