"Top 4 Abby Brillantes" banggit ng aking guro sa aking pangalan
Naglakad naman ako papunta sa harap na gulat na gulat
"Nice" pagbati sakin ng kaibigan ko na top 3
"Salamat"
Nakalipas ang mga oras nakauwi na ko sa bahay at kwinento kay mama ang nangyari
"Ma.." pagdadahan-dahan kong pagpapaliwanag kay mama
"Bakit?" Tanong niya habang may ginagawa siya
"Ma!"
Tuwang tuwa kong sigaw kay mama
"Wag ka muna dito! Kita mong may ginagawa ako diba?! Alis!"
Sigaw niya sakin
Biglang parang nadurog ang puso ko sa nangyari na yun, ang araw na pinaka hinihintay ko sa buong buhay ko napunta lang sa pagkalungkot. Mapapaluha na sana ako non at tutulo na ang luha ko pero pinunasan ko ito sabay sabing
"Ahh si-sige ma, mamaya nalang"
Banggit ko sabay lakad na papalayo
Oo nga pala, ako pala si Abby Brillantes, pangalawang anak sa tatlong babaeng magkakapatid, junior high at ang pinaka.. basta basahin niyo nalang ang buong buhay ko na nakakalungkot.
Flashback..
"Top 9 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Kinder
"Top 10 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Grade 1
"Top 10 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Grade 2
"Top 9 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Grade 3
"Top 9 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Grade 4
"Top 9 Abby Brillantes" banggit ng guro ko sa Grade 5
Back to the future..
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto napaisip ako kung talaga bang kailangan nila ko?, mahalaga ba ko?, At kung kapatid ba talaga nila ko. Ang mga kapatid ko kase nasa matataas na grado ang ate ko ay section 2 sa aming paaralan, umaabot siya sa top 5 lagi, at ang mga grado niya ay umaabot ng 98. Ang kapatid ko naman ay nasa special section o tinatawag na pinakamataas na section, nasa top2, umaabot din ang kanyang grado ng 98. Oh diba napaka layo ko sakanila, minsan talaga iniisip ko nalang na nasa tao talaga ang talino, hindi yun namamana, para lang mawala ang sakit na dinadala ko sa aking puso.
Pagkapasok ko sa aking kwarto napaluha nalang ako bigla at napahiga sa aking kama. Umiyak nalang ako ng umiyak dahil doon sa nangyari kanina
Ilang saglit lang napagpasyahan kong lumabas na at kumain
Hindi po kasi kami sabay sabay kumakain eh, kung gusto mo kumain, kumain ka.
Bigla ko naman nakita na mayroong pinipicturan si papa sa may sahig, napalakad pa ako ng onti para tignan yung kung ano ba yun
Bigla akong napaluha sa nakita ko, Ang award ng aking bunsong kapatid at ang medalya niya.. pinipicturan ni papa at pinost niya sa fb, ganito ba kailangan ko para mapansin ako? Ganito ba dapat kailangan? Kailangan ko bang maging katulad nila? Katalino nila? At kailangan ko bang magpadami ng medalya para lang kanilang ipagmalaki ako? Ano bang requirements sa magulang? Ano bang gusto nila para mapansin ako? Puro nalang ba si Ate at bunso?
Biglang tumakbo sa isip ko yung mga pagmumura sakin nila mama, papa at si ate pati narin ang mga pagbabastos sakin ng aking bunsong kapatid
Flashback from my mind..

YOU ARE READING
I'm fine
Teen FictionHi ako nga pala si Abby Brillantes isang normal na junior high, may normal na buhay pero may maraming problema. I have a sick that is called Depression. I have many problems like family problem, school problem and many more. I'm smiling but deep ins...