"Oh, buko, nandyan ka na pala? Tara na handa na ang hapunan natin. Nagluto ako ng paborito mong adobo.'' nakangiting inayos ni Rocky ang hapag kainan at sinalinan ng kanin ang plato ni Judah. Hindi sumagot si Judah at tahimik na umupo.
''Anong gusto mong juice, orange? pineapple? o ako?''
Wala pa rin siyang kibo at nagpatuloy lang sa pagkain kaya hindi na ito umimik pa't inobserbahan lang siya. Nawalan siya nang ganang kausapin ito pagkatapos niyang makita kung sino yung nagsent ng message kanina. Nang i-check iyon ni Rocky, wala man lang itong sinabi sa kanya tungkol sa text. Hindi siya magtatanong kasi kung private man iyon, maiintindihan niya pero yung 'love' ang dapat niyang malaman kung sino, ngayon pang sila nang dalawa.
Nang matapos kumain, nagprisinta si Judah na siya na lang ang maghuhugas ng pinggan. Si Rocky naman ay napansin niyang dumeretso sa may sala at muling tinitignan ang cellphone matapos itong muling tumunog. Nakangiti ito habang binabasa ang text na natanggap.
''Buko, dito muna tayo sa sala, mag-movie marathon tayo.'' pag-anyaya nito sa kanya.
''Hindi na muna. Pagod ako, gusto ko nang magpahinga.'' umakyat na siya ng hagdan at dumeretso sa kwarto.
''May problema ba?'' humiga ito sa tabi niya't niyakap siya mula sa likod. Hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus ay pinilit niyang makatulog para makalimutan ang mga agam-agam sa isipan.
--
''Beshie, alam mo mababaliw na talaga ako sa kakaisip kung sinong yung love na yun!'' maagang nagpaaalam na aalis si Rocky kaya naman naiwan siyang mag isa sa bahay. Para makahanap ng makakausap, minabuti niyang tawagan ang kaibigan sa video call.
''Beshie alam mo, wag ka munang over thinking diyan. Baka malay mo kaibigan lang yun?'' alam niyang pampagaan ng loob lang iyon ng kaibigan niya para hindi na siya mag-isip nang mag isip.
''Eh kung kaibigan, saan siya nagpunta ngayon? Makikipagkita siya dun sa Love ba iyon? At saka bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa love na iyon?''
''Beshie, kalma lang. Ikaw ang mahal diba? Ganda ka eh, tigilan mo iyang kakaisip mo tatadyakan kita sa puson nang makunan ka.'' natatawa na lang siya sa mga pinangdadaldal ng kaibigan. Buti na lang at naisipan niyang tawagan ito at nakatulong naman na gumaan ang kanyang loob.
''Beshie, sandali lang hah kasi may nagdo-doorbell.'' saglit siyang tumayo para tignan kung sinong nag-doorbell at laking gulat niya nang makita si Glenn na nakatayo sa labas ng gate.
"Hey, Judah!'' kumaway pa ito sa kanya nang makita siya.
''Glenn? Anong ginagawa mo rito?''
''Di ba sabi ko babalik ako? Here I am, I will prove to that Rocky na ako talaga ang karapat-dapat sa yo.'' may diin ang bawat largada ng mga salita nito. ''Hindi mo ba ako papapasukin?''
Niluwagan niya ang pagbukas ng gate upang makapasok ito.
"Here, for you.'' inabot nito sa kanya ang box ang cake at bouquet na rosas.
''Ano 'to?''
''Flowers and cake. I'm courting you.'' nakangiting sabi nito.
''Glenn...'' tatanggihan sana niya ang dala nito ngunit agad siya nitong pinigilan.
''Judah, I know that you like me too. Please bigyan mo ako ng chance.'' pagmamakaawa nito.
''Glenn, kame na ni Rocky. Boyfriend ko na siya.''
''Well, you chose the wrong guy Judah. That's why I am here to let you prove myself.''
''No Glenn, stop this.''
''Judah please.'' bigla siya nitong niyakap kaya natigilan siya. Humihikbi ito sa kanyang balikat at sinsero sa mga sinasabi para sa kanya. ''Please.''
Hindi niya akalain na magiging ganoon ang mga reaksyon nito kasi ang Glenn na kilala niya'y mataas ang self esteem at hinding hindi ito magmamakaawa sa isang tao kung ayaw ng tao sa kanya pero bakit parang iba yata ang mga nakikita niya ngayon?
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at saka muling nagsalita. ''Judah, I can do everything to prove you myself.'' saka hinalikan siya nito sa labi. Biglang naging blanko sa kanya ang paligid dahil sa pagkabigla at parang saglit na huminto ang kanyang buong sistema. Hindi siya nakagalaw upang pigilan o itulak si Glenn.
''Buko?'' automatikong bumalik siya sa kanyang ulirat ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, nakita niya si Rocky na nakatayo sa harapan nila ni Glenn at kitang kita ang ginagawa nila.
''Kaya mo pala ako hindi pinapansin simula kahapon dahil dito sa ugok na 'to?'' isang malakas na suntok ang idinampi nito sa kaliwang pisngi ni Glenn upang mahulog ito sa sahig.
''Rocky tama na!''
''Anong tama na Judah? Tama na kasi ano? Pinagkatiwala ko sa'yo ang buong pagkatao ko pero ganito pala ang gusto mo!'' ramdam na ramdam niya ang sakit at hinagpis sa boses nito at sa mga luhang nangingilid sa mga mata nito.
''Rocky, magpapaliwanag ako pwede?''
''Magpapaliwanag..'' pinulot nito ang dalang bag at saka naglakad palabas ng gate.
''Rocky!'' hindi na rin niya napigilan ang sariling umiyak dahil hindi niya alam ang gagawin. ''Glenn umalis ka na!''
Pumasok siya sa loob upang hanapin ang cellphone para matawagan si Rocky ngunit naka-off na ang telepono nito't hindi na matawagan.
''Judah, I'm sorry.'' si Glenn na nakasunod pala sa kanya sa loob.
''I said leave me alone, Glenn!'' sapo ang sariling buhok, napaupo na lang siya sa sofa dahil hindi niya alam ang gagawin at kung saan ngayon hahanapin si Rocky dahil wala naman siyang alam sa mga lugar na lagi nitong napupuntahan.
''Beshie, anong nangyari?'' nasa kabilang linya pa pala si Beshie na ino-obserbahan lang ang mga nangyayari.
''Beshie, si Glenn kasi eh.''
''Anong ginawa ni Glenn?''
''Pumunta siya rito tapos hinalikan ako. Nadatnan kame ni Rocky. Ngayon umalis si Rocky, di ko na makontak.''
''Eh gagita pala talaga iyang Glenn na iyan! Bakit niya naman ginawa iyon sa'yo? No worries besh, tutulungan kitang hanapin si Papa Rocky.''
Muli niyang dinial ang number ni Rocky at nagriring na ito ngunit hindi naman sinasagot kaya tinext niya na lang ito.
'Rocky..."
"Please answer my call. Saan ka?''
''Rocky, please. Let me explain.''
''It's not what you saw. Please just let me explain.''
Muli niyang dinial ang number nito at naka out of coverage area na muli ang cellphone nito.
Itutuloy...
Kabanata 6: Alak at Sakit
Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!
See you in the next chapter!
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...