Love at First Sight

23 2 0
                                    

Ilang oras nalang makikita ko na yung Got7 kasi pupunta sila dito para magperform at excited na ako.

"Aera nasan ka na ba? bilisan mo naman baka marami ng tao sa diamond"sabi ng kaibigan kong si schenl.

"Wait lang matatapos na"sagot ko

Yung tungkol nga pala sa diamond,dun kasi mag che-checkin yung Got7 kaya pupunta kami doon.

"Ano tara na?"

"Tara.pagdumating sila aera mag korean ka ha para mapansin tayo"

"Nasa isip ko na din yan na gagawin ko pero baka pagnakita sila mablanko ako bigla"

"Si dovie pala aera natawagan mo na ba?

"Oo,sabi nya kita nalang daw tayo don. "

After ng ilang minutes nakadating na kami sa diamond.Pagdating namin konti palang yung tao.May mga fanboys din kaming nakita at yung iba naka ready na ung mga banners nila.Umupo muna kami ni schenl sa tapat ng diamond hotel katabi ng mga ibang IGot7.Nagkwentuhan muna kami ni schenl habang hinihintay si dovie kasi pagdating nya papasok kami sa hotel.

"Aera patingin nga ako ng loob ng bag mo?"biglang tanong ni schenl

"Bkit?"

"La lng.Gusto ko lang makita kung ano na naman laman nyang bag mo."

"Ahh.para namang di mo pa alam kung ano nasa loob nyan."

"Wow!!ready na ready ka ah"

"Ako pa"

Ang nasa loob kasi ng bag ko ay yung cellphone ipod,power bank,pocket wifi,wallet,pagkain at tubig.

"Oh andyan na pala si dovie"sabi ni schenl.

"Tara pasok na tayo"excited na sabi ni dovie

"Di ka naman excited dovie"sabi ko

"Di nman."

Nagtawanan muna kaming tatlo bago pumasok.Nung nakapasok na kami sa hotel,naghanap muna kami ng mauupuan bago umorder.Sakto may bakante pwesto malapit sa may pintuan.

"Anong oorderin ntin?"tanong ko

"Bakit libre mo ba?"sabay nilang sagot sakin

"Hindi,masama ba magtanong atsaka pag hindi kagad tayo maka order palabasin tayo nung mga guard".sagot ko sa kanilang dalawa.

"Ahhh"yan lang ung nasagot nila sa akin.

"Ice cream nalang tayo para mabilis maubos"suggest ni schenl

"Sige ba"

Nung dumating na yung inorder namin na ice cream.Di na namin pinatagal pa at inubos na namin kaagad.Nag bayad na din kami pagkatapos nun at sakto nakita namin yung ibang mga fans na nagtatayuan na sa mga pwesto nila so ibig sabihin baka malapit na sila.

"Ano saan tayo pupwesto?"tanong ni dovie

"Doon nalang tayo oh sa taas"sabi ko

"Sige ba"

Umakyat na kami dun sa pwesto namin para walang makaagaw sa amin.Maganda yung nakuha naming pwesto kasi kitang kita namin at kitang kita nila kami.

"Aera makikita na natin sila maya-maya"

sabi ni schenl

"Oo nga eh parang sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito."

"Dovie salita salita naman dyan oh.Pwede mo naman ilabas yung nararamdaman mo eh."sabi ni schenl

Nakalipas na ang isang oras at di pa rin dumadating ung Got7 kaya naiinip na kaming lahat.

"Schenl ang tagal naman ng got7.Siguro may dinaanan pa yun o kaya kumain muna sila."sabi ko kay schenl

"Ano ka ba kaya wala pa sila kasi may binibili pa sila para sakin."

"Sige susuportahan nalang kita dyan."

"HAHAHAHAHAHAHA"sabay kaming natawa ni schenl

Pagkatapos pa ng ilang minutes may dumating na isang shuttle bus tapos yung mga fans na nasa labas nagtitilian na so ibig sabihin sila na yan.

"Oh my God dovie,schenl nandyan na sila"

"Ready na ba yung mga camera natin"

"ready na"sagot nila sakin

Tapos ayun na nga lumabas na yung got7 dun sa shuttle bus.Ang unang lumabas ay si Jackson,mabagal syang naglakad kaya nakita namin sya ng maayos.Sunod si Bambam,nagwave sya sa may side namin kaya kinilig kami at tinanggal nya din yung shades nya.Sunod si Yugyeom at Mark,nung dumaan si mark  napatigil sya sa may harap ko at nagkatitigan kami for 1 sec. lang kasi tinulak na sya ni youngjae.Pagkatulak ni Youngjae kay Mark nakita kong nag smile sya kaya kinilig ako.Kasunod ni Youngjae ay sina Jr. at Jb.Ang pogi nilang lahat at parang panaginip lang lahat ng nangyayari ngayon.Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina lalo na yung kay mark.

"Uyuyuyuyuyuyuy.Aera okay ka lang ba?"

"Nakita nyo ba yung kanina yung kay mark?"tanong ko kay dovie

"Yung ano?"

"Aaaeerrraa!!!!"sigaw ni schenl

"Bakit?kung makasigaw ka naman parang magkalayo tayong dalawa."

"Sorry naman.Nakita ko yung nangyari kanina na parang nagkatinginan kayo ni mark."

"Oh nakita mo yun?parang mamamatay na nga ako kanina eh"sagot ko

"Oh talaga bat di ko napansin yun?"tanong ni dovie

"Ewan ko ba sayo"sagot ko sa kanya

"Di ikaw na ang swerte"

"HAHAHAHAHAHA"nagtawanan kaming dalawa ni schenl

=====================================

Hi Guys!!!!First story ko to kaya di ko alam kung okay tong nagawa ko pero sana magustuhan nyo.

Hi din sa mga Co IGot7 ko.Mark at Jb biased ako at ang BW ko ay si Jr.at Bambam.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon