chapter 24

2.7K 62 2
                                    

CHAPTER 24

*Ice's Pov*

Nahihirapan na ako. Isang linggo na akong di pinapansin at kinakausap ni Sunget after what happen. Di ko kaya ang ganung set up.. Kasi naman.. Namimiss ko na talaga sya. Namiss ko ng kulitin sya saka yung pagsusunget nya sa akin, pero di katulad ng ngayon. Tch.

Alam kong mabigat ang kasalanan ko sa kanya pero ang unfair naman nya na di pakinggan ang mga paliwanag ko! Di ba? Nagsisisi na naman ako sa ginawa ko eh.. Kung alam ko lang na mangyayari eto, never ko naman 'tong gagawin eh. 

Ano bang gagawin ko para mapatawad nya ako? Tss. Ah! Basta, gagawin ko ang lahat mapatawad lang nya ako. Kung kinakelangang tumakbo ako ng nakahubad sa ground tulad nung mga students ng UP, gagawin ko pero kung gusto lang naman nya yun eh na ipakita ang malaHULK kong katawan sa ibang babae.. Pero ako, ayaw ko.. Sa kanya lang naman ito eh! Sana lang eh madamot sya.

" Louiice.. " Napalingon ako sa nagsambit ng buo kong pangalan. Sounds like 'Luis' din yun. Mama kasi, maarte! Para unique daw ang spelling.. Bibihira ko lang ginagamit yan. Mas gusto ko kasi 'Ice'. Ang cool kasi. At tanging si Hilary lang ang bumabanggit nun kapag nasa university ako o di kaya 'Baby boy' ang minsang tawag nya sa akin. Ewan, di ko alam kung bakit. Now ko lang nga narealize na medyo masyadong pangbata ang tawag na yun eh. Wala naman kasi akong pakialam dati sa mga tinatawag nya, kaya ngayon ko lang napansin. Hmmmm..  Siguro dahil meron ng ibang dahilan kaya ganun. I mean, may iba na sa aming dalawa.. May SUNGET na sa buhay ko at di na sya ang mahal ko..

" Hilary! Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko naman sa kanya. Oo nga pala, sa sobrang pagkabusy ko kay Sunget. Bibihira ko na makita at makausap etong bestfriend ko.. Di pala bibihira, kundi hindi na halos pala.

" Maybe, i am the one who should asked that. Anong ginagawa mo dito sa veranda ng opisina ng dean? Off limits ang mga estudyante dito.. Saka di mo ata kasama ang gf mo ngayon? " Di ko alam kung mali ang nararamdaman ko pero parang may bitterness sa tono ng pananalita nya. Napailing nalang ako. Bat ko naman naisip yun? Tsk. Kung ano ano na ang naiisip ko..

" Nagpapahangin lang.. Masyadong mainit kasi ang atmosphere ngayon saka wala naman akong nakikitang masama na dito muna ako eh. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? "

Sumandal sya sa railings ng veranda, " sabagay, wala naman talagang masama kasi paaralan nyo naman pala 'to. Nawala lang sa isip ko.. Hmm? Ako? May pinahatid lang si Ms. Cruz na mga papeles para sa mga scholar dito sa office ng dean tapos nakita kita. " Ah! Nakalimutan kong sabihin, alam pala ni Hilary about sa Westbridge. Bestfriend nga di ba?

" Ah i see. Nagalit kasi sa akin si Sunget kaya di kami magkasama ngayon.. Iniiwasan nya ako at di kinakausap. Minabuti ko na lang na dito muna ako manatili para makapag-isip ng mga gagawin para mapatawad nya ako.. "

" Anong dahilan at di ka nya pinapansin, Louiice? Ano ang kasalanan mo sa kanya? "

" Pinagpustahan namin ang kaibigan nya kaya galit na galit sya sa akin.. "

" Hmm, kasalanan mo din pala eh. Alam mo, mapapatawad ka din nya kung talagang mahal ka nya kaso it takes time. At kung gagawin mo ang lahat para maibalik nya ang tiwala nya sayo.. Mahirap mabalik ang trust. You should earn it.  "

" I know, Hil. Ginagawa ko na nga eh kaso di nya talaga ako pinapakinggan.. "

" Ipakita mo lang na nagsisisi ka na sa nagawa mo at talagang mahal mo sya.. Kalaunan, marerealize din nya yan at mapapatawad ka na nya. "

" Salamat ha? Salamat kasi nandyan ka pa rin sa akin kahit may pagkukulang din ako sayo.. " Niyakap ko sya. " Salamat Bestfriend! Di ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat sa mga sinabi mo.. Parang nabuhayan ako ng loob. " Habang yakap ko sya napatingin ako sa baba at i gasped nang makita ko ang taong pinag-uusapan namin. Nagkatitigan kami tapos sya din unang bumawi ng tingin at naglakad palayo.

Ano kaya ang iniisip nya sa nakita nya? " Sige, Hil. Mauna na ako.. Salamat talaga ha.. " Hinawakan ko sya sa balikat.

" Wala yun. Bestfriend mo ako eh. Syempre gagawin ko ang lahat para sayo.. Ganyan naman ang magkakaibigan di ba? Nagdadamayan.. " Tinap ko na sya at madali akong lumabas ng dean's office. Tinakbo ko na ang pagbaba sa hagdan para habulin si Sunget.

Nang marating ko ang lugar kung saan ko nakita si Sunget. Wala na sya dun. Di ko na sya naabutan. Napabuga nalang ako ng hangin at huminga ng malalim.

Gustong gusto ko na talaga syang makausap. Mayakap at mahalikan. Wag mag-isip ng masama ha. Syota ko eh. Masama ba yun?  Di pa naman kami nagbribreak kaya kami pa rin naman di ba? Napangiti nalang ako. May pag-asa pa talaga ako! Kung di sya madaan sa santong dasalan, idadaan ko sya sa santong paspasan! Haha. Joke lang! BASTA! I never give up on her!

Ang bilis naman maglakad ng babaeng yun. Saan na kaya sya nagpunta? Baka galit na naman sya sa kanyang nakita..

Namimiss nya kaya ako tulad ng nararamdaman ko? Gusto din ba nya akong makausap tulad ng gusto ko?

O galit pa rin sya sa akin hanggang ngayon? Wew. Sira ko talaga! Natural hanggang ngayon, galit pa rin yun sa akin matapos ng ginawa namin sa kaibigan nya.. Di naman madaling kalimutan at patawarin lang ang mga nagawa namin nang basta basta eh.. nang ganun ganun lang.

Babalik na sana ako sa loob ng building para magtungo sa next na subject ko nang makasalubong ko si Aaron. Madungis na Aaron. Eto ba talaga ang ex ni Sunget? Di naman talaga kaguwapuhan eh lalo na ngayon.. Parang dalawang linggong di nakaligo.. Tsk. Tsk. Pipili na rin ng magiging syota, eto pang Aaron na to. Okey! Bitter na kung bitter. Alangan namang sour di ba o spicy e bitter naman talaga! Tch.

Lalagpasan ko sana sya kaso nagsalita ang mokong kaya napatigil ako. " Kamusta? Kamusta ang iniwan at iniiwasan ng gf? Ang bilis ng karma noh? " Biglang kumulo ang dugo ko sa mga pinagsasabi nya, tarantado to ah! Ngitian pa ako ng nakakaloko! Kwenelyuhan ko sya at galit na tinitigan. Di talaga nakakatuwa!

" Yabang mo ah! Nong problema mo, Aaron! " Inalis nya ang kamay ko sa kwelyo nya at pinagpag yun. Nag-smirk pa sa akin! Wala namang dumi ang mga kamay ko para gawin nya yun.. Nakakainsulto na talaga 'tong lalaki na eto! Grr. Pag naubos na ang pasensya ko baka lalo kong dumihan ang mukha nya sa mga pinagsasabi nya at pinaggagawa! Pero dahil mabait ako, di ko na sya papatulan!

" Wala! Wala namang problema eh.. Kasi naayos na ang problema. Alam na ni Lourenz ang totoo kaya wala ng problema.. Wala ng umaaligid aligid sa kanya ngayon.. "

" Anong.. ! Nak ng! "

" Alam ko, nagtataka ka kung paano nya nalaman ang totoo.. Simple lang.. Narinig ko at nakita ko mismo mula kay Enzo ang tungkol sa pustahan. Agad ko yun sinabi sa kanya. Ikaw kasi.. Ang bagal mo! Haha. Kaya ayun naunahan kita.. "

" Gago ka pala eh! Nangingialam ka pa eh ex ka na lang nya ngayon! " Sinuntok ko sya sa panga. Mas malakas sa nangyari sa bar. Sa pagkakasuntok ko, napaupo sya sa damuhan.

" Nakakatawa ka talaga.. Sa akin mo binubuntot ang galit mo? Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko.. Sinabi ko lang naman ang totoo sa kanya. Kung nagagalit ka sa akin dahil dun, di ko na problema yun. Pwe! " Sarap bugbugin. At dikdikin ang mukha!

Wala namang mangyayari kung papatulan ko pa sya kaya umalis na ako dun. Tama rin naman sya kaso nakakainsulto na at nakakasakit ng ego ang ginawa nya. Ex pala talaga ni Sunget ang nagsabi nun sa kanya. Sya pa talaga ang nakaalam ng totoo sa dami ng tao dito sa mundo! Hay! Bwiset. Ginulo ko nalang buhok kp sa frustration.

Kahit kelan talaga, ang eepal ng mga ex! Tama ba? Wala kasi silang ginagawa kundi mambuwesit ng mga relasyon ng kanilang naging syota. Di makaget over!

I sighed.

** 

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon