Chapter 18

7 3 0
                                    

"Alam kong hindi ka okay, Ate. Dito ako matutulog. Sasamahan kita."

Umupo sa tabi ko si Kitty para yakapin ako. Gabi na nang makarating siya rito dahil hindi naman niya planong pumunta dito ngayon. Gusto niya akong damayan sa kalungkutan na nararamdaman ko kaya siya nandito.

"Ate, sorry." Sabi niya habang nakasandal siya sa balikat ko. Wala akong idea kung ba't siya humihingi ng tawad sa akin. "Why?" I asked her. "Kasalanan ko." Alam ko na kaagad ang tinutukoy niya. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya kung bakit ako nasasaktan ngayon.

"Shh, tignan mo ako, Kitty." Umayos siya ng upo para sundan ang sinabi ko. "You are the reason kung bakit kami nag usap ni Billy but, it's not your fault. You didn't mean to hurt me. Alam ko namang hindi mo gagawin iyon kung masasaktan lang ako sa huli. Walang may alam na magiging gan'to ang sitwasyon, Kitty. Never pumasok sa isipan ko na ikaw ang may kasalanan. Sa totoo lang, until now, I am still thankful na ginawa mo 'yon. Hindi ko naman mararanasan na sumaya ng gano'n kung hindi dahil sayo. " I assured her na mali ang iniisip niya. She smiled and hugged me.

"Oh, tara na kain na muna tayo. Mamaya na tayo mag kwentuhan." Tumayo na kami dahil oras na para mag dinner. Nauna nang kumain sa amin sila Mama. Kaya kami na lang dalawa ni Kitty ang kakain.

"Upo ka dyan." Ilang beses na siyang pumunta dito pero nahihiya pa rin! "Ubusin mo 'yan, ha?" Binigyan ko siya ng kanin at ulam sa plato niya. Kaagad kaming natapos dahil mabilis lang kaming kumain. Nag hugas lang ako ng mga plato saglit at pumasok na ulit kami sa kwarto.

Umupo sa tabi ko si Kitty habang tinitignan ko ang video namin ni Billy nung nag punta siya rito. "Mahal mo pa?" Yumuko ako nang sinabi niya 'yon dahil hindi ko maitatanggi na mahal ko pa. Kahit ano pang sama ng ipinaparamdam niya sa akin ngayon. Tinaasan niya ako ng kilay dahil hindi ako sumasagot.

Nag umpisa na namang pumatak ang luha ko mula sa dalawa kong mata. "Ang bobo ko, 'no? Dapat sa part pa lang na sinabi nila Mama na kamag anak ko siya, dapat nandiri na ako. Dapat nag move on na ako. You know, I'm trying. Palagi kong sinasabi sa utak ko na hindi ko na siya dapat mahalin dahil hindi pwede. I don't know why I can't let go of him." Sumandal ako sa balikat ni Kitty habang umiiyak ako. Sa totoo lang, mas gusto kong palaging umiiyak, e. Kahit papaano, naalis ang bigat sa puso ko.

"Alam ko naman na naiisip ka rin nun, Ate. Minahal ka rin naman niya e. Pareho niyo namang gusto na mahalin 'yung isa't-isa." Sana.. Sana tama si Kitty na kahit saglit lang sumagi ako sa isipan niya. "Sige lang, Ate. Mag kwento ka, nandito ako para pakinggan ka."

Huminga ako ng malalim bago ako mag salita. "Masama ba akong tao kapag hinihiling ko na sana nasasaktan rin siya?" Tanong ko sa kanya. "Huh?" Nagtatakang tanong niya rin. "I want him to feel what I feel right now. Minahal kasi namin 'yung isa't-isa, e. Gusto ko maramdaman rin niya 'yung sakit. Kapag kasi nasaktan siya dahil sa akin at least, alam kong minahal niya talaga ako."

"No, hindi ka magiging masama do'n. Ang masama ay 'yung ginawa niya sayo. 'Yung sinadya ka niyang saktan." Kitty was right, planado lahat ng ginawa niyang pananakit sa akin. "Gusto ko nang sumuko, Kitty. Nahanap na ni Billy ang sarili niya at wala na ako do'n. Hindi niya ako masisisi kung susuko rin ako dahil sa mga katarantaduhang ginawa niya. Gusto ko nang mag move on pero takot ako. Kapag nakapag move on na kasi ako, it means wala na 'yung pag ibig na nabuo namin. Mawawalan na rin ako ng pake sa kanya." 'Yon ang mga katagang nanggaling sa akin bago kami matulog ni Kitty.

Nakakangiti na rin naman ako pero siguro hindi ko naman maiiwasan na maisip siya lalo na kapag ako lang mag isa. Palagi pa rin akong nagigising tuwing madaling araw at hinahanap ko pa rin si Billy. "Ang aga mong nag iscroll dyan, Ate." Nagulat ako nang makita ako ni Kitty. "Wala, nalingat lang. Tulog ka pa ulit." Natulog siya ulit pero ako, hindi na.

Tumayo na lang ako para ipaghanda siya ng makakain bago siya umuwi. "Oh, ba't gising ka na?" Kaagad pala siyang sumunod sa akin nang umalis ako sa kwarto. She helped me to cook breakfast. "Ate, ihatid mo ako sa labas ng village mamaya, ha?" Gusto kong tumanggi pero wala akong choice kung hindi pumayag. Simula kasi no'ng fiesta ay nahihiya na akong dumaan kina Lola Ana. "Okay."

After niyang kumain at nag ayos na siya ng mga gamit niya. Tinitignan ko lang siya habang ginagawa niya 'yon. "Thank you, Kitty. Ang layo ng bahay mo pero nagagawa mo pa rin pumunta sa akin para lang masigurado mo na okay ako." She immediately looked at me nang sinabi ko 'yon. Ang swerte ko dahil may mga taong nag eeffort puntahan ako para mapasaya ako.

"Alam mo naman na love kita. Ayokong mafeel mo na palagi kang nag iisa. Hindi ka namin iiwan ni Ate Martha." I didn't expect na magiging ganito kami kaclose ni Kitty. Sinara na niya ang zipper ng bag niya kaya tumayo na ako. Nag paalam na si Kitty sa Mama ko. Kahit madaldal si Kitty, hindi niya pa rin sinasabi kay Mama na mahal ko si Billy.

"Ate, malapit na 'yung birthday ni Kuya Billy. Anong plano mo?" Naaalala pa rin pala ni Kitty ang birthday ni Billy. Madami akong naging plano sa birthday niya kaso, wala nang matutupad do'n kahit isa. "Oo nga, e. Wala akong plano. I mean hindi ko naman tutuparin 'yung mga nagawa naming plano dahil na kami nag uusap, e. Hindi ko nga alam kung babatiin ko pa siya."  Sabi ko bago pa siya sumakay ng tricycle. "Bye, Ate!"

Mag isa na lang akong naglalakad pauwi sa bahay. Malapit na ako sa bahay nila Lola Ana. Bumungad sa akin 'yung mukha ng Tito ni Billy. "Ah, si Elle." Narinig ko rin ang boses ni Tita Elly. Kinabahan ako kaya binilisan ko ang lakad ko pero huminto ako dahil may tumawag sa akin.

"Elle, halika muna rito, Anak." Rinig ko ang pag tawag na 'Anak' sa akin ng Mama ni Billy. Bumalik ako at lumapit patungo kung nasaan siya. "Hindi mo na ba kausap si Billy?" Her voice sounds worried. Bakit hindi niya alam na wala na? Wala bang sinabi si Billy sa kanya? Hindi ba siya aware na kamag anak ko ang anak niya? "Hindi na po." Maikling sagot ko at aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko para hindi ako makaalis.

"Hindi ka na ba niya nililigawan?" Tanong nung isa niyang Tita. Pinakilala ba ako ni Billy sa kanila at sinabi niyang nililigawan niya ako? I am not aware na nanligaw pala siya. "Hindi naman po niya ako nililigawan." Naiinis na ako at gusto ko nang umuwi dahil baka hanapin na ako ni Mama. Hindi pa rin ako binibitawan ni Tita Elly.  "Pinakilala ka pa naman niya sa amin nung fiesta." Dagdag ng Tita niya. "Kaya pala nag tatago ka dyan, ah!" Rinig kong sabi ng pinsan ni Billy. Sinong tinutukoy niya? Nandito ba si Billy!?

Akala ko tapos na nila akong tanungin pero pinaupo pa nila ako sa tabi nila! They started asking me kung paano kami nagkakilala at paano kami nagsimulang mag usap. "Sayang kayo, Elle. Ang ganda mo pa naman." Puri ni Tita Elly sa akin. I want to tell her na ang pangit ng pinalit ng anak niya sa akin.

"Ikaw pala ang sinasabi niya sa akin noon na pupunta sa birthday ko. Sabi niya ipapakilala na daw niya ang crush niya kaso hindi ka dumating." I felt guilty na hindi ako nakapunta. Sinabi pala ni Billy 'yon sa Mama niya. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Tita Elly. Alam pala niya ang dahilan kung ba't kami natigil ni Billy. She didn't explained anything kung paano ko naging kamag anak ang anak niya, parang hindi niya alam.

"Alam mo ba, Elle, ang saya ni Billy no'ng umuwi siya galing sa bahay niyo. Noon ko lang nakita ang anak ko na gano'n kasigla. Hanggang sa kakain na kami, hindi ko na siya mapilit na lumabas sa kwarto niya." Dinamdam rin pala ni Billy ang nangyari. Ang sakit na marinig kay Tita Elly 'yon.

"Sige na, 'nak. Baka hinahanap ka na ni Mama mo." Mabuti naman at pinauwi na niya ako dahil naiiyak na naman ako sa mga narinig ko. Ang sarap pakinggan na tinawag akong anak ni Tita Elly. Siguro kung okay pa kami Billy ngayon, masaya siya para sa amin.

Unti unti ko na rin naman natatanggap at okay na rin ang communication namin ng parents ko. Hindi na nila binabanggit si Billy, lalo na si Mama! Palagi niyang iniiwasan na mabanggit si Billy lalo na kapag kasama niya ako. Ramdam siguro ni Mama na nasaktan ako sa nangyari.

Pag uwi ko sa bahay ay tinanong kaagad ako ni Mama kung bakit ang tagal ko. Sinabi ko na lang na kinausap ako nung Tita ko na malapit sa bahay nila Lola Ana. Sinabi ko kay Martha at Selene ang nangyari. Kumain na ako ng lunch at natulog na lang ako dahil wala na akong magawa.

Paggising ko, lumipat ako sa living room para manood ng tv. Nakita ko si Mama na papalapit sa akin at nakatingin siya sa bintana. "What?"

"Si Billy ba 'yang dumarating?"

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon