Fernsby Academy (Part 1)

5 1 0
                                    

Genre: Romance
-This is unedited
-This'll also be written in Tagalog and English

~

"Ano ba ma? Saan ba talaga tayo pupunta? Inis na tanong ni Charmaine sa kanyang ina na kasalukuyang minamaneho ang kanilang sasakyan sa kalsada

"Mag antay ka nalang malapit na tayo." Mahinahong sinabi ng kanyang ina na tila ba may hinahanap sa daan.

"Pero iyan din ang sinabi mo noong nakaraang oras!" Halos magsigaw na si Charmaine, ngunit siya ay nanahimik noong tiningnan siya ng kaniyang ina ng masama sa salamin.

"Malapit na nga tayo mga limang minute nalang anak." Mahinahon nitong sinagot.

Nakalipas na ang limang minuto at tila ba may natatanaw na si Charmaine. Isa itong liblib na lugar, ang labas ay gawa sa mga bato na nagkakaroon na limit ang labas nito.

Bigla na lamang nagbukas ang pintuan nitong mas malaki pa sa kanya at agaran namang pumasok ang sasakyan.

"Andito na tayo!" Iling ng ina ni Charmaine at sabay silang dalawa na lumabas ng sasakyan.

Agad namang tiningnan ng mga taong naruon ang dalawa, ang iba ay nginingitian lang sila ang iba naman ay parang papatay.

"Ano pang inaantay mo diyan?" Sigaw ng ina niya habang papasok sa loob ng main building.

"Saglit lamang po!" Sinambit ng dalaga na tila ba hinahabol ang kaniyang ina, habang dala dala ang maleta nito.

Pagpasok ng dalawa, nakatingin parin ang ilang estudyante sa kanila na tila ba'y nagbubulungan at pinag-uusapan ang dalawa.

Dumeretso sila at huminto ang dalawa nang makarating sila sa pintuan kung saan nakalagay ang mga katagang "Principal's office".

Binuksan ng ina niya ang pinto at bumungad sa dalawa ang isang babae mga nasa edad 40, base sa tingin ni Charmaine.

"Ikaw pala Mari matagaltagal na rin tayong hindi nagkikita ah, pasok kayo!" Malugod na bati ng babae sa kaniyang ina.

"Siya na ba ang iyong anak?" Nakangiting tanong ng baabe, at tumango lamang ang kaniyang ina.

"Ito na nga pala ang schedule niya, pati na rin ang susi para sa kaniyang dormitoryo, ito rin pala kape mukang pagod ka eh." Agad itong inabot ng babae kay Charmaine ngunit tinitigan niya lamang ito.

"Ma mag-usap nga muna tayo!" Ngumiti ito sa babae at hinatak ang kaniyang ina sa gilid.

"Ma di mo naman sinabi na iiwan mo ako dito?" Mahinahong binigkas ni Charmaine

"Kasi kung sasama ka pa sa akin sa apartment, mas lalong mahal kaya napag isipan ko nalang na dito."

"Ahh okay po." Bati ng dalaga sa kaniya at bigla namang lumapit sa kanila ang babae.

"Ano nakapagdesisyon na ba kayo?" Bati ng principal, habang nakangiti pa rin at tumango lamang ang dalawa.

" Sa room 205 ka beh, ako nga pala si Miss Isabela Fernsby, at Kung may tanong ka pa maaari mo lang along bisitahin dito, o di naman kaya ay magtanong ka malamang sa room mate mo." Sabi ng babae at lumabas na ang dalawa sa silid.

"Paano ba yan, mauuna na ako!" Sigaw ng kaniyang ina, bago lumayo ay tila ba may ibinigay ito sa kaniyang bulsa.

"Sa loob mo na yan buksan!" Sigaw ng kaniyang ina.

"Asan na ba iyon?" Tanong ni Charmaine sa kaniyang sarili, habang daladala ang kaniyang maleta, at baso ng kape na ibinigay sa kaniya ni Miss Hutton kanina.

"Tabi?!" Boses iyon ng isang lalaki na tila ba parang may hinahabol rito.

Nanigas ang kaniyang mga paa, ng papalapit ito at siya namang nanggaling ng binata, tumilapon ang kape sa DAMIT ng dalawa.

"Ano ba yan?!" Galit na sabi ng lalaki sa kaniya.

"Umurong ka kasi pag-" Naputol ang sinasabi nito ng may makita siyang dalawa pang lalaki na papalapit sa kaniya.

Agaran itong tumakbo at iniwang mag Isa si Charmaine.

"Pasensiya na!" Sigaw nito sa papalayong lalaki, at patuloy an naglakad patungo sa kaniyang dormitoryo.

"Tao po?" Pabulong na sinabi ni Charmaine habang binubuksan at naglakad papasok.

"Ay hindi hayop ang nakatira dito, Art arf, char!" Sarkastikong sinabi ng babaeng nakahiga sa isa sa mga kama.

"Hello! Anyare sayo?"
"bago ka palang dito noh?"
"Bat ka lumipat Ng paaralan?" Sunod sunod na tanong ng babae, na ngayon ay nakatayo na at tinutulungan siyang mag ayos.

"Isa isa lang!" Patawang sagot ni Charmaine.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ni Charmaine sa kaniya.

"Alina, Alina Harper! Ikaw?" Sagot ng babae

Charmaine, Charmaine Linnett!" Bahagyang itinaas nito ang kaniyang mga kamay upang makipagkamay, ngunit siya ay niyakap ng babae.

"Magpalit ka na ng damit, ang dumi mong tingnan!" Natatawang sinabi ni Alina habang pinapasok ito sa banyo, dala dala ang kaniyang Isa pang pares ng Uniporme.

"Dalian mo, magsisimula na ang klase, 30 minuto nalang!" Sigaw ni Alina, at agaran namang lumabas si Charmaine.

"Halika na, mas mabuti ng maaga, para masanay ka sa lugar na ito!" Malugod na sabi ni Alina, habang papalabas ng pintuan.

Lumabas ang dalawa at nagmamadalimg hinatak ni Alina si Charmaine papasok ng silid aralan.

"Bat ba parang nagmamadali ka?" Mahinahong tanong ni Charmaine sa kaniya.

"Kasi baka mamaya maabutan pa natin yung mga-" Naputol ang sinasabi ni Alina ng may mga tumiling babae sa labas.

"Ano yon?" Tanong ng dalaga habang kinukunot ang noo nito.

"Ayan, Ayan ang sinasabi ko kung bakit dapat maaga tayo!" Iritadong iling ng kaibigan nito.

"Sino ba sila?" Mausisang tanong ni Charmaine habang tinitingnan ang mga babaeng nagtitilian sa labas.

"Mga Fangirls, cringe diba!" Sabay irap nito

"Eh kanino naman sila kinikilig?" Sagot nito, habang nakakunot pa rin ang noo.

"Lane, Lane Fernsby anak siya ng principal mayaman, gwapo at sikat siya dito." Iritado pa rin niyang binigkas.

Bago pa ito makapagsalita, pumasok ang isang lalaki noong tiningnan ito ni Charmaine, nakangisi itong tinitingnan siya.

"Bat PARANG may kamukha siya?" Tanong ng babae sa kaniyang Sarili, at tila ba gumuho ang mundo niya noong namukaan niya Ito. Siya Yung nakabangga sa kaniya kanina, Patay na!

"Hi!" Bati ng lalaki sa kaniya habang nakangisi pa rin.

"Bat ba andito ka?!" Nagagalit na sabi ni Alina sa kaniya.

"Gusto ko lang naman siyang makausap." Inosenteng sinabi ni Lane.

Tumingin siya sa paligid at nakitang nakatingin sa kanila lahat ng babae sa silid aralin.

Hinatak ni Lane papalabas si Charlotte, at tila ba nagpahatak nalang Ang dalaga.

Short storiesWhere stories live. Discover now