#PILY10
"Sino pa ang sasali?" Tanong ko pero walang sumasagot.
Lahat ay busy sa pakikipagdaldalan. Palibhasa walang teacher.
I tapped the desk twice as hard as I can making them stop and faced me.
"Good, edi natahimik kayo." I cleared my throat first. "I'm finalizing the list of players for the Intramurals. Ngayon kung wala ng dadagdag edi walang problema. Kayo din, sayang ang 10 points." Mahinahon kong sabi.
Someone raised his hand. "Diba may players na sa lahat?"
Umiling ako. "Kulang tayo ng dalawang participants sa relay."
Tiningnan ko sila isa-isa at mukhang walang may balak sa kanilang sumali.
"Si Windy at Kim na lang!" Sigaw nung isa.
"Yuck hindi pwede. Busy kami sa cheerleading. Ayoko ring madumihan ano eiww."
Tss. I rolled my eyes in her overacting.
Masaya kaya yun. Ang sabihin niya ayaw niya lang akong makasama. Ako pa naman ang leader sa relay.
"Fine edi sa ibang section na lang ako kukuha."
"Mabuti pa nga Ms. Pres!"
Pumunta ako sa TVL strand and I recruited 4 guys from Electronics-C section. Mabuti pa sila willing, hindi pihikan. Yung mga classmates ko lang talaga yung maaarte. Sa hulu dalawa lang kami ni Francesca ang tagaHUMSS na sasali sa 10-player relay habang 2 rin mula sa ABM at STEM section.
Halos walang klase ngayon dahil abala ang lahat sa Intramurals. Kanina pa din ako pabalik-balik dahil kaliwa't kanan ang utos ng mga teachers sa akin. I'm the Grade 11 representative that's why I have a lot on my plate. Sa tuwing may Sports fest lang din kasi nagsasanib ang buong Senior High Department kaya kailangan talaga ng kooperasyon.
I was walking back to my classroom when I bumped into Julian. Medyo nailsng ako nang magtama ang mata namin dahil mag-iisang linggo na rin matapos ang huli naming pag-uusap.
"How are you Blaire?" He asked smilingly.
"Okay lang, ikaw? Busy ka pa rin?" I tried my best to sound casual even my heart is pounding fast inside.
"Yes, the Nationals is in November. I need to focus."
"Good for you then. I wish you luck." Lalampasan ko na sana siya nang tawagin niyang muli ang pangalan ko.
"I-I hope we can talk often."
"Sure I would love that." I said looking straight at him.
From the moment, I felt butterflies again in my stomach. God knows how much I want to touch him. Looking at him like this, makes me want to confess too but I'm scared. Scared that he might not like me back.
"Blaire!" Nahimasmasan ako nang may tumawag sa akin.
"I'll go now." Paalam ko kay Julian.
Hooo! That was close. Akala ko bibigay na ako sa mga titig niya.
"Oh asan sila?" Tanong ko kay Francesca dahil siya na lang ang natitira sa loob ng classroom.
Agad niya akong nilapitan at hinila. "Nagpapractice! Bilis na baka hindi natin sila maabutan."
Pagdating namin sa gymnasium ay nandoon nga sina Shan na nagpapractice sa isang side ng court habang sakop naman ng grade 10 ang sa kabila.
Umupo kami sa may pinakamalapit na upuan at agad naman akong nagtaka dahil tutok na tutok si Francesca sa practice nila.
BINABASA MO ANG
Project: I Love You (Academic Strand Series #1)
Teen FictionBlaire is a Grade 11 HUMSS student who is running for high honors. In an instant, her attention was turned to a handsome Grade 11 STEM transferee student named Julian. She became unfocused then, but little did she know her friend Shan was helping he...