Umiiyak. Nagmu-mukmok. Nakasiksik sa isang madilim na sulok.
"Alessandro" sinikap niyang bigkasin ang mga pangalang iyon
"Nasaan ka Alessandro?" bulong niya atsaka pilit na inalala ang mukha ni Alessandro
Minulat niya ang kaniyang mga matang pagod na. Ilang linggo na siyang nagkakaganon. Nag-aalala na ang kaniyang ina na si Isidro sa nangyayari sakaniya, ngunit wala namang magawa si Isidro kung hindi ang damayan na lamang ang kaniyang anak at damayan ito.
Naghahanap siya ng kaunting liwanag.
Ngunit wala siyang maaninag. Pinikit niya muli ang kaniyang mga mata. Ganoon pa rin ang kaniyang nakikita, kadiliman.
..
"Louise got the perfect score. Felicissima, 99 score mo." Sabi ng kaniyang guro at tinapunan siya ng tingin na parang sinasabi nito na hindi siya ganoong kagaling ngunit agad rin naman nitong binawi iyon "Congratulations to both of you! Now open your book"
Tumimgin siya sa labas ng bintana. Nagbabadyang tumulo ang kaniyang mga luha ngunit itoy kaniyang pinigilan.
Pangalawa. Hindi ganoong kagaling. Hindi matalino. Isang pagkakamali. Iyon ang mga linyang sinasabi sakaniya ng kaniyang papa.
..
Ala sais na at alam ni Felicissima iyon. Kailangan niya pang maghanap ng libro na pwede niyang pagaralan para makakuha pa siya ng ibang impormasyon para sa presentation niya sa susunod na linggo.Wala naman kasi silang internet connection sa bahay eh.
"Feli!" tawag sakaniya ng kaniyang kaklase na kasama niya sa pagpunta sa library. Ala sais na ng hapon. Magsasara na ang silid aklatan kapag dumating na ang alas siyete ng gabi. At sa mga oras na iyon ay wala ka na talagang makikitang estudyante at guro sa pagaralan. Tanging guwardiya na lamang ang makikita mo na pagala gala sa paaralan.
"bakit Rosa?" tanong niya
" uuwi na ako sorry ha? Nakalimutan ko may pupuntahan pala kami" nagmadali itong naglakad ngunit bigla itong huminto at lumapit sakanya "Tandaan mo kapag may naramdaman kang kakaiba dito sa silid na ito..lumabas ka na kaagad" nanakot nitong sabi
"a-ano? Nako Rosana hindi ako natatakot" aniya sabay tawa ngunit nakaramdam siya ng para bang may nakatingin sakanila
"Sa araw araw ba naman nating nagpupunta dito matatakot pa ba ako?" Tuloy niya sa sinasabi
"May nararamdaman rin kasi akong kakaiba diyan, Feli. Ngayon ko lang pinaalam sayo. Kung gusto mo bukas nalang-"
Hindi niya na pinatapos si Rosa at agad na siyang nagsalita
"Okay lang ako, Rosa. Sige na oras na" sabi ko at tinapik siya sa balikat
Nang makaalis na ang kaniyang kaklase ay pumasok na siya sa loob ng silid aklatan at binati niya ang librarian doon. Nagsimula na rin siyang maghanap ng libro para sa kaniyang presentasyon. Napansin niyang wala ng estudyanteng nagbabasa sa silid at ang tangin naroon lamang ay ang librarian at siya
Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo ng makadinig siya ng paghila ng silya sa likurang bahagi ng library. Pinagsawalang bahala nalang niya iyon at naghanap ulit siya ng libro.
Mayamaya ay nakarinig siya ng yabag ng mga paa malapit sa gawi niya. Ibinalik niya ang hawak na libro at nagsimulang maglakad.
Umiling siya at muling bumalik sa bookshelf at muling kinuha ang librong hawak niya kanina. Naglakad na siya pabalik kung saan may malapit na upuan. Inumpisahan na niyang magsulat at magbasa ngunit siya ay naantala dahil may isang lalaki na huminto sa kaniyang harapan.