Chapter 1 - Shattered Heart

67 2 1
                                    

Nang tumuntong palang si Reya sa elementarya pangarap na niyang maging isang masipag at matiyagang guro tulad ng kanyang Mama. Sa kasawiang - palad maaga itong namatay ng dahil sa sakit sa puso.Tanging ang Tatay na lamang niya ang tumayo bilang magulang niya kasama ang tatlo niyang kuya - Reynold, Reynier at Reymond. Kahit pa puro lalaki ang kanyang nakalakihang makasama sa bahay tinuruan pa rin siyang kumilos bilang isang babae.
Ngunit nagbago ito ng siya'y mag-high school sa kadahilanang naranasan niya ang masawi sa kanyang unang pag-ibig. Ito ang naging malaking dahilan ng kanyang pagbabago. Sinubukan niyang sundan ang yapak ng kanyang mga kuya na varsity ng basketball sa kanilang unibersidad. Nadala niya ang pagbabagong ito hanggang sa siya'y mag college na. Dahil matangkad siya, sa height na 5'10, nakatanggap siya ng isang magandang offer mula kay Coach Louie - ang maging scholar sa St. Dominic University sa pamamagitan ng pagsali sa women's basketball team - ang Lady White Tigresses. Walang pag aalin-langang tinanggap niya ito.

#flashback - February 1999

Naghahanda at nag-aayos na si Reya sa kanyang kwarto dahil ito ang araw kanilang JS Prom, nang biglang pumasok ang kanyang kuya Reynold.

"Wow! Ang ganda-ganda naman ng ate namen." masayang panunukso nito.

"Ate ka d'yan Kuya Reynold?! Ako po kaya ang bunso n'yo dito sa bahay noh!" sagot ni Reya

"Syempre dalaga ka na, kaya mukhang ate ka na talaga!" sagot uli nito at lumapit sa kapatid upang suklayin ang mahabang buhok ng kapatid.

"Kuya, bakit kayo iba?" tanong ni Reya.

"Anong iba?" nagtatakang sagot - tanong ng kanyang kuya.

"Kasi may mga schoolmates ako na puro lalaki ang kasama sa bahay, kaya ayun parang lalaki rin kung kumilos, pero bakit ako, kahit puro lalaki kayo nila Tatay dito nagawa ninyong pagkilusing babae pa rin ako...?" usisa ni Reya.

Tumaas ang kilay ng kanyang kuya at nagboses babae, "Hoy, ano ka!? May sister ka kaya noh! Ako!" sabay tawa.

"Ikaw talaga kuya ang kulit mo! Bakit nga?" pagpupumilit ni Reya

"Eyang, ikaw lang ang natirang magandang alaala ni Nanay sa amin, eh 'di kung ginawa ka naming lalaki, eh 'di puro macho na tayo dito! Tsaka sa ganda mong yan, baka kapag naging lalaki ka, eh malungkot si Kuya Reynier at Reymond mo kasi lalo ng hindi mapapansin ang konting kagwapuhan nila. hahahaha Pero hindi sa akin ah, ako ata ang pinakagwapo dito!" pagmamalaki ni Reynold.

Narinig ng kanilang tatay ang pagbobolahan ng magkapatid kaya't dagli itong pumasok at sumabat.

"Sinong pinakagwapo?! Kung hindi magandang lalaki ang tatay, aba hindi gaganda ang anak! Tama ba ang tatay Eyang? sabay ngiti na parang kinukumbinse ang anak.

"Syempre naman Tatay! Kayo ang pinakagwapo dito. Kayo ang kamukha ko db? 'Yang sila kuya medyo lang talaga sila. hahaha" sabay yakap ni Reya sa ama.

"Hay naku! Ikaw na ang sipsip sa Tatay. Pano mo naman naging kamukha yan, eh si nanay ang kamukha mo! Tska ikaw maputi, si Tatay negro!" pagtutol ni Reynold.

"Basta kamukha 'yan ng Tatay!" sabay halik sa pisngi ng anak.

Biglang pumasok na rin si Reynold.

"O sige na nga kayo na magkamukha! Alam ko Reya kahit nga wala kang make up maganda ka pa rin eh." sabat nito.

"O S'ya anak, ingat kayo doon ng mga kaklase mo ha. Mag-enjoy ka! 'wag KJ sa mga gustong makipagsayaw sa'yo, pero pag binastos ka, sapakin mo kagad! Tsaka pagkatapos na pagkatapos ng Prom tumawag ka kagad para masundo ka ng kuya Reynold mo ha." bilin ng ama.

Pagdating sa venue ng kanilang Prom Night, sinalubong kaagad si Reya ng kanyang mga kaibigan at niyaya na siyang pumasok sa loob...

"Bhest, lalo kang gumanda! Grabe ka, paano na kami nila Liza nito? May makikipagsayaw pa kaya sa amin kapag nakita ka na..?" bati ng bestfriend na si Cristina.

"Naku bhest, naiilang nga ako eh." nakangusong sagot ni Reya.

"Hay gurl kung ganyan ako kaganda, rarampa na ako agad dun sa ball." sabat naman ni Jessica.

"Teka bhest, sino nga pala ang ka-date mo ngayong gabi, si Marvin ba?" nanunuksong tanong ni Cristina.

"Ako may ka-date? Wala ah!" mabilis na sagot ni Reya.

"Ikaw pa! Imposibleng wala. Ano si Marvin nga ba?" pangungulit ni Liza

"Wala nga. Kayo talaga. Tsaka si Marvin malapit na kaibigan ko lang siya at sigurado naman akong may ibang ka-date na yun ngayong gabi..." paliwanag ni Reya. "basta kasama ko kayong tatlo ngayong gabi, kakwentuhan at kasayaw masaya na ang Prom ko." dagdag pa ng dalaga.

"Pero alam mo Reya parang napansin ko na nga kaninang dumating si Marvin at may kasamang ibang girl. Pero isa lang sigurado ko, wala siyang ganda. hahaha" wika ni Jessica

"Si Marvin may kasamang ibang babae? Sigurado ako siya na ang ka-date n'ya..." malungkot na inisip ni Reya. "talaga sigurong walang pag-asa na magustuhan rin niya ako. Siguro hanggang pagkakaibigan lang talaga kami."

Napansin ng mga kaibigan ni Reya ang bigla niyang pagtahimik...

"Huy bhest! Anong iniisip mo d'yan?" nagtatakang tanong ni Cristina.

"Hah?! ah eh, wala bhest. Tara sayaw na nga lang tayo." pagyayaya ni Reya.

Tulad ng inaasahan maraming mga kaklase at kaibigan ni Reya ang nagnais na makipagsayaw sa kanya. Ngunit tinanggihan niya ang mga ito sapagkat wala siyang ibang gustong una at huling makasayaw kundi si Marvin. Tumakbo pa ang mga oras at karamihan na sa kanyang mga kaklase ay napagod na sa pagsasayaw. Maya-maya pa ay may lumapit na sa kanya at may dala itong rose...

"Reya, pwede ba kitang maisayaw?" malambing na paanyaya ni Marvin.

"Ha? Ako? Bakit ako?" pakipot na sagot ni Reya.

"Oo naman ikaw. Kanina ko pa napapansin na hindi ka kasi nakikipagsayaw sa mga lumalapit sa'yo."

"Ah yun ba. Hindi ko naman kasi hilig ang sumayaw." paliwanag ni Reya.

"Ikaw talaga. Sa ganda mong yan dapat hindi ka tumatanggi sa kanila. Sayaw lang naman. Tara sayaw tayo." pagpupumilit ni Marvin.

"Naku Marvin baka naman magalit ang ka-date mo, sabihin bakit nagsasayaw ka ng iba" sagot ni Reya.

"Huwag kang mag-alala nagpaalam na ako sa kanya. Sabi ko isasayaw ko lang ang isa sa pinakamaganda kong kaibigan, at ikaw yun!" papuri ni binata.

"O sige na nga." sagot ni Reya

Kahit pilit na itago ni Reya ang kanyang nararamdaman hindi niya maitatanggi na nakaramdam siya ng kasiyahan sapagkat kanyang kasayaw sa ngayon ang unang lalaki na nagpatibok ng puso niya. Ngunit nang matapos na ang kanta, niyaya siya ni Marvin na mag-usap ng sarilinan.

"Bakit tayo mag-uusap Marvin, May problema ba?" nagtatakang tanong ni Reya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon