CHAPTER 5

298 12 0
                                    

Balisang balisa si Father John nung magising.

Hinahabol niya ang kanyang paghinga.

Rinig na rinig niya na mabilis ng pagtibok ng kanyang puso.

Umupo sa gilid ng kama ang binatang pari at ipinikit ang mga mata.

Kinontrol niya ang kanyang paghinga.

Dahan dahan din bumabalik sa normal ang pintig ng kayang puso.

Alam na alam na niya ang kanyang gagawin dahil linggo lingo ay napapaginipan niya ng paulit ulit ang sinaryo ng pagkakapaslang ng kanyang tatay sa kamay ni Jamie Racman.

Hinanap niya ang kanyang relo na noon nakalagay sa maliit na lamesa sa gilid ng kama.

Inalam niya ang oras

"Alas tres nanaman" bulong sa sarili.

Naisipan ni Father John na magdasal sandali para kumalma ang kanyang isipan.

Nagpasya siya mag palit ng suot na t -shirt dahil kahit malamig ang kanyang kwarto ay pawis na pawis ito.

Lumabas siya ng silid at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom.

Madilim ang daan papuntang unang palapag at nakapatay lahat ng ilaw.

Di niya alam kung nasaan ang mga switch ng ilaw kaya nagpatuloy na lang ito sa paglakad habang kinapa na lang ang daraaan.

Nakarating siya sa hagdanan pababa sa kusina ng tinutuluyan nang may narining siyang kaluskos.

Maya maya pa ay may narining siyang boses na bumubulong.

Binalewala naman niya ito sa dahilan na baka si Mang Berto o kaya'y si Father Daniel lang mga ito.

Nang biglang may nasanggi siyang isang istante na gumawa ng ingay, biglang tumigil ang mga nagbubulungan tumahimik sandali ang kapalirigiran.

Nang may narinig si Father John nang ingay tila galing sa isang hayop

"Grrrrrrr....Grrrrr"

Iyon ay halos katulad ng ingay na ginawa ng halimaw na si Jamie Racman.

Biglang pumasok sa isip niya ang kanyang shoulder bag ngunit ito ay nakatago sa kanyang silid.

Dahan dahan naglakad pabalik ng hagdanan si John nang
may narinig ulit siyang kasing katulad ng garulgol ng isang hayop na ngayon ay nasa tabi naman niya.

"GGGrrrrrrrr.....GGGrrrr "

Napalunok ang batang pari dahil mas galit ito kaysa dun sa nauna at halatang handang manakmal. Naramdaman nila ang mainit na hininga neto sa bawat ingay na gawin.

"Hindi pa Panahon, di ko pa nagawawa ang pinunta ko rito". nanlalambot na iniisip ni Father.

Nakita na niya ang kakayahan ng mga Aswang at alam niya na di siya mananalo dito kahit nag iisa lang ito.

Biglang may nag salita

"Wag kang gagalaw"
galing ang boses sa kadiliman

"MACKIE!"

Tila ito ng pangalan ng hayop na nasa tabi niya dahil bigla itong tumahimik.

Biglang bumukas ang ilaw.

Nakita niya si Mang Berto na may katabing isang malaking puting aso. Napakaganda neto dahil ito ay isang huskie.

Bumaling ang tignin niya sa kaliwa kung saan nanggaling ang galit na galit na ingay galing sa isang hayop.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon