I don't know, but suddenly a happy thought came into my mind. I looked at Chandria, then I asked her a question. "naisip ko lang..." panimula ko. "pa'no pag-ikakasal na tayo, what would be your wedding vow ?" napatitig siya sa tanong ko na 'yon.
"bawal mo muna malaman 'yon, saka na, syempre." she answered.
-----
"pre, pili ka nga dito." tanong ko kay Larence. Ang pa-pogi expert sa barkada namin. Tinitigan niya muna saglit yung dalawang suit na hawak ko. Isang puti, at isang itim. Palipat lipat ang tingin niya sa dalawang suit na hawak ko. "yung puti, pre."
"Ken, ano mas bagay sa'kin, itong pakanan, o pakaliwa, o nakapalikod ?" pagtatanong ko naman kung anong bagay ng hawi sa buhok ko. Lumapit siya sa'kin at siya ang nag-ayos ng buhok ko. "perpekto !" tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang gwapo ko, syet.
"pre, anong bagay ?" tanong ko naman kay Terrence, habang hawak ko ang isang kulay brown leather shoes at isang kulay black. "brown" turo niya sa kanang kamay ko na hawak ang kulay na 'yon.
Kinakabahan ako na hindi ko alam. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang saya at excitement. "pre tara na !" tiningnan kong muli ang itsura ko sa harap ng salamin, bago ako sumunod kanila Ethan sa sasakyan.
Nasasabik ako na makita ang mapapangasawa ko. Hindi ko alam kung anong magiging itsura niya pero sigurado akong maganda siya. Syempre mapapangasawa ko 'yon e.
Nauna kami sa simbahan, dahil siyempre, ako ang groom. "ayan na ba yung kabado ?" pang-aasar ni Joaquinn. "hindi ba halata ? Ha ?" tinawanan niya lang ako. "'wag kang kabado pre, baka mautal ka sa speech mo mamaya" saka niya ko ulit tinawanan. "goodluck pre."
Pinanood kong unti-unting dumadami ang mga inimbita namin ni Chandria para sa kasal namin. Kinausap ko muna ang mga kabarkada ko. Sino ba namang mag-aakala na dito rin pala kami hahantong ni Chandria ?
Pareho na kaming successful. 5 years narin ang nakalipas mula nang makapasa kami sa mga boards at makahanap ng sariling mga trabaho. Napagplanuhan narin naming dalawa ang itsura ng magiging bahay naming dalawa, at kung ilan ang magiging anak namin pagkatapos ng kasalang 'to. Nakakatuwa.
Parang noon lang, magkasama lang kaming kumain sa tabi-tabi. Magkasamang gumawa ng homeworks at projects. Hanggang sa sabay na nagtake ng boards, sabay na nangarap, at sabay na naabot ang mga 'yon.
Sino bang mag-aakala na, ako yung makakatuluyan ng babae na noon lang ay broken-hearted pa sa matalik kong kaibigan ?
Chandria is one of a kind. Halos na sa kan'ya na ang lahat. Matalino, masipag, understanding, malambing, matampuhin nga lang minsan. I also can't deny that she's really cute. Lalo na pag tulog, hahaha.
"ilang anak ang gusto mo ?" tanong ko sa kan'ya. "uhmmm..." pumangalumbaba pa siya. "dalawa lang" she looked, then smiled at me. "bakit dalawa lang ?" "yun lang kaya ko e, hahahaha" inakbayan ko siya habang nakatingin kami sa mga tala na nasa kalangitan.
"I love you, Chandria." I whispered. "I love you too, Liam."
Hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng 'to. Ang babae na nagpapasaya sa'kin, ang babaeng nagpapawala ng inis at galit ko, ang babae na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang babaeng magiging asawa ko't magiging ina ng mga magiging anak ko, mga magiging anak namin.
Mas dumadami na ang tao na nasa loob ng simbahan. Nakahanda narin ang banda na tutugtog para sa kasal naming dalawa ni Chandria.
Hinihintay nalang namin na bumukas ang malaking pintuan na nasa harapan ko ngayon. Palipat-lipat na ang tingin ko sa relo ko at sa pintuan na nasa harap ko. Kinakabahan ako, pa'no kung hindi siya sumipot ? "'wag ka nga sabing kabahan, sisipot 'yon sa kasal niyo." biglang bulong sa'kin ni Joaquinn. Para niya namang nabasa ang laman ng isip ko.
Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Chandria. Sobrang saya ko dahil lahat sila ay suportado ang pagmamahalan naming dalawa.
Masaya rin ako dahil tanggap ako ng buong pamilya ni Chandria, at pinagkatiwalaan nila ako, lalong-lalo na pagdating sa kan'ya.
Maya-maya ay unti-unti nang bumukas ang pintuan ng simbahan. Si Chandria ang inaasahan ko na papasok doon. Pero isang lalaki na naka-civilian na mukha pang hingal na hingal ang dumating.
Lahat kaming nasa loob ay nagtataka kung bakit hindi si Chandria ang dumating. Tinakasan niya ba ang araw ng kasal naming dalawa ? Kinakabahan na ako.
"kuya naliligaw ka ba ?" tanong ni Den sa lalaking pumasok doon. "pasensya na ho sa abala, pero mayroon pong banggaan ng malaking truck at isang taxi na naglalaman ng pasaherong nakapangkasal. Ito lang ho ang simbahan na may kasalang nagaganap, baka po dito-" nilagpasan ko na ang lalaking iyon at dumeretso ako palabas ng simbahan.
Sinundan rin ako nila Ethan. Tinakbo ko ang kalsada hanggang sa may nakita akong kumpulan ng mga tao. Agad na akong lumapit papunta roon. Hindi ko na pinansin kung sinuman ang mabangga ko doon, kailangan kong mapuntahan kung anuman ang pinagkakaguluhan nila.
I was stunned.
Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung sino yung nasa loob ng taxi na 'yon.
'It was her.'
Ang babaeng sana'y sa araw na 'to, ko pakakasalan. Ang babaeng pinangarap ko na magiging ina ng magiging anak ko. Ang babaeng pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda. Ang babaeng pangangakuan ko ng pagmamahal na walang hangganan.
Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.
'Chandria...'
-----
Nasa hospital kaming mga kamag-anak niya. At bawal kaming papasukin dahil inooperahan siya ngayon. Nakatunganga kaming lahat sa tapat ng kwarto niya.
"pre, tubig." inabutan ako ni Ethan ng isang bote ng tubig. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko, saka ko tinanggap ang hawak niya.
"uhh, sir... Ito lang po yung gamit na nakita po namin na dala ho yata ng pasyente..." a nurse approached me, and handed me a folded paper.
Binuksan ko 'yon, saka binasa kung anuman ang nilalaman no'n.
'Dear Liam,
First of all, I wanted to say thank you for coming into my life. I wanted you to know that I'm so glad and grateful, that you came. You were the one that's always there for me, in my happiest days, and even in my worst and weakest days. You're always there when I needed a shoulder to cry on.
You're beside me in everything. whether in hardship or in ascension, even in my downfall, you are my partner. You stayed by my side even though I tried to drive you away every time we fought. You stayed by my side, despite our shortcomings and misunderstandings.
We dreamed together, we also fulfill those dreams together.
You have stayed until now. Here, in front of them all and in the eyes of our God. I have nothing more to ask for.
I promise that I will never get tired of understanding you, I will never get tired of loving you and making you feel how much you mean to me and how much I love you until my last breath.
I will never leave your side. I love you so much.'
Mas mahal kita, Chandria... Wala na akong ibang babae na higit pang mamahalin kaysa sa'yo.
**ALLYSZXC
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...