Spencer's POV
Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Raven. Unti-unti ko na nang naramdaman ang halaga niya. Nagugustuhan ko na rin siya.
Championship na namin ngayon. Halos isang linggo rin kaming nagpuspusan sa pagpractice kaya di ko na naasikaso si Raven. Pag umuuwi kasi ako. Kain tapos tulog na. Kinabukasan naman, gigising maliligo, kain, bihis at practice na naman. Minsan, umuuwi ako. Tulog na siya. Pero hinahatid ko naman siya at minsan sa uwian. Nagtataxi lang siya pero nagtetext siya kung nakauwi na siya.
"Captain puntahan ko lang asawa ko" paalam ko kay Captain. Nakapagbihis na kaming lahat at andito kami sa locker room.
"Just come back before the game start" sabi niya. Tumango ako at lumabas na.
Naglalakad ako patungo sa may business building nang matanaw ko siya sa malayu na may nakabungguan siyang isang babae.
Agad akong tumakbo ng mabilis patungo sa kanya.
"Hon," napatingin siya sa akin.
"You okey?" Tanong ko sa kanya at napatingin sa babae na nakabunggoan niya.
"Sorry po. Sorry po. Pasensya na po talaga" hinging tawad niya.
"Okey lang ako Spencer" sabi niya. Tinignan ko siya na nagtatanong pero tinanguhan lang niya ako at ngumiti. Hays.
"Oh anyari dito pre?" Napatingin ako kay Hilton at tumingin siya sa babae.
"Sorry po ulit. Di po kasi ako tumitingin sa daan eh." Hinging tawad niya ulit sa akin. Siniko ako ng mahina ni Raven.
"Nexttime maiingat ka para wala kang mabunggo" sabi ko. Tumango ang babae.
"Ayos lang naman ikaw Raven diba?" Tanong ni Hilton kay Raven.
"Oo naman. Tsaka di naman niya sinasadya yun eh. Hehe" ang bait talaga ng asawa ko na ito.
"Ayos lang naman si Raven pre. Wag nang makusot ang mukha mo ha" sabi ni Hilton sa akin.
"Tsk, tigil ka nga. Saan ka ba galing?" Tanong ko sa kanya.
"May kinuha lang ako sa kotse." Tumango ako sa kanya.
"Tara na magsisimula na ang game" sabi ko at hinila na siya.
"O miss, di ka manunuod ng game?" Tanong ni Hilton sa babae.
"Ah, mamaya"
"Punta ka nalang doon para may maupuan ka pa. Maraming tao ngayon" sabi ni Hilton at sumunod na sa amin. Tumigil si Raven.
"Samahan mo nalang ako. Mamaya ako lang mag isa eh" sabi ni Raven sa babae. Tumingin si Raven sa akin.
"Pwede lang naman diba?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa babae. Mapagkakatiwalaan ko ba ang babae na ito?
"Pumayag ka na lang pre. Mahuhuli tayu sa game eh" sinamaan ko ng tingin si Hilton.
"Sige na nga. Tara na" sabi ko at hinila na ulit si Raven.
"Tara na raw" sabi ni Hilton sa babae at muli na naglakad kasunod namin.
-------
Pagkarating namin sa malapitan sa gym ay huminto ako.
"What's your name?" Tanong ko sa babae.
"Keith" si Hilton ang sumagot.
"Ikaw ba tinanong ko?" Pagsusungit ko.
"Sumagot lang ako" katwiran niya. Mababatukan ko tong gago na ito eh.
"Keith Cortez po" sabi nung babae.
"I'm Spencer, she's my wife" sabi ko.
"Hi, Raven" nakangiting pakilala ni Raven sa babae. Nagngitian sila.
"Kilala po kita. Hi Raven" ngumiti siya kay Raven.
"Well, kung ganun. May game kami mamaya. Di ko mababantayan ang asawa ko. Can I trust you that you won't leave her side. And no another guys can come near her?"
"Spencer" siniko ako ni Raven.
"Nanigurado lang ako na walang aaligid sa iyo" sabi ko.
"Sabihin mo. Praning at seloso ka lang pre"
"Zip your mouth Hilton" he's acting naman na zinipper niya ang bibig niya.
"Kahit ngayon lang Keith. Di ka naman busy diba?" Tanong ko.
"Pumayag kana babae. Para makapaglaro yang kaibigan ko nang matiwasay" sabi ni Hilton sa babae. Akma ko naman siyang susuntukin ng dumistansya siya at ngumisi.
"Sige. Okey lang. Di ako busy" sabi niya.
"Yun naman pala. Tara na pre. Magsisimula na ang game" sabi ni Hilton at umakbay sa akin.
"Tara pasok na tayu" sabi ko at hinila siya na si Raven at napabitaw naman si Hilton sa pagkakaakbay niya sa akin.
------
"Kay Keith kalang sasama maliwanag ba. Maraming tao ngayon dito" sabi ko kay Raven.
"Psh, oo na." Sumimangot naman siya.
"Seat where I can see you" maawtoridad na sabi ko.
"Spencer ako na bahala kay Raven. Diyan lang kami sa taas sa pang apat na bench." sabi ni Keith .Tumango naman ako.
"Goodluck" sabi ni Raven. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Aishhh!!!" Reklamo ni Raven.
"Hoy babae wag kang lalayo uutusan pakita mamaya". Sabi ni Hilton doon sa babae. Si keith.
Nakangiti si Keith " Opo, Psh. Goodluck sa inyo Lions, halika na nga Raven. " hinilan na niya si Raven.
"Lets go first five" sabi ni Coach at pumalakpak pa. Simula na ng game.
YOU ARE READING
Husband & Wife, for real?
Любовные романыLions Series No. 2 : SPENCER HAWKINS [ Book 1 ]