Chapter 3

159 4 0
                                    

"Sorry." Yun lang ang nasa isip ko hanggang sa makauwi ako. Pagkauwi ko may nakita akong lalaking lumabas sa bahay nila jane. Yun na yun siguro gustong gusto sya ng magulang ni jane kasi mukhang matalino sya. Aaminin ko sa school parang tambay ako at basagulero pero pagdating sa pagibig na yan parang tanga lang ako na ewan. Parang isa akong mahinang lalaki.

Jane's POV
"Sorry." Yun lang nasabi ko kay Drake. Pagkatapos kong sabhin sa kanya na layuan nako kasi may boyfriend na ako, well hindi totoo yun walang totoo dum sa sinabi ko! Except sa sorry. Pinapalayo na kasi ako nila mama kay Drake kasi basagulero daw yun nga nagustuhan ko kay drake kaya kami naging mag bestfriend. Naglalakad na ako pauwi, pagbukas ko ng pinto na kita ko yung pinsan ko si dominic di kami masyado close kaya umakyat ako sa kwarto ko. Medyo nerdy yan si dominic kaya di ko feel.

Tinawag na ako ni mama para kumain. Ayoko muna kaya di nalang ako sumagot di rin ako gutom. Iniisip ko parin si Drake hanggang ngayon. Hindi ko alam kung magagalit sya, lalayuan na ko o parang normal lang. Malamang magagalit sya tsaka lalayuan nya ako. Ang tanga ko naman, tinTanong pa ba yun?

Nung narinig kong umalis na si dominic na tulog nalang ako dahil sobrang pagod ako dahil sa mga nangyari kaganina. Bago ako matulog nag-alaem muna ako sa phone ko para bukas kasi may pasok nanaman

Drake's POV
Nandito na ako sa bahay kumakain sila mama pero hindi na ako sumabay. Naglaptop lang ako wala akong gana kumain at di na lang din ako papasok bukas. 3:00AM na. Nag-laptop parin ako. Iniistalk ko si Jane, iniisip ko pa din hanggang ngayon yung sinabi nya sakin sa playground.

Sa sobrang pag la-laptop ko nakatulog na ako, pag ka gising ko 1:00 PM na ibig sabhin sobrang late na ako. Pinapa ulit ulit ko parin sa isio ko yung sorry na sinabi ni jane bago sya umalis ng playground. Naligo tsaka nagbhis nalang ako kasi mag gagala ako sa mall para makalimutan lahat nang nangyari sa playground. Di ko alam kung kaya ko ba syang pansinin.

* * *
Nasa mall nako, naghahanap ako ng pwedeng iregalo kay Jane sa birthday nya sa saturday, thursday pa naman kaya okay lang, ipapaabot ko nalang kay marjorie o kaya naman iiwan ko nalang sa tapat ng bahay nila kasi hindi kami okay ngayon, tumingin ako sa isang pet shop kasi dati pa daw nya gusto magkaron ng aso. Binili ko yung isang puting chowchow na nakita ko. Binilhan ko na rin ng gamit, kulungan tsaka ng pag kain para kumpleto bumili rin ako ng isang malaki teddy bear tsaka roses.Umuwi ako sa bahay para ibigay yun sakanya nilagyan ko muna nang sulat na nakalagay

To:Jane
Sana magustuhan mo, Advance Happy birthday
From:Drake

Tsaka ko lang iniwan sa bahay nila.

Jane's POV
Pauwi na ako galing school, wala kaming masyadong ginawa at di rin pumasok si Drake kaya lutang rin isip ko. Pagdating ko sa bahay namin may puting chow chow sa doorstep namin tsaka isang malaking teddy bear tsaka mag roses. Sigaw ako ng sigaw kasi gustong gusto ko magkaron ng aso. May letter sa loob ng cage. Galing kay Drake?!?!?! Ang sweet nya talaga, kompleto pa yung gamit. Kinuha ko kagad yung cellphone ko tapos tinext io sya nang "thank you :)" pero kahit nakita nya na di sya nagrereply. Galit nga talaga sya saakin. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko sasabhin sakanya na lahat ng sinabi ko sa playground hindi totoo. Gusto ko nang mabalik yung dating kami.

I'm Inlove with my boyish bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon