Kabanata 2

10 0 0
                                    


"Mico! is there something wrong? kanina ka pa bumabagal!"

"Again, Jaypee, relax! halatang tense na tense ka!"

Nilibot ko ang mata ko sa buong pool area pero there's no sign of Chad anywhere. Kanina pa nagsisimula ang training nila pero wala pa rin siya.

Tinignan ko ang dala kong juice para sana sa kanya, pero hindi na siya malamig sa sobrang tagal niya.

"Wala pa rin ba si Chad?" tanong sa akin ni Sir August nang lumapit siya sa bench kung nasaan ako.

Umiling ako. "Hindi nga po sinasagot yung mga text ko, e."

"Nasaan na ba yung batang yon napapadalas yata ang pagiging late niya. Tsk!"

"Sir!"

Pareho kaming napalingon sa tumatakbong si Chad. Gulo gulo ang buhok niya sa pagmamadali at dumeretso sa direksyon namin.

"Sorry sir-"

"Sige na, mag warm-up ka na at bilisan mo." inis niyang sinabi.

Napakamot ng ulo si Chad at umupo sandali sa tabi ko. He didn't even bother looking at me. Diretso lang siyang nakatingin sa mga teammates niyang lumalangoy.

"Saan ka ba galing? kanina ka pa hinihintay ni-"

"Ang tagal kasi magpalabas ng prof, e. Tsaka may inutos pa sa akin. Nakakainis!"

There was a moment of silence. Bukod sa napagod rin ako kaka antay eh naiinis rin ako dahil di manlang niya nagawang magreply sa sandamakmak na text ko nung isang araw. Parang ngayon lang nangyari sa kanya to. Nagkaroon kasi sila ng celebration sa condo ni Mico kasama ang buong teammates niya after nung training. At ni isang tuldok eh wala manlang akong natanggap.

"Bakit di ka sumasagot sa mga text at tawag ko?" tanong ko.

"Ah, eh naiwan ko kasi sa sasakyan yung phone ko. Medyo nakainom na rin kaya hindi ko na namalayan."

"Edi sana nag text ka manlang kanina."

Iniabot ko sa kanya ang juice na hawak ko. Napakamot lang siya ng ulo. "Oh,"

"Thanks, babe. Sorry bawi ako." ngumiti siya sa akin at umalis na para magpalit ng damit.

Sa hindi kalayuan eh may narinig akong sumisitsit. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Dani na nagtatago sa likod ko.

"Huy! Anong ginagawa mo? Bawal estudyante dito!" sabi ko. Umupo siya sa tabi ko.

"May inutos kasi si Ms. Madriaga na ibigay kay Sir August kaya nagpresinta na ko para makapasok dito."

"Ang tigas talaga ng mukha mo! Pag may nakakita sa atin dito malalagot tayo parehas!"

"Shh! Pwede ba? Sisilay lang ako!"

Ano pa nga ba? Sigurado akong di niya talaga tatantanan tong US transferee na to.

"Ba't ba nag punta ka pa dito eh nakakasilay ka naman sa labas."

Ibinaling ko rin ang tingin ko doon sa lalaki. Hindi ko maalala ang pangalan niya. Jay? James? Jack? Ewan!

"Alam mo, nakasabay ko siya sa restroom kanina," bulong nito. Napatingin ako sa kanya.

"Oh ano? Binosohan mo-"

"Gaga!"

Natawa ako ng bahagya. Mas lumapit siya sa akin at nagsimulang magsalita muli.

The Bullet in my ChestWhere stories live. Discover now