Chapter 2: Award's Night

7.5K 117 0
                                    


NATASHA GRACE'S POINT OF VIEW

"Nakita ko ulit ang batang pula ang mga mata. Sinusubukan kong kumawala sa pagkahawak niya. Mabuti na lamang at hindi kami pumasok sa bahay na gawa sa apoy. Ako'y dinala niya sa isang napakagandang hardin punong puno ng bulaklak na kulay lila." "MA'AM! MA'AM NATASHA! ANO PONG NANGYARI DITO?"

" "MA'AM! MA'AM NATASHA! ANO PONG NANGYARI DITO?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo retrieved from: https://www.sunset.com/garden/flowers-plants/guide-planting-care-harvesting-lavender)

Nagising ako sa narinig kong ingay. "Aray!" sabay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. "Ma'am Natasha! Dadalhin ko na po kayo sa ospital. Nakahingi na po ako ng tulong. Hindi na rin safe dito, Ma'am. Kaya bilisan na po natin" "Kuya, hindi na po. Diretso nalang po ako sa school." "Okay po Ma'am. Pero puwede niyo po ba akong tulungan kina Ma'am Ais, kasi grabe po yung nangyari dito sa sasakyan. Maraming gasgas at basag na yung salamin dito sa bintana." sabay turo ni Kuya sa salamin ng kotse. Doon ko naalala lahat ng nangyari kanina. "Kuya, umalis na po tayo. Ikukuwento ko nalang po sa inyo sa kotse yung nangyari dito." "Sige Ma'am. Paunahin ko na po kayo kasi tatawag pa po ako ng tow truck para kunin itong sasakyan."

Nagmadali akong sumakay ng kotse at tinignan ang oras sa cellphone ko. Hindi ko talaga alam kung dapat pa ba akong pumunta sa school, o dumiretso nalang sa bahay dahil sa mga nangyari. Minsan na ngalang ako mag-prom, ganito pa ang mangyayari. "Ma'am, okay lang po ba kayo? Kung gusto niyo po, idiretso ko nalang po kayo sa bahay niyo. Okay lang din po kung gusto mong magkuwento sa nangyari kanina, Ma'am." tanong nung bagong driver na maghahatid sakin sa school. "Umm, hindi ko po kasi alam kung ano talagang nangyari sakin. May mga narinig akong kumakaluskos sa kotse. May nagbasag po nung bintana, tapos may bigla pong humila sakin. Wala po talaga akong maalala pagkatapos nun." kuwento ko kay Kuya.

"Marami po talagang mga kung ano anong elemento dito. Madalas din po talagang nagkakaproblema yung mga dumadaan ditong driver, lalo na po sa gabi. Mag-ingat nalang po kayo sa susunod Ma'am. May fastfood po tayong madadaanan mamaya Ma'am. Kung gusto niyo po, bumili nalang po tayo doon ng kahit ano. Baka sakali pong mapakalma kayo, Ma'am." sabi ni Kuya driver. "Hindi na po siguro kuya. Wala na rin po kasi akong maaabutan sa prom namin. Sayang din po. Pero thank you po." sagot ko. Ningitian lang ako nung driver. Pagkalipas ng isang oras, nakadating na ako sa school. Nagmadali akong tumakbo papasok sa venue ng prom. Agad ko na ring tinext si Mama at si Ais na nakadating na ako sa school. Baka mamaya, puntahan na ako ni Mama dito.

The Purple Wolf (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon