51 2 0
                                    

Dear Crush,

Hello? kamusta ka naman? Hindi ka na nagpaparamdam. Well sino ba nga ba ako para bigyan mo ng pansin.

Naalala mo pa ba ako? ako si janelle yung babaeng patay na patay sayo alam mo gusto ko sana magconfess sayo ng nararamdaman ko ngunit natatakot ako. Magsimula muna tayo sa una.

Naalala ko pa nung una kitang makita nabighani mo na agad ako sa kisig ng muka mo. Simula niyon sinundan ko na bawat kilos mo. Sinubaybayan bawat galaw mo.

Alam mo tuwang tuwa ako ng inaccept mo ang friend request ko sayo sa facebook. Oo alam ko ang babaw non pero hindi ko mapigilang maging masaya ng dahil doon . Para sakin napakahalaga na non kasi feeling ko parang magkaibigan na tayo sa personal.

Naalala ko pa nung mga araw na lagi akong sumisilip sa ibaba ng building namin para lang makita ka. Nasa Fourth year highschool ka samantalang ako ay third year highschool. Kaya malabo na magkasalubong ang mga landas natin.

Alam mo ba nung unang beses kitang nakasalubong sa hallway ng building nyo grabe yong kilig na naramdaman ko. sabayan mo pa ng mga mapangasar na kaibigan ko na walang ginawa kundi sabihin sayo ang nararamdaman ko.

Naalala mo pa ba nung unang beses kitang ichinat sa facebook? grabe kung alam mo lang yung saya at hiya na pareho kung nararamdaman sa orad na yun. Pero hindi ko inaasahan na sa simpleng hi ko sayo sa facebook ay papansinin mo ko, grabe ang saya na naramdaman ko ng bawat oras na yun .

Nung una akala ko mase-seenzoned ako sayo . pero hindi pala mabait ka hindi snobero . yan ang katangian mo na mas lalo ko nagustuhan sayo.

Patuloy parin ang communication natin sa facebook, halos araw araw , gabi gabi tayong magkachat. Nararamdaman ko na din ng nagiging close na tayo ,Mas lalo tayong napapalapit sa isat isa.

Naalala ko po one time nung nginitian mo ko sa school , grabe hindi ko ineexpect yun na gagawin mo yon . mas lalo tuloy akong na inlove sayo kaya di ko napigilan ipost sa fb ang nararamdaman ko ng oras na iyon

Mas lalong tumatagal naging mas close tayo. kinakausap mo na din nga ako minsan sa school, mas lalo kang naging sweet sakin lagi mo na akong inaasar at alam mo na din ang narardaman ko para sayo .

One time di ko ineexpect isinend mo sakin yung picture na inedit ko na magkasama tayo . Nagulat ako sa caption na nakalagay " pag nakita ko crush ko magpapapicture ako, eto oh kaso edit lang" nabigla ako ng mga oras na yun hindi pa kayang iabsorb ng utak ko ang pangyayari kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung ano ba ibig mong sabihin kung nangtitrip ka ba dahil malabo yun . Ayokong umasa dahil wala pa naman kasiguraduhan ang mga bagay na iyon, ayokong umasa dahil wala pa akong hawak na sapat na dahilan kung totoo ba ang bagay na iyon . ngunit mahirap pala talaga turuan ang puso natin , ang hirap palang turuan ang puso na umasa .

Kaya wala din akong nagawa kundi umasa , Pero sa pagaasa ko pala na iyon don ako masasaktan .

Isang araw nalang nalaman ko may gusto ka daw na babae , Hiniling ko na sana ako yung masuwertenf babae na nakabihag na iyong puso , ngunit mali pala ako .

Ibang iba sya sa katangian ko kaya malabong maging ako yun . Maganda sya hindi ko maitatanggi mabait , at mala anghel na muka ang meron sya mga katangian na wala ako . At mukang interesado din sya sayo .

Nalaman ko nalang isang araw ay naging close na kayo ng maswerteng babae na yon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil umasa ako sa posibilidad na magugustuhan mo ako . Ngunit mali ako , hindi ko kasi ipinasok sa utak ko na hanggang kaibigan nga lang pala ako para sayo, Hindi ko din ipinasok sa utak ko na hindi lang pala ikaw sakin mabait , makuliy kwela sweet at iba pa . mga katangian ng isang lalaki na di mo tagal maiiwasan magustuhan . mga ugali mo na akala ko sakin mulang ipinapakita ngunit mali pala ako hindi ka lang pala sakin ganun kundi sa lahat ng kaibigan mong babae ay ganon ka.

Madalang na tayong nagkakachat sa facebook, naging cold na tayo sa isa't isa . Nahihiya narin akong pansinin ka sa school dahil halata na dinng iniiwasan mo na din ako , kaya ang nagagawa ko nalang ay ang titigan ka sa malayo pagmasdan ka kahit na ilang metro pa ang layo mo .

May nabalitaan ako nag kakamubutihan na daw kayo ng babaeng iyong napupusuan. aaminin ko masakit sakin ang balita na iyon. Dahil umasa ako na baka sakali magustuhan mo din ako ngunit mali ako hindi pala mangyayari ang bagay na iyon.

Nung panahong nalaman ko iyon . aaminin ko nasaktan ako Umiyak ako ng ilang gabi may time na nagalit pa ang mga kaibigan ko sakin dahil umasa nanaman daw ako . Sabi pa nila na lahat naman daw talaga ng boys sa section nyo ay puro paasa.

Pero hindi ko paring magawang magalit sayo dahil , simula palang ng storya na ito ay ako na ang may mali hinayaan ko ang puso ko na umasa sayo na wala namang kasiguraduhan na maibabalik mo din sakin ang nararamdaman ko para sayo

Iniisip ko na san hindi nalang sana nangyari na naging close tayo na sana ginawa nalang kitang inspirasyon para sa pagaaral ko.na mas okay na nag dati na pasulyap sulyap nalang ako sayo.Iniisip ko din na sama kagaya nalang din tayo ng dati na walang pansinan para hindi masakit pag nagkaroon ka ng kasintahan .

Gusto ko lang naman na malaman mo na masaya na ako sayo ngayon. kung ano nag meron ka ngayon. Pero sana maibalik natin yung pagkakaibigan na meron tayo dati . Alam ko iniisip mo mahirap iyon pero sa dumating ang araw na maibalik natin ang pagkakaibigan natin . ang samahan nating dalawa.

Masaya na kong malaman na masaya tanggap ko na rin na magkaibigan nalang tayong dalawa. Makakalimutan ko din naman nararamdaman ko para sayo , Mahirap nga lang, matagal ngunit magagawa ko yun. Sana sa second chance ng pagkakaibigan natin maging mas close pa tayo .

Uulitin ko uli ang tanong ko nung umipisa ng storya na to. kilala mo pa ba ko? .

Sana naaalala mo pa ko kahit busy ka na sa kanya . Sana maibalik natin ang pagkakaibigan natin kahit hanggang doon nalang . Pero pag sinaktan ka nyan babawiin kita hindi joke lang . hanggang kaibigan lang ayos na .

Mas maganda na magkaibigan tayon dahil mas naniniwala ako na sa pagkakaibigan nageexist ang salitang Forever :)

Nagmamahal iyong kaibigan,

Janelle ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Crush (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon