Genre:Romance
It'll be written in Tagalog and English (Mostly tagalog)"Mga mag-aaral handa na ba kayo para sa ating spoken poetry?" Sigaw ng isang guro, na tila ba'y iniingganyuhan ang mga mag aaral na pumalakpak.
Sa bawat mag aaral na sumubok ganto lamang ang kanilang mga linyahan.
"Ano nga ba ang tunay na kadahilanan?"
"Bakit nga ba tayo nakakaranas ng sakit?"
"Kailan ba tayo nakakaranas ng tunay na pag-ibig?"lahat ng linyang ito ay tila ba peke at hindi man lamang natuwa ang mga hukom ng palaro ngunit may isang babae na nakakuha ng kanilang attention.
Pagtungtong nito sa entablado, ay agad namang binigyan ng ngiti Ito ng kanyang nag-iisang babaeng kaibigan.
"Maaari ka Ng magsimula." Inip na sabi ng isa sa yukom. Huminga ito ng malalim bago magsimula.
"Kaibigan, magkaibigan lang tayo, pero bakit? Sa dinami dami ng pagkakataong nandito ako bakit ang attention mo ay tila ba nasa ibang tao? Bakit hanggang kaibigan lang ang tawag mo saakin, kung maaari mo naman akong ka-ibiganin" Maluma ay niyang binanggit, hinanakit ang umaaligid sa kaniyang boses.
Bigla namang sumigaw ang mga taimtim na nanunuod sa kanya.
"Sa pagkakataong nag aaway kayo andito naman ako nag aaligid, nag aantay sa pagdating mo, kasi alam ko na kapag nag-aaway kayo hihingi ka Ng tulong sa akin!” Hinanakit pa rin ang nasa kaniyang boses, ngunit mas umigting ito ng sinabi ang mga katagang.
"Sabi nga nila, sa liwanag may dilim at sa dilim may liwanag, pero paano na ito kung siya ang liwanag mo at ako naman ay nasa dilim lamang nang amino niya."
"Bakit ba laging nasa piling niya ang saya samantalang pumupunta ka lamang sa akin pag malungkot ka? Ano nga bang meron sakanya na wala sa akin palagi nalang ba akong mananatili sa dilim at hinanakit na iyong ipinaparanas ng palihim?" Unti unting namuo ang luha sa mga maya nito, bilang parte ng kaniyang pagkukunwari upang manali sa palarong ito.
"Isinasarado ko na ang aklat na ito, dito na nagtatapos ang kwento ko. Pero bago ko tuluyang isara ito, maaari ko bang malaman kung bakit mas umiigting ang galit mo tuwing nakikita mo ako?" ngumiti si Antoinette, isang malungkot na ngiti, dahil hindi katulad ng ibang linyang kaniyang binggit ang huling linya lamang ang nanggaling sa kaniyang puso. Bago siya bumaba ay nagpasalamat muna siya at nagpakilala sa mga nakinig.
"Ang galing mo naman don kanina!" Sigaw ni Yves na papalapit sa kaniyang matalik na kaibigan.
"Ahh salamat" mahina nitong sinabi.
Para ba yon kay-?" Bago pa man nito matapos ang kaniyang babanggitin ay biglang tinakpan ni Antoinette ang kaniyang bibig.
"Hindi noh?!" kaniyang iling, at Marsha's namang tinanggal ni Yves ang kamay nito.
"Ehh bakit mo pa tinakpan Yung bibig ko?" Sarkastiko nitong binanggit
Lumapit si Antoinette sa tenga nito at mahina niyang sinabi na "Una sa lahat, andon lang siya sa may likod natin. Pangalawa hindi niya nga ata ako kinikilala bilang kaibigan. Pangatlo ngi hindi nga kami nag-uusap ng matinuan. Pang-apat di ko pa siya kayang makita ngayon at panghuli hindi naman siya nanghihingi ng tulong saakin."
"Ahh ganon ba? Eh ano yung linyang may galit galit?" tanong ni Yves na ngumingisi na.
Hindi man lamang makagalaw si Antoinette, nabuking nga siya ng kaniyang kaibigan. "Halika na Kain na tayo?" Lamang ang lumabas sa bibig nito.
Sa mga katagang kaniyang sinabi ay mas napangisi pa ang kaniyang kaibigan, alam niya na ang sagot at ito ay oo.
Pag pasok nila sa loob ng nagkakagulo na ang mga estudyante, puro "Magkano po dito?" at "Ito nga po!" lamang ang naririnig na ingay, ngunit biglang natahimik ang lahat ng biglang tumunog ang mga speaker na nakapalibot sa lugar.
"Magandang tanghali sa inyong lahat! Ang nanalo para sa ating palaro ngayong araw ay si
Bb. Antoinette Dimasalang. Para sa lahat ng nakilahok kanina akin kayong binabati dahil sa inyong aktibong presentation, Yun lamang at maraming salamat!" Malugod na bati iyon ng guro at dahil doon halos lahat ng mga kaklase nito ay nakatingin kay Antoinette."Sikat ka na ata!" Bulong ni Yves sa tenga nito. Agaran namang umupo ang dalawa sa isang lamesa at kumain ng taimtim.
Bigla namang nagbukas ang pintuan ng lugar at kitang kita na naman ang ngisi ng isang lalaki.
"So... You won!" Sambit ng lalake na tila ba'y pinapahiya lamang si Antoinette.
"Di mo ba talaga siya tatantanan?" Inis na sabi ni Yves.
"Paano kung ayaw ko?" Sabay hawak niya sa ulo ni Antoinette, ngunit marahas na tinanggal ito ni Yves.
Tiningnan ito ng masama ni Mike at tila ba natauhan ang binata ng ibinaba ni Antoinette ang tingin nito sa sahig, wala itong nagawa at umalis na lamang.
"Halika na nga?!" Tinulak naman ni Yves si Antoinette papalabas.
"Bat mo ginawa yon?" Mahina nitong tanong
"Dahil sabi mo kanina hindi mo pa siya kayang makita, at hindi ka namam nagsinungaling dahil muka ka nang kamatis." Mahinahon nitong sinabi.
"Para kang si mama." Sabay tawa ng dalawa.
"Paalam na! sa kabilang dulo pa ang klase ko!" bigla na lamang tumakbo si Yves papalayo at naiwang nakatayo mag Isa si Antoinette, unti unti itong naglakad papunta sa kaniyang silid aralin, ng biglang may nagbato ng papel sa kaniyang likuran.
"Ano ba?! Hindi na ako natutuwa itigil mo na ito" Malakas na Sigaw ni Antoinette kay Mike na pilit siyang pinagkakadiskitahan.
"Pero para sa akin yung huling linya mo kanina diba?" Ngisi ni Mike habang umiiling sa muka ng dalagita.
Hindi naman siya nagkamali at totoo naman ang hinala nito.
Bigla naman nitong itinulak si Mike at naglakad papalayo ng silid aralin na naging dahilan sa paglaki ng ngisi nito.
"May gusto rin naman ako sa iyo!" Sigaw niya na tila ba hinahabol pa siya at sa linyang kaniyang sinabi ay napatigil sa paglakad si Antoinette.
~
V●ᴥ●V
YOU ARE READING
Short stories
DiversosThese are some of the short stories that I make when I'm suddenly having that burst of inspiration to write stories that can't be long enough to be a book. I'm also experimenting here! Since I'm still exploring on how to write!