Hanggang sa nagdaan ang araw, linggo, at buwan na hindi na kami nagkikita ni Jameson. I'm already a second year college student. At habang mas tumatagal, mas dumadami na ang mga responsibilidad at obligasyon ko hindi lang bilang estudyante.
I can say that life is hard. But I don't need someone to succeed in life. Kaya ko naman mag-isa.
Wala pa talaga akong balak na magkaro'n ng partner. Hindi ko na muna iniisip ang mga tungkol doon. Hindi pa 'ko nakakamove on ng buong buo kay Jameson, pero unti-unti na akong nakakabangon. And I have this special friend of mine, Liam.
Simula nang maghiwalay kami ni Jameson, he's always with me. He's always there to listen to me. At my problems, at my rants, lahat. Pero magkaibigan lang kami, yun lang 'yon, walang ibang meaning.
Sa kan'ya na rin ako sumasabay tuwing papasok at uuwi galing ng University. Siya ang nakakasabay ko every breaktime, minsan naman gumagala kaming dalawa.
Wala pa akong balak na magjowa, kaya 'wag niyong isipin na may iba pa akong intensyon kay Liam. Pero, hindi naman maitatanggi na may magagandang katangian din 'tong si Liam.
Heto na naman tayo sa mga gwapong mapanaket naman. Wala akong balak na mahulog sa taong 'to. Pero, masasabi ko na masaya siyang kasama at kausap. He has a great sense of humor, pero sadyang corny lang talaga minsan.
Pwede mo siyang maging... Maging lahat. Tagapagtanggol ? Tutor sa accounting ? Food buddies ? Gala buddies ? Kasama manood ng movie ? Kasama mangarap sa mga fictional characters ? Sa'n ka pa ?
"kumain ka na, kanina ka pa tulala." pagtawag niya sa'kin. Inilapit ko na ang pinaglalagyan ng pagkain ko sa'kin, saka ako nagsimulang kumain. Maya-maya ay inabutan niya ako ng maiinom.
Sabay kaming bumalik ng classroom matapos naming kumain. Hindi ko na talaga nakita pa ni anino manlang ni Jameson. Wala na akong naririnig na kahit anong tungkol sa kan'ya. Pero mas mabuti na 'yon, para naman mas madali akong makalimot.
Matapos ang klase ay lumabas kami ni Liam, kumain kami sa favorite spot naming dalawa. Nakapunta na rin kami dito ni Jameson noon. Inilibre ako ni Liam ng paborito kong street foods. Pati palamig libre niya.
Umupo muna kami sa isang upuan sa lilim ng puno. "musta pagmu move on ?" he stared at me. I sighed heavily. "heto, unti-unti naman nang nakakabangon, hahahaha" I answered honestly. Tumango-tango lang siya sa'kin.
"Can I ask you a question ?" "nagtatanong ka na." pambabara ko sa kan'ya. He laughed at me. "what's your question?" I asked curiously. "what if..." I stared at him for a second. "what if bumalik si Jameson ? And he'll tell you that he's still inlove with you ? Na pagkakamali yung pagpili niya kay Xyra over you ? Anong gagawin mo ?"
'Napaisip ako sa tanong niyang 'yon. Well, first of all, sasabihin ko na ang tanga tanga niya. Na ang bobo bobo nya paksyet sya'
"wala." I answered. He looked so confused. "what do you mean by wala ?" I sighed, "wala akong gagawin. Kahit na bigyan niya pa ako ng milyon milyon na rason para balikan siya, hinding hindi ko gagawin 'yon. Naging tanga na 'ko isang beses, ayaw ko nang magpakatanga na naman." "pa'no kung may valid reason naman siya para-"
"wala akong pake sa dahilan niya. Walang magbabago. Nasaktan niya na 'ko, kaya kahit ano pang dahilan ang meron siya, it'll never change the fact that he left me broken, dahil lang sa binalikan niya ang kung sinuman ang nanakit sa kan'ya in the first place. Buti nga kaya niya 'yon e, pero hinding hindi ko gagayahin yung katangahang ginawa niya. I'll never go back to those person who already caused a harm to me. At si Jameson 'yon."
Napanganga si Liam, saka dahan-dahang pumalakpak. Parang sira. Kumagat na ko sa isaw na hawak ko. Ano ba naman kasing tanong yun e, lumamig na tuloy yung kinakain ko.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Dla nastolatkówChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...