CHAPTER 4

283 19 0
                                    

Araw ng Linggo.

Tirik na tirik ang kabilugan ng buwan.

Malamig at umaambon nung gabi iyon.

Naglalakad ang mag amang sina Mang Jose at noon 17 taon gulang na binatilyong si John papauwi sa kanilang bahay sa bayan ng San Allegre.

Papalapit na ang Pasko dahilan kung kaya masaya ang mga tao.

Inuman dito at inuman roon yan nangyayari dahil kasabay din ay linggo ng Fiesta sa probinsya.

"Tay kailan po tayo pupunta kala lolo at lola sa San Allegre, kasi kailangan ko makipagkita kay Erika bago tayo magbakasyon."
tanong ng anak sa kanyang tatay na medyo lasing dahil galing inuman.

"2 araw bago mag pasko para matagal tagal naman ang bakasyon natin sa lola mo tiyak magiging maligaya mga iyon".

Nag iisang anak ni Jose at Tessie si John.

Tinatawag siyang miracle baby dahil mahigit 40 years old na nang naibuntis siya ng kanyang ina.

Kaya ganun siya ituring na biyaya ng mag asawa.

Nasa parte na sila ng daan na naghahati sa dalawang baryo ng San Pascual at baryo ng San Allegre na dalawa sa pinaka matao sa probinsya ng San Allegre.

Nang sa bandang kalayuan may nakita silang tatlong anino papasalubong sa kanila.

Medyo kinutuban si Mang Jose na meron panganib kahit normal naman na madaming naglalakad sa tanging kalsada nag patungong sa Baryo ng San Pascual.

Biglang huminto ang tatlong anino, at nagsalita ang taong nasa gitna na animo'y siya ang lider sa tatlo.

"Magandang gabi Mang Jose pwede ka ba namin makausap".

Biglang nag isip si Mang Jose kung kilala niya ang tatlong nakasalubong dahil tanging mga kasamahan lang niya sa simbahan ang kilala niya sa baryong iyon at lahat sila ay kasama niya na makipag inuman."

"Sino ba kayo? alanging oras na at dito pa tayo sa kalsada mag uusap".

Sumagot ang lalaki
"Isang kaibigan"
biglang lumapit ang lalaking nasa gitna at nasinagan siya ng ilaw galing sa buwan.

Isang may edad na lalake, mahaba ang buhok na naka puson sa likod at balbas na may halung puti.

Biglang hinawakan ni Mang Jose ang anak na si John.
"Anak mauna ka na sa bahay at mahaba ang pag uusapan namin mag init ka na din ng tubig at mag kakape ako pag uwi".

"Ah sige itay mauna na ko". Walang atubaling naglakad na si John sa direction papuntang baryo kung saan sya nakatira

Nung madaan ni John ang tatlong lalaki e biglang may naamoy siyang malansang amoy.

Tila nanggagaling ito sa tatlong nakasalubong na lalaki.

Tinignan ni John ang lalaki nasa gitna dahil sa taglay na laki neto at gumanti din ito ng tingin.

Wala naman pumasok sa kanyang isipan nung panahon na yon dahil madalas ay may kumakausap sa kanyang tatay na si Mang Jose sa kadahilanan na deacon ito sa pinaka malaking simbahan sa siyudad.

Nasanay na siya sa mga ganitong pangyayari.

Nung medyo nakakalayo na siya ay di maiwasan lingunin ni John ang tatay at nagtataka siya na di nagbabago ng pwesto ang apat.

Wari'y nag uusap sila na magkakalayo.

Nagpatuloy na lang si John sa paglalakad.

Di nagtagal biglang naalala niya na wala na pala silang asukal.

Dahil siya ang huling nag timpla ng kape bago sila umalis papuntang baryo ng San Pascual.

Malayo na un nalakad ni John kaya naisipan neto na tumakbo na lang babalik sa kanyang itay at sakaling maabutan pa niya ito at humingi nang pambili ng asukal sa tindahan na madadaan pauwi.

Nang malapit na sila sa lugar kung saan iniwanan niya si Mang Jose ay wala na ito rito maging ang tatlong lalaki nakasalubong.

Nagmasid masid ito sa paligid dahil sigurado siya di pa nalalalayo ang mga ito.

Nang may naririnig siyang parang boses nang tatay niyang nahihirapan dun banda sa may damuhan sa gilid ng kalsada di kalayuan sa kinatatayuan.

Dahan dahan siya naglakad dahil maputik ang lupa dinadaan at baka madulas siya.

Nang masilayang niya ang tatay nila na nakaluhod sa lupa at hawak hawak ng isa sa tatlong lalaking nakasalubong.

Nanigas ang buong katawan ni John sa nakita.

Gusto niyang sumigaw baka sakaling huminto at tumakbo palayo ang mga estranghero ngunit alam niya ay pati siya ay mapapahamak sa balak gawin.

Dahil nasa magubat na parte na sila ng baryo kasabay pa neto na dis-oras na ng gabi at wala sasaklolo sa kanila kung sumigaw man siya.

"SINO! SINO ANG NAG TRAYDOR SAKIN" galit na galit na sinabi ng lalaking mahaba ang buhok.

Habang sinusubukan makawala sa pagkakahawak sa isang kasama.

"Di ko alam ang sinasabi mo" tila nahihirapan huminga si Mang Jose pero pinilit pa din ng matanda magsalita.

"Nagkamali ka ng nahuling tao, Wala akong alam sa sinasabi mo."
Biglang sinuntok ng lalaki si Mang Jose, Dun nakaramdam si John ng pag alala sa ama.

"Di mo ba ako kilala tanda ako si Jamie"
biglang nilapit ni lalaki ang bigbig sa tenga ni Mang Jose para marinig neto ang sasabi niya

"Jamie Racman ang lider ng mga Aswang".

Biglang tumawa ang dalawang kasama ni Jamie Racman at hinawakan ang ulo ni Mang Jose sa direksiyon ni Jamie Racman.
Lumayo bahagya ang Lider ng grupo animo'y gusto niya makita ng biktima ang kanyang pag babagong anyo.

Tumingala at tinignan ni Jamie ang buwan.

Huminga ito ng malalim at sumigaw

"AAAAAAAHHHHHHHH!"

Dahan dahan tinutubuan ng maitim na balahibo sa braso.

Ibinuka ni Jamie ang kanyang bunganga kasi papalabas na ang kanyang malalaking pangil.

Pag tingin niya sa kawawang biktima completo na ang pag papalit anyo ni Jamie Racman.

at sa mga mata neto pinaka natakot si Mang jose dahil ito'y ay pulang pula animo napalitan ng dugo ang  puting parte ng mata.

"Sino kayo, mga kampon kayo ng Demonyo" takot na takot na sinabi ni Mang Jose.

Nagsitawanan naman ang dalawang kasama ni Jamie Racman sa sinabi ng kawawang matanda.

"Bitawan mo na siya Roman."
Inutusan ng pinuno ng Aswang na pakawalan si Mang Jose sa pagkakahawak dahil wala nang saysay kung tumakas man ito.

Naging istatwa ang anak ni Mang Jose si John.

Gusto na sana niyang tumakbong babalik sa kanilang bahay pero hindi siya makaalis sa pinag tataguan dahil sa takot.

"AHHHHOOOOOOOOO"

parang asong umungol si Jamie Racman at lumapit kay Mang Jose gamit ang kamay at paa.

Nakalabas ang mga ngipin neto at sa isang iglap kinitil na ni Jamie Racman ang buhay ng kawawang si Mang Jose.

Huling narinig ni John ang pag sigaw ng kanyang tatay bago mawalan ng malay ang bata sa kanyang nakita.

-------------------------------------------------------------------------------------------------
I Hope you enjoy my story
"Please leave/click the star"
and follow me
THANK YOU
STORY STILL ON GOING

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon