Magandang Dilag :D [PART ONE]

3.5K 126 99
                                    

First story na in-upload ko sa Wattpad. XD

SORRY sa mga bad words na mababasa nyo sa istoryang ito. :)

wala po akong alam sa DOTA kaya kung may napansin man kayong mali, SORRY po. :''>

2 parts po pala ito. :))

-------------------------------------------------------------

CHUCK’S P.O.V.

Nasa Computer Shop ako ngayon at kasalukuyang naglalaro ng DOTA nang biglang may napansin akong isang magandang dilag.

Tangna.

Magandang dilag daw, pre? XD

Di, maganda naman talaga siya. :))

Kung titingnan mo siya, masasabi mong matalino siya dahil sa seryosong mukha nito na halos magkadikit na ang mukha nito sa screen ng computer.

Halatang nagre-research ito.

Masilip nga.

Wa-wa—teka. Teka. Di ko mabasa.

Watt--wattpaaa—wattpad.

Wattpad?

Saang subject naman kaya yan mahahanap?

Grabe. Talino.

Concentrate na concentrate sa pagbabasa e.

Bihira lang pumupunta ang mga babae sa computer shop na’to.

Karamihan kasi na pumupunta dito ay mga lalaki.

Isang magandang regalo ata ‘to ni God at talagang nakatabi ko pa ang magandang dilag na tinutukoy ko.

At dahil epal ako, magpapapansin ako.

Kaya naman naisipan kong makipagsabayang sumigaw sa mga DOTA Players para istorbohin ito. XD

Pagkatapos, lilingon sya saken sabay sabing..

“kuya, ang guwapo mo! Penge naman ako ng number mo!” :’))

Syempre, magrerespond ako.  XD

“Thank you, miss.” :))

Syempre,  ibibigay ko ang number ko. Liligawan nya ako. Yayayain nya akong makipagdate.  sa una, magpapakipot muna ako  pero sa huli, papayag din ako. Ihahatid nya ako papuntang bahay hanggang sa maging mag-syota na kami.

Oh diba?

Ang galing talaga ng imagination ko. XD

Kung pwede lang pakasalan e. haha.

“niiiiiiiice! WOOOOOOO! Triple kiiiiiiiill!” sigaw ko.

Tiningnan ko yong katabi ko pero concentrate pa rin ito sa pagbabasa.

Kelangan ko pa sigurong laksan ng kunti.

“boooooo! Weeeeeeeak! Di mo ‘ko matataloooooo!” sigaw ko ulit with matching hampas-hampas pa ng keyboard.

Tiningnan ko sya ulit pero katulad kanina, no reaction pa rin.

Last na talaga ‘to.

“tangnaaaaaaaaaaa! Ang weak moooooooooooooo!” ito na talaga yong pinakamalakas na sigaw ko.

Kumbaga sa volume, maximum na.

Feeling ko, matatanggalan ako ng pharynx, larynx, at trachea  dahil sa lakas ng sigaw ko.

Ako na ang O.A. XDD

Sorry naman. Haha.

Tiningnan ko sya ulit pero talagang wala syang pakialam.

Nang Dahil Sa DOTA :D [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon