Chapter 1

353 4 1
                                    

MARSO, 1994. Puerto Princesa.
Tumunog ang intercom sa opisina ni Rowel Samonte.
Napukaw ang pag-iisip ng binata habang nakamasid sa tahimik na siyudad ng Puerto Princesa mula sa dinding na salamin ng kanyang opisina na nasa pinakamatayog na gusali sa gitna ng lunsod.
Muli pang tumunog ang intercom bago
pinindot ni Rowel ang pulang buton niyon. "Yes, Marie?"
"Sir, nandito na po si Mr. Villegas.
"Sige, papasukin mo."
Pumuwesto si Rowel sa kanyang executive desk at hinintay ang pagpasok ng panauhin.
Ilang saglit lang, bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakaitim ng pantalong maong, puting t-shirt at itim na jacket sa balat. Hinubad nito ang suot na sunglasses nang ganap na makalapit sa mesa ni Rowel.
"Kumusta ang lakad mo?" tanong ni Rowel matapos paupuin ang panauhin.
"Positive, sir," anito. Pagkuwa'y iniabot kay Rowel ang hawak na maliit na brown envelope. "Nandiyan ho ang lahat ng impormasyong ipinakukuha n'yo."
Binuksan ni Rowel ang brown envelope at inilabas ang mga laman.
Larawan ng isang pamilyar na lalaki ang agad na tumambad sa kanyang paningin.
Kagyat na kumunot ang noo ni Rowel sa napagmasdan.
Mahigit labimpitong taon na ang nakararaan. Kung susumahin, marahil ay nasa 47-48 lang ang
edad ng lalaking nasa larawan. Ngunit sa hitsura, malaki ang itinanda nito. Marami nang puting buhok sa ulo. Lumaki ang tiyan at prominente na ang mga pileges sa mukha.
Wala na ang bakas ng palalong kaguwapuhan at kakisigan na taglay noon.
Ngunit hindi pa rin maikakaila na iyon si Leandro Monreal na tunog pa lang ng pangalan ay sapat na upang mag-apoy ang dibdib ni Rowel para sa lalaki.
Hindi niya napigil ang pagtatagis ng mga bagang habang pinagmamasdan si Leandro Monreal.
Na ipinagtaka ng kaharap na upahang detektib. Wala itong ideya sa tunay na interes ni Rowel sa mga taong pinasubaybayan.
Gayunman, nagsimula itong magpahayag. "Iyan si Leandro Monreal. Mula sa angkan ng mga pulitiko sa San Isidro, Occidental Mindoro. Nabiyudo siya isang taon makaraang ikasal sa isang socialite na nagngangalang Nikki Lim. Hindi na siya nag-asawang muli bagama't
nagkaroon ng dalawang short-lived affair. Siya lamang sa kanyang pamilya ang hindi pumasok sa pulitika. Mas ninais niya na pamahalaan ang mga negosyo ng mga Monreal dito sa Maynila."
Hindi nagpakita ng malaking interes si
Rowel sa mga isinaysay ng detektib. Alam na niya ang mga detalyeng iyon.
Binitiwan ng binata ang unang larawan at minasdan ang isa pa sa anim na larawang nasa envelope.
Si Leandro Monreal pa rin sa ibang anggulo. Kuha habang pasakay sa itim na Mercedez Benz nito.
Ang pangatlong larawan ay saglit na nagpanganga kay Rowel.
Sideview iyon ng isang babae na naka-rosas
na jogging outfit. Nasa akto ito ng pagtakbo. Na- capture ng kamera ang pagsu-sway ng mahala at itim nitong buhok sa ere na lalo lang nagdagdag sa kaakit-akit nitong anyo.
Animo'y kinasabikan ng binata na mapagmasdan ang mukhang iyon sa close-up shot.
Mabilis siyang naghagilap sa mga natitira pang larawan. Kagyat na nahuli ng kanyang mga mata ang hinahanap.
Kuha ng babae na nakaharap sa kamera bagama't hindi ito nakatingin sa lens dahil hindi nito alam na palihim itong kinukunan ng inupahang detektib ni Rowel.
Sa anggulong iyon, nakasalampak sa damuhan ang babae. Waring napagod ito sa pagdi-jogging kaya saglit na nagpahinga.
Gayunman, sa kabila ng pagkahapong nakabadha sa anyo nito. Hindi kayang tabunan ang taglay nitong natural na kagandahan.
Mapa-sideview o mapa-frontview, maganda talaga ang babae sa larawan. Mala-anghel na kagandahan. Inosente ang dating, yet kabigha- bighani ang taglay na appeal. Ewan kung bakit may nabuhay na piping pag-asam sa dibdib ni Rowel na sana'y hindi totoo ang kutob niya na ang babae ay ang anak ni Leandro Monreal.
Ngunit nabigo si Rowel sa inaasam nang muling magsalita ang detektib matapos masulyapan ang larawang pinagmamasdan.
"That's Jayne Monreal, the only daughter of Leandro Monreal. She'll be turning eighteen next month. Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila, second year taking up Business Administration. Nandiyan sa envelop ang kanyang class schedule at iba pa niyang extra curricular activities."
"May nobyo na ba siya?" Ewan kung bakit biglang isiningit ni Rowel ang tanong na iyon. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nagkaroon siya ng interes na alamin ang aspetong iyon ng pagkatao ng anak ni Leandro Monreal. "Ayon sa taong nakunan ko ng
impormasyon, masyado raw istrikto at over- protective si Mr. Monreal sa anak na dalaga. Pinagbawalan daw nito ang anak na makipagnobyo hangga't hindi tumutuntong sa edad na disiotso. Gayunman, puwede siyang magpaligaw. Sa katunayan, nasaksikan ko mismo ang pila ng mga manliligaw ni Jayne Monreal tuwing araw ng Linggo. Hindi naman kataka-taka na aligiran ng gayon karaming bubuyog ang nag- iisang bulaklak ni Leandro Monreal. Dahil talaga namang napakaganda at napakakinis, lalo na sa personal."
Sinupil ni Rowel ang kasiyahang nadama sa impormasyong iyon. Wala siyang karapatang magkaroon, saan mang sulok ng damdamin, ng anumang romantic notion para sa Jayne Monreal na ito.
Isang damdamin lang ang dapat niyang pairalin para sa dugo't laman na ito ni Leandro Monreal – poot at walang kaparis na pagkamuhi. Dahil ang pinakamamahal na anak na ito ni Leandro ang gagamitin niya sa planong paghihiganti sa lalaki.
At ngayon pa lang ay tinitiyak na niya na aanihin ni Leandro ang lahat ng poot sa kanyang dibdib na nakuyom sa mahigit labimpitong taon, kaya ngayon'y nagngangalit nang husto upang makaalpas.
A, malapit nang sumabog ang kanyang galit
at paghihiganti. Isinusumpa niya na ipalalasap niya sa anak ni Leandro Monreal ang lahat ng kalapastanganang ginawa ng ama nito sa kanyang Ate Regina!
NANG umalis ang detektib makaraan itong isyuhan ni Rowel ng personal check na may pasobrang halaga bilang bonus for a job well done, muli niyang diniinan ang buton ng intercom upang tawagin ang atensiyon ng secretary/bookkeeper.
"Sir?" sagot sa kabilang linya.
"Come here, Marie."
"Yes, Sir."
Saglit lang at nasa harapan na ni Rowel ang matapat na kalihim.
"Paki-prepare mo ang lahat ng mga papeles, le#er and checks na kailangan kong pirmahan covering the entire month of April.
Natigilan ang sekretarya. "Aalis kayo, Sir?" paniniyak nito. Ganoon ang dialogue ng guwapo at batang-batang may-ari ng Versalez Gold Mines kapag nakatakda itong mawala nang matagal.
"I'll be taking a vacation soon."
"Well, I'm glad na naisip mo rin ang magpahinga, Sir. Mula nang magsimula akong magtrabaho para sa iyo, five years ago, ni minsan, hindi mo naisip magbakasyon. Lagi kang subsob sa trabaho. You really deserve a break."
Ikinubli ni Rowel sa isang ngiti ang tunay na nasa isip at damdamin. Kung alam lang ni Marie na hindi tunay na bakasyon kundi isang pakikibaka ang kanyang pupuntahan.
Sa tagal ng ipinagserbisyo ni Marie sa kanya, kumportable na itong makipag-usap sa kanya nang ganoon. Hindi naman kasi bossy ang dating ni Rowel sa kanyang mga tauhan. Hindi niya kinakalimutan na noo'y isa lang din siyang tauhan/utusan na tulad ng mga ito.
Suwerte, sipag at tiyaga lang. . at matinding hangaring umangat sa buhay para sa isang 'misyon' ang kanyang sandata kaya narating niya ang kinalalagyan ngayon.
"Paki-set mo na rin ang meeting ko sa mga
tao before the end of the month." Gustong tapusin ni Rowel ang mga importanteng trabaho bago umalis. Dahil hindi siya nakatitiyak kung kailan makakabalik o kung makakabalik pa ba siya sa kasalukuyang buhay matapos maisakatuparan ang kanyang mapanganib na misyon.
Ngunit hindi alintana ng binata kahit buhay man niya at kalayaan ang maging kapalit ng gagawing paghihiganti.
Ang tanging masidhi sa damdamin niya ay
ang maipaghiganti ang nasayang na buhay ng kanyang Ate Regina dahil sa kalupitan ni Leandro Monreal.
Ngayon, ang kalupitan niya naman ang kakamtin nito. "At si A#y. Pascua, paki-contact mo na rin. Kakausapin ko siya sa Friday pagkagaling ko sa minahan."
"Is that all, Sir?"
"For the meantine, yes. But I guess, marami
pa akong dapat i-endorse sa iyo bago ako umalis."
"Bakit sir, hindi ka na ba babalik?" may himig pagbibirong pakli ni Marie.
Ngumit lang si Rowel. "Paglabas mo,
pakitawag mo na rin si Jigger. Paakyatin mo rito."
"Yes, Sir."

Tubusin mo ang KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon